Blangko Utak ko ay pinilit iblangko Ayaw mag-isip ng kahit ano o sino Gusto ko lang pumikit Kausapin ang sarili ko Ano ba ang mga ginagawa ko May patutunguhan ba ito Ano bang ambag nito sa ngayon at bukas ko Ng pamilya at ng mga taong nakakasalamuha ko Nakakalula, nakakaluha Ang blangkong isip na gusto ko Ay biglang napuno Daming mga bagay na pumasok Ito pala mga ginagawa ko Nakakatuwa din pala ano May ambag naman pala kahit pano Biglang tumahimik Tila ba sa isip ko ay may nakikinig Pilit kong pinakinggan ang tinig Sabi sakin ako ay tumahimik at makinig Tila ba isang tapik ng isang Amang sobra ang pag-ibig Luha sa mata ko'y biglang bumalong Di sa lungkot at hinagpis Di dahil ako ay napagalitan at nasermunan Kundi dahil sa labis na pagmamahal Sabi Niya sakin, mahal kita Wag kang mabahala, wag kang mag-alala Sagot kita, ituloy mo lang ang iyong ginagawa Gagabayan kita, aalalayan kita Wag mo lang kakalimutan na sa lahat ng gagawin mo Kasama mo AKO, andun AKO. ...^•°... Sa lahat ng ating ginagawa wag nating kalimutang magbasa ng ating Bibliya Andun ang sagot sa mga tanong natin, mga bakit list natin, mga paano ba natin. Imbes na mag-Marites tayo sa buhay ng may buhay I-Marites natin ang Buhay na Salita ni Lord Yung blangkong isip natin gawin nating prodaktibo Punuin natin ng mabubuting salita Para ang ibabahagi din natin sa iba ay mabuti at maganda. ...^•°... Salamat kaibigan at napadaan ka Di man tayo magkakilala Sana ay may napulot ka sa iyong nabasa. Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet