read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Surprise ni Ate

Ang katawan ko ay pagod Kaya gusto ko na sana matulog Dahil bukas ay panibago na namang kayod Ng ang buhay ay umayos-ayos. Pero dahil kagabi ay di ako ulit nakapagsulat Feeling andami ko ng napalampas Di na updated sa mga balita sa radyo at tv Pati na din sa noise at sa read Kaya pagpasensyahan nyo na kung tagalog na naman ang lola Sadyang di na kayang mag-isip pa Baka yung dati mali kong grammar eh lumala pa Kailangan ko hapitin Pero dapat di pa din mabibitin Mga dadaang mambabasa Baka ako ay biglang i-block bigla At sabihin ang gawa ko ay walang kakwenta-kwenta At di na sila natutuwa pa. Pero ano na nga bang bago Sakin kasi nauubos oras ko sa Kusina Mag-assist ng bisita sabay alaga ng bata Pero sadyang si Lord ay ang bongga Akalain mo sa pag-volunteer ko sa reception area Ang aking ate ay nag-iisip pala Na bigyan din ako ng sariling pwesto At yun nga ay magbenta ng cooked alimango Na kung matitikman mo Ay paniguro mabubusog ka ng todo At iyon na nga manager na din ako Ay ang sweet ano! Sobrang touched ako!♥️ Sa isip ko super thank you ako kay Lord Di ko alam anong ginawa ko na mabuti at patuloy ang kanyang biyaya sa akin Na talagang bawal magcomplain ano Walang hanggang pasasalamat ito. Hay, na-eemo na tuloy ako Wala ito sa plano ko pero ito Dumating sa harap ko Ni walang pa-hint na nangyari Basta na lang, ito business mo Alagaan mo at pagyamanin ito. Sino ba ako para tumanggi sa grasyang iyo Biyaya mula sa Langit at sa ate ko ang ginawang tulay para iabot ito. Ikaw kaibigan, nangyari na din ba ito sayo? Nakakatuwa ano? Kaya kaibigan,wag ka mag-alala Magpasalamat lagi ng bongga Kasi si Lord alam nya anong kakayanin natin Kakailanganin at perfect para sa atin Antay ka lang, kalma ka lang Gawin mo lang kung ano ginagawa mo ngayon Improve ang sarili at magtiwala palagi. O sya hanggang sa muli Hikab mo lagpas na ng three. Lead image is mine. #originalcontent

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.