Hay buhay!
Ang loob ko ay naghihinagpis Di ko alam kung kanino ba dapat magagalit Bakit kung sila ang may kailangan Agad-agad gusto ibigay Nagagalit pa nga kung nagsabi ako na busy ako Na madami ako tinatapos Na unahin ko naman ang munting pinagkakakitaan ko para mairaos ko ang pang-araw-araw na pangangailangan ko? Kasi kayo, may regular na trabaho kayo Na kahit absent may bayad pa din kayo Pero ako, mag-isa lang Ako lahat; gawa, benta, deliver pa nga minsan Pero di nyo yun pinansin at ako pa din ay laging nasusumbatan Pero pag ako, halos duguin na sikmura ko sa gutom Unang tanong may panlasa ka ba? Sabay may ubo at sipon ka? Hala kapatid ko, ano ba? Tanong na di ko inasahan bigla! Bat di mo na lang diretsuhin, may covid ka ba? Alam mo naman kung gano ako nag-iingat Andyan si tatay at ang anak ko Kailangan ko protektahan sila at ako Kung kaya lang ng katawan ko Di naman ako makikiusap ng ganito Dahil kilala nyo naman ako hanggat kaya, pinipilit ko Minsan nga kahit may ginagawa ako pag may inutos kayo Agad ko iniiwan wala lang kayong masabi na kahit ano Bakit kung kailan kailangang-kailangan ko kayo Wala man lang ako makuhang mabilis na OO Oo, andyan na Oo, papunta na Oo, anong gusto mo? Oo, may kailangan ka pa ba? Bakit kabaligtaran ang natanggap ko Nagmakaawa na ko Pero ang sakit ng sagot nyo Ilang hakbang lang pagitan ng bahay natin Pero bakit inabot na ng anim na oras Bago ang pagkain ay makarating? Bakit nakalimutan nyo biglang kapatid nyo ang nangangailangan Wala na ba talaga ako maasahan? Dahil ba di nyo ako kailangan kaya ganun na lang kung ako ay ipagpaliban? Sana bigyan ako ng Panginoon ng lakas Hipuin ng mapagpala Niyang kamay at ako't pagalingin At bigyan ng pusong mapa-tawarin Dahil ayoko magtanim ng tampo at galit Dahil sila ay aking kapamilya at kapatid. ...^.°... Ang tulang kwentong inyong nabasa Ay hango sa tunay na buhay ng aking kakilala Na sobrang hina na kanina Dahil sa gutom at lagnat nya Pero wag kayo mag-alala Covid free naman sya Overfatigue lang ba. Salamat uli sa inyong sandali Na dumaan at nagbigay ng pagbati Hanggang sa muli! Lead image is mine. #originalcontent #randomshot #readcash
17 comments
ang sakit naman nyan.. nakkalungkot. at akoy nalungkot haha
Hahaha, nakakalungkot at nakakafrustrate tlaga sya sis
naapektuhan akis ahhaha.. empath problems hahahahha. hayst.. minsan mas nakakaintindi pa talaga ang iba kesa sa sariling pamilya 💔
True, bat kaya nga ganun ano..ang sakit naiyak nga ko knina sa kwento nya
nateary nga ako eh ahhaha..minsan talag kapag wala ka..hindi ka kailangan. hindi ka kilala ;( (emo) haha
Truth! Bat ganun ano, who u ka pag wla kailangan...kaya sa ofis dati may tinatawag kaming mangga..manggagamit..hehe
hahaha winner yung mangga. nangyari saken yan eh.. ginamit card ko tas nag friendship over at iniwan ako sa ere kasi di na ko need hahahha
Bad trip ano...naku kahit saan kalat sila tlga .hehe
mga kinapos sa pagmamahal siguro sis. di sila mahal ng nanay nila charrr hahaha
Aw, maaga sila nawalan ng nanay sis:(
OMG seriously??? napakaepic pa nung sagot ko haha my gas
Haha, what a coincidence 😁
true.. ganyan litanya ko kapag my mga parang kulangsa aruga ung manners eh ahhaha
Panalo sa mangga!! Hahahaha. Nalungkot ako sa kwento. Pero kung sino man yung tinutukoy mo, kapit lang! 💪🏼
Sinabi mo pa sis pero okay na..check mo new article ko..heheh
Aw akala ko ikaw na yun. Hala sigurado matutuwa yang kakilala mo kapag nabasa ito. Ang kanyang pinagdaraanan ay naging inspirasyon ng isang makata upang ito'y maisalin sa pamanagitan ng poesiya. Bow talaga ako sayo!👏👏👏
Salamat, klngan tlaga may hugot para makalikha ng madamdaming tula☺️