read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ako ay nagbalik

Tama ka sa iyong nabasa Ako ay nagbabalik Pero para sa ngayon lang Di kasi ako makatulog dahil sa hindi ako antok Kundi dahil ako ay nagbabantay Mapuno ang timba at batya Dahil sa kabilaang tulo ng tubig na dala ng ulan Di naman ako sa nagrereklamo kaibigan Mas gugustuhin ko naman na ako na lang ang mahirapan Kaysa ang nanay kong syempre ay may edad naman Alas-dose pasado na Tik-tok tik-tok sabi na ng orasan Umaga na kaibigan Yung antok ko kaninang alas otso pa lang Ay nawala na ng tuluyan Salamat sa kape na inihanda ni nanay Tapos na ko mag-ingay sa kabila Nakanood na ko ng mga vlog ng kung sino-sinong bida At wala na ko ibang maisip na paglibangan Kaya eto, magsusulat na lang. Ilang linggo na nga ba, o buwan na ba? Namiss ko din pala Magsulat ng medyo mahaba-haba Tulang-kwento na minsan walang kwenta Minsan naman ay dama lalo pag ang utak at puso ko ay gumana Bat nga ba ako nawala? Secret! Hahaha Pero sa totoo lang, napagod lang ako Gusto ko magfocus sa ibang bagay na sa tingin ko ay mas magiging masaya ako Yung mas bukal sa loob ang ginagawa ko Yun bang di ako napepressure dahil sa mga nababasa ko Masyado ko kasing dinibdib mga pangyayari Na di naman talaga ako kasali Na-carried away ba si ako. Pero ayos lang naman, masaya naman ako sa desisyon ko At may mga goals akong kahit papano ay na-achieve dahil sa ginawa ko Minsan kailangan natin ng ganun Umiwas sa mga bagay o tao na feeling natin ay nagiging balakid na Or yung spark ba ay nawala na Kailangan mong lumayo muna at magrecharge ba Kung tutuloy ka pa ba or tuluyan mo ng iiwan sya Dahil minsan kung nasa kahon ka Di mo makikita ang ganda na naghihintay sa labas pala. Ayon, tumila na yata ang ulan Wala na kong naririnig na tubig na pumapatak Pati tunog sa balde at batya na plak-plak! Silipin ko nga muna at ng makasigurong bukas ay di kami binaha Ang inaalala pa naman ng anak ko kanina Pano daw pag wala akong tulog Pano yung almusal nya at baka daw ako ay gegewang-gewang maglakad O di naman kaya ay di na kami makapaglaro dahil bukas ay tulog ako Hay, ang cute nga naman ng batang ito. O sya mga kaibigan Salamat at ikaw ay napadaan Salamat at di mo ko nakalimutan Hanggang dito na lang muna Dahil ako ay magsasaod muna at ng makatulog na Gandang umaga! Lead image is mine. #originalcontent

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.