read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Bakit ang sipag mo?

Para kanino ka bumabangon? Yan ang sikat na tagline ng isang kilalang kape Mapapaisip ka nga naman di ba? Para kanino nga ba? Para sa mga bills ba or sa mga due dates? Or sa gusto mong mabiling property or investment? Or gusto mong makabuo ng 1BCH? Or para sa pamilya, para lahat ng gusto nila eh maibigay ng walang palya? Madaming dahilan ano kaibigan Dahilan para bumangon, sipagan Dahil kung di mo yun gagawin Sasakit ulo natin sa charges O di naman kaya masasaktan ka lang pag nagsale tapos di mo nabili dahil kapos ang budget Tapos nagrequest si bagets at di mo kayang bilhan kasi sabi mo kapos na naman Lahat tayo madaming dahilan At syempre dahil gusto natin umasenso at mabili di naman lahat ng luho Pero yung may madudukot tayo sa oras na tayo ay may kailangan Naghahanap tayo ng di lang isang paraan Pero lahat ng pwedeng paraan ating susubukan Alam mo bang wala pa itong si aking bagets eh nagbabakasakali na ko magbusiness? Nagtinda na ko dati ng mga sabon, damit, mga fashion jewelry Ako pa dati gumagawa mga beaded earrings, necklace, headband at bangles Dahil sa kagustuhan ko makabenta ng madami May nag-alok sakin beh Export nya daw sa Italy Nagtiwala ako agad kasi kakilala ng kapatid ko Nag-invest ako; oras, talento at pera Kaso hanggang ngayon nganga Ni ha ni ho, di ko na narinig galing dun sa tao Pero nagmove-on na ko Sabi ko na lang ayos lang, charge it to experience May darating pang iba, subok ulit Sabay-sabay yan, regular work, online at mga ibang raket Akala mo nun dami ko ng anak Pero hilig ko talaga sya at naeenjoy ko sila ng sobra Pero dahil din dun sa credit card ako ay natuwa Sarap magswipe di ba? Yung pinaghirapan kong mga raket-raket eh sa credit card napunta Nagsisi ba ko? Aba'y oo! Nabiktima ako ng todo Kaya kung ako ikaw, pag-isipan mo. Ayun, mabilis talaga ako mag-move on Nakaalis din ako sa hamon na yun At ngayon, ang hamon na aking sinusuong Eh kung pano ko mabibigyan ng magandang kinabukasan ang aking baby May katuwang naman ako pero syempre sa hirap ng buhay kailangan magtulungan Bawal ang di magsipag Bawal ang tutulog-tulog Bawal ang magastos Dahil ngayon ang focus ay siya at mga kailangan nya Sya ang pangunahing dahilan ba't ako nagsisipag ng bongga At alam ko katuwang ko din si Lord palagi para ma-achieve ko yun. Madami pang darating na pagsubok para matest ang sipag na meron ako Pero ganun talaga si life Icha-challenge ka para fight fight fight! ...^•°... Magandang gabi kaibigan Salamat sa iyong pagdaan Sana ay kahit pano meron kang natutunan O sya hanggang dito na lang Kailangan ng matulog dahil eyebags ko ay nag-uumpisa ng maipon. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.