Ala-una!
Nagising ako ng ala-una Napakaaga, sarap pa ng tulog ng aking mga kasama Gusto ko sana bumalik agad ng tulog Dahil wala naman akong gagawin pa Subalit ako ay nahila Ng kapangyarihan ng aking cellphone Kaya ako ay napabrowse muna Sa mga online raket na sa akin ay madalas nagpapaabala Napasilip lang ng kaunti Tinamad naman akong magcomment Panigurado tulog pa ang mga Pinoy nating friends Lumipat ako sa kabila, kaso ganun din Wala pa din ako sa mood magpost at makichika Kasi sigurado wala ng sasagot kasi anong oras na Kaya dun na lang ako tumambay Sa aking paboritong laruin, ang Candy Crush 5 lives pa, ang saya-saya Kaso ambilis naubos Buti na lang may free life Kailangan mo nga lang manood ng videos Kakalaro ko ng kakalaro Di ko namalayan ang oras Alas dos na pala! Luh, naadik na naman si ako Sa dami ng life na naubos ko Di man lang umusad ang level ko😁 Pero bukas, susubok na naman ako Pasasaan ba at makakalagpas din ako. Ganyan si life Try and try until you succeed ika nga di ba Kung di tayo magtatyaga Wala talaga tayong patutunguhan Hanggang madaming chances na ibibigay Grab lang tayo ng grab, subok ng subok Minsan nakakafrustrate Minsan nakaka-drain Na gusto mo na lang iwan at sa iba naman mag-try Kasi inisip natin di para satin Pero kakaiwas at kakaiwas natin Di natin mamamalayan binabalik tayo ni pagkakataon dun Na tila ba may pinapahiwatig na something Na kung titignan natin parang wala naman bearing Na kung tutuusin andami ng oras ang nasayang natin Pero bukas makalawa, marerealize natin Ay ang bongga pala Ito pala yun, may pasurprise pala si Lord Ay deserve ko pala ito At tayo na lang ay mapapa-thank you! Kaya kaibigan wag ka mag-giveup Laban lang ng laban Araw-araw tayo binibigyan ni Lord ng chance Wag natin yun sayangin at itake for granted Pag di tayo sigurado, dasal tayo Kung sa tingin di mo alam ito, dasal tayo For sure, ipapakita ni Lord satin ano ang purpose nito Ituturo nya satin kung papano. O sya, 2:30 na Ako ay out na muna Salamat ulit sa pagbabasa. Lead image is from Unsplash. #originalconten
2 comments
Yayy, na econnect pa nga si candy crush sa life ee yiehh haha pero tama naman. Pag walang tyaga di tayo makakaalis sa baba. Kailangan nating gumalaw para maka move ganern. Nga pala, nag 0 ang like nitong article mo. May nang dv sayo oi.
Hahahaha, xempre candy crush is life!