Pangarap
Ako'y nangarap Medyo may katagalan na Siguro mga 10 years ago na sya Makagawa sana ng isang kanta Yun bang pambihira Kakaiba, masaya at mapapaindak ka Na kahit sila Sarah G, Regine at Szasza ay mapapakanta Pero ang titulo ay di ko naisip pa Di naman kasi ako makata At di rin ako magaling kumanta Nagpipilit lang ng sobra Minsan kasi nasa tono pero madalas ay alam mo na Tsaka may isa kasi akong problema Yung magiging melody or beat ba Lagi ako nanonood nung sa Moffats Ang ganda kasi ng mga boses nila Malamig at talagang mapapa-in love ka Wala pa ko narinig na ganung tunog Pinoy Yung chill lang habang nakahiga sa duyan O nagmumuni-muni sa ilalim ng buwan Na pati sana mga ibon ay kayang sabayan Pero sige, atin pa ding susubukang pilitin Malay natin ang inspirasyon ay biglang dumating Habang nag-aantay kay darling O kaya habang nagwawalking-walking O kaya naglilinis habang hawak ang walis tingting O habang nakikipag-tsismisan kay Aling Juaning Pero sige balitaan kita ha Mata ko ay bumabagsak na Pinipilit ko labanan pero di ko na kaya Kung may ma-suggest ka Naku-naku, salamat ha Baka ikaw na pala ang sagot sa pangarap kong isa. O sya, bye na Umaga na naman pala Busy na naman mamaya Sa pagtuturo at sa Kusina ni Camila See yah! ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent
3 comments
Oo ganun naman una di ba? Sulat muna ng kanta tapos saka na hahanapan paano yung tamang melody. Kaya mo yan. 😊
Hahah, sana nga sis makagawa kahit isa☺️
hahhaha ako din po.. pinangarap ko din po magsulat ng kanta.. 😅