Siesta
Ako ay magpapahinga muna Kailangan din mag-siesta Bago ulit sumabak sa giyera Ay sa trabaho pala Grabe na naman kasi ang tao sa Kusina ni Camila Ang aga-aga pa lang mga tao ay nagdagsaan na Ako kasi ang tumao sa reception area Ayun napalaban din sa English ng bahagya Kasi mga bisita ay hindi basta-basta At ang mga sasakyan ay ang gagara! Mga bata pa kasi halos aming mga kasama At di pa sanay makipag-usap sa ibang madla Kanya-kanyang toka Pero ang nakakaloka Ako ang naghahanap at nagbubuhat ng upuan at mga lamesa Bitbit ang aking wallet na bigay ni ina Na lagayan ng aking mga nakolekta At habang ako'y ngumunguya ng merienda Biglang may darating ulit na di lang iisa kundi grupo pa At gusto lahat pumwesto sa ibaba Pano ba naman ang ganda kasi naman talaga Payapa ang tubig, sarap titigan at kung gusto mo ay pwede ka pang maligo ng matagalan Na ang init ng araw ay kaya mong labanan Kaso sobrang dami talaga Base sa listahan ko kanina Halos 200 katao na Di pa kasali ang mga bata Salamat Lord sa biyaya Kahit ang sahod ko ay wala pa Dahil sabi ni kapatid ay understanding muna Ayos lang, ang importante ay na-achieve namin ang main goal 'To regain Pug-os Beach it's glory' At di lang yan, nagiging tourist attraction na din talaga sya Kaya mga sissies @Firenze at @bbyblacksheep kayo ay humanda Ipunin na ang BCH at kayo na ay dito pumunta Isama nyo pa sis prof @Pisces-jr15 . Nakakataba ng puso talaga Makitang madaming nakaka-appreciate sa inyong ginawa Na iba daw ang ambiance pag pumasok sila Na babalik daw sila. Kaya Lord, sana ay lagi mo kaming bigyan ng lakas at sigla Na humarap sa iba-ibang klase ng tao na sa aming munting paraiso ay bibisita Na sana ay masatisfy namin ang curiousity nila At di sila magsawa na mag-spread ng magandang balita Na sana ang mga taong nagtulong-tulong na mabuo ang proyektong ito Ay di magkakagulo At ang pera ay di nila maging issue Bagkus ay maging open sana ang lahat sa kritisismo Para di lang customers ang panalo Kundi pati mga empleyado. O sya mga kaibigan Itutuloy ko na ang siesta ko At mamayang alas-tres ay babalik na ako sa aking pwesto Ako na ay rerelyebo. Salamat sa pagbabasa at sana ay may napulot ka kahit onting moral lesson sa aking kwento. Lead image is mine. #originalcontent
3 comments
Kahit nakakapagod ang sarap sa freling ng operations noh? Yan yung masarap kapag madaming tao. Nakakapagod pero yung makita mo maraming tao at enjoy sila parang kaya mo pang sumabak ng sumabak kahit ilang giyera. Hehe
Yap, tanggal pagod lalo pag sunod-sunod na sila
Yan ang nakakatuwa sa mga events eh. Ung kaharap mo maraming tao tas sandamakmak na. Feeling productive ang peg hahaha. Kung pede lang tlga magteleport 😹😹