read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Pila

Naranasan mo na bang pumila sa pagkahaba-habang pila? Tagaktak ang pawis at nag-aamoy usok na Yung papasok ka pa lang sa opisina eh mukha ka ng bilasa Tapos sasabihin ng gwardiya delayed ang tren na papuntang EDSA! Di ba ang sakit lalo na sa paa! Kaya wala kang choice kundi humanap ng iba Para kahit papano late ka lang hindi half-day sa opisina. O di naman kaya pila sa groserya Ang bibilhin mo lang ay asukal at mantika Pumunta kang fast lane pero di naman pala fast Kasi ang haba ng pila eh hanggang dulo na Kung kaya ng powers mo o di ka naman magmamadali tyagain mo Pero kung sing-sipag mo ko Eh di labas na agad ako at bibili na lang ako sa kanto. May pila din sa nga bayarin at problema Pero na natin isama Baka kulangin ng oras at abutan na ko ng umaga. Sa totoo lang meron akong kwento Si pareng ano pinapunta ng tatay nya sa munisipyo Dahil di naman pwede si tatay dahil senior At si kapatid ay injured Ayon, no choise si pare kundi sumunod Pagkadating sa barangay ng bandang alas-syete Ang haba na ng pila nasa lagpas 100 na nga number nya Kaso mga 9 pa lang nagstart ang bigayan Okay pa naman kasi mahangin at di pa mainit Lumagpas na ng tanghali Ang mga natatawag ay wala pa sa kalahati Tapos itong si ate girl, chika-chika yun pala balak lang sumingit kay kuya Eh palaban si pare, di na sinanto kahit babae Sabi nya kanina pa kami sa pila, pumunta ka sa likod Huy kuya, kanina pa din ako umalis lang ako saglit Hala si ate, di ka cute para mauto mo ako sabi daw ni pare Eh di yun umalis din Etong mga tanod naman Abusado sa kapangyarihan Bilad na bilad na nga sa araw Pasingit pa ng pasingit sa mga kakilalang di kayang isaway Buti mga pulis ay nagdatingan ayon nawala ang tapang Ayon si pare natapos daw alas singko na Walang alisan ng pwesto sa takot na masingitan Na kahit gusto na nya sanang umalis na lang at wag ng kunin ang kaperahan Kaso ti tatay nya ay matindi naman Ibang klase mangunsensya Kaya tiisin na lang na kahit sobrang nanliliit na sya sa sarili sa nararasanan Kaya tinuloy na lang. ...°.°... Pero ang hirap nga naman maging mahirap Alam na ngang salat ka lalo pa nilang ipaparamdam Sa kaunting halaga mga tao ay kayang makipag-away at makipagpatayan Na sa kaunting halaga eh ipapain mo ang sarili para sa sakit na di nakikita Na kung may sapat lang sana syang pera ay inabonohan na sana ang inaasam na ayuda ng tatay nya. Tapos kanina sa balita Yung mga taong pumila sa Community Pantry Nagmamakaawa na wag ng bigyan ng issue ang mga taong dito ay nag-organisa Na isantabi na muna sana ang politika at unahin munang punan ang tyan ng mga nagugutom na kababayan Nakakaiyak ang sitwasyon May isang lolo hirap na sa paglalakad pero pumila pa din para lang may makain Di na inalintana ang peligro na nakaabang Mapunan lang ang sikmurang ilang araw ng kumakalam. Kaya ang dasal ko na lang Sana Lord, dalangin namin ay Inyong pakinggan Sana kami ay iyong kaawaan At ng ang covid ay tuluyan ng mabura sa kasaysayan Dahil Siya lang talaga ang may kapangyarihan Tuluyang puksain ang ating kalaban. Amen. ...^•^... Salamat kaibigan at iyong naisipang dalawin ang aking pahina Sana ikaw ay may natutunan Hangang sa muli! Lead image is from Unsplash. #originalcontent

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.