read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Gandang di pangkaraniwan Dulot nito'y kasiyahan Galak na di maipinta Ng kahit sinong artista At di rin kayang ilarawan Ng kahit anong salita Sa dictionary o encyclopedia. Tunay ngang kakaiba Umagang ikaw ang kasama Ngiti mong kaysigla At boses mong maingay man sa tenga Ay wala na akong magagawa Kundi bumangon na at maghanda Ng almusal nating dalawa. Pero teka teka Di ko na mai-connect tong picture sa baba Naku mga kaibigan pasensya Babatiin ko na lang kayo Ng isang umagang kayganda!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.