Saan ang lakad mo?
Saan ang lakad mo? Ha? Ano? Di ka sigurado? Eh ang ganda-ganda nga ng porma mo Daig mo pa ang outfit ng pulitiko At ng paborito kong si Piolo Aba naman, hay naku! Pero di ba mas maganda pag surprise ang destinasyon mo Mas exciting, mas masaya at di lang drawing ito Kasi yun ang natutuloy palagi kahit magulo. Parang noong nag-aaral si tatay ko Andaming naging kurso Nag-abogasya, doctor, inhinyero Pero napunta sya sa fisheries at doon nakilala si nanay ko Aba, iba din talaga si tadhana maglaro ano Kung di nya dinala si tatay doon sa ganung kurso Eh di sana walang anak na kasing cute ko!? O kaya naman noong ako'y nag-uumpisang magtrabaho Wala akong kaalam-alam sa mundo Bahay-opisina lang ruta ko Pero nagsara ang unang kumpanyang napasukan ko At napunta ako isang hardware na industry Malaki naman ito at may mga sangay sa iba-ibang lugar sa Manila at karatig bayan nito Aba akalain mo Natuto ako magbyahe mag-isa ko Di na lang bahay-opisina ang aking napupuntahan May Pampanga, Tarlac, Bulacan at Laguna Tapos sa iba-ibang lugar ng Metro Manila At doon ko naman nakilala itong si kuyang aking naging asawa Aba pano ba naman eh di ako tinantanan Talaga namang ginalingan Eh di yun, na-fall na din ng tuluyan Naging magkasintahan at the rest is history na At si Yuri nga ang aming naging bunga. Hala, kung saan-saan na napunta ang aking istorya Pero ganun kasi talaga ang buhay Minsan akala mo alam mo na ang destinasyon mo Dami mo pang plano, naka-lista pa nga kamo Pero iba ang nakasulat sa ating mga libro Iba sa daan na gusto mo tahakin Kaya minsan nagagawi ka sa daang madilm Hindi para ikaw ay takutin Kundi para ipakita sa iyo na iba pala ang tapang mo Na kaya mo pagtagumpayan ang takot mo! O kaya sa daan na madaming kanto Di mo alam ang papasukan mo Pero bigla kang may makikilalang tao Na syang aakay at gagabay sa'yo Yung taong di mo naman kaano-ano pero ang gaan-gaan ng loob mo Na para bang antagal mo ng nakilala ito. Tsaka yung mga platform na ganito Naisip mo ba na magiging makata at pala-kwento? Na mas madaldal ka pa dito kaysa sa mga kamag-anak mo? Na mas open ka pa magkwento dito kaysa sa bahay nyo? At natututo tayo mag-trade, magsulat at maging produktibo. Kaya grabe si Lord ano Akalain mo sa laki ng mundo Na kahit saang panig ka ng Pinas at ibang bansa May mga tao syang binigyan ng galing at talento Para sa isang click lang eh konektado n tayo Na pag may di ka maintindihan sa lesson mo Di na kailangan tumagal sa library at manghiram ng madaming libro Para sa mga research at lesson na sa iyo ay magulo Di na din kailangan mag-antay ng matagal para makita mga mahal mo At di na lang limited ang mga kaibigan mo. Kaya kaibigan Enjoy mo lang ang iyong pupuntahan Wag ka kakabahan Dahil si Lord ay di ka papabayaan Lagi Siyang nandyan, kasama mo kahit saan. O sya hanggang dito na lang At ang mata ko ay pabagsak na ng tulyan. Hanggang sa muli at magandang gabi! ...^•°... Lead image is mine. #riginalcontent
6 comments
Ang cute ang kulit basahin
Salamat💓💓💓
Ang galing talaga knowing na itong gabi mo lang ginawa yan. Bravo! 🤩 ang bongga ni tatay ang daming naging kurso.
Heheh, salamat sis😁
gusto ko to.. super like po
Aw, salamat!