read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Tawag

Isang maulang umaga Gumising sa aking diwa Tila ba nagbabadya Sa isang malungkot na balita Subalit pilit ko itong binalewala Ngumiti kahit lang bahagya Nagbasa, nagsulat, nagtrabaho at ano pa Pero ang bigat sa dibdib ay di mawala-wala Isang tawag, oo isang tawag Sa akin ay lalong nagpakaba Pangalan mo aking nakita Ako'y nanginig sa takot at pangamba Kung anuman ito ay ayoko na sanang malaman pa Oh musta, anong balita? Malumanay kong nawika Ate, wala na sya Diretso mong salita Natahimik ako bigla Balitang aking iniwasan ay ito na Totoo na at di ko na kayang itanggi pa Di ko alam anong aking sasabihin Ang luhang pilit kong pinigilan Ay sumabog na ng tuluyan Para akong binuhusan ng isang malamig na yelo Ang puso ko ay tila ba tinusok-tusok mg pino Pano ba kita aaluin pinsan ko Anak na iyong pinagdasal at pangarap Naglaho ng isang iglap Tamang salita ay di ko maapuhap Sa panahong ito gusto sana kitang mayakap Kaso ang hirap-hirap. Tila ba ako ay nawala sa sarili Di namalayan sumunod na mga sandali Narinig ko na lang si Nanay ay nagsabi Pakatatag ka at magdasal palagi May dahilan ang lahat, di pa natin mawari Mahirap anak ko pero di natin kontrolado Magdasal ka at manalig May dahilan ang lahat Bukod tanging ang Diyos lang ang nakakaalam Magtiwala, magpasalamat at ialay sa Kanya ang lahat. Salamat uli kaibigan at ikaw ay napadaan Sana ay iyong nagustuhan Tulang kwentong aking naisipan Ngayong umagang maulan. Lead image is mine. #originalcontent #readcash

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.