Anong ganap?
Nag-umpisa na maghain ng kandidatura ang mga familiar na pangalan dito sa aming probinsya Grabe, kaliwa't kanan Singson na Governor, Vice-governor at Congressman At may pag-uusap nang nagaganap ang magkatunggali Pinapa-quit na yung isa o kung hindi man tatapatan daw ni Chavit ng times and fund ng kabila Dahil sa tagal ko ng tao sa Ilocos sila ay dating magkakampi at magkapartido Nagpapalitan lang sila ng pwesto para di mawala sa litrato Pero ngayon, ang magkakakampi at magpapamilya sila na ang magkakatunggali Di tuloy malaman kung show lang yun or seryoso sila para lang uminit pa lalo ang labanan Pero itong isang malayong tito ko May problema na agad pagkarinig nito Sabi talo daw ang mga tao ngayong election kasi tapos na ang laban Pag walang kalaban, ibig sabihin walang bilihan ng boto na magaganap Which is sobrang laganap talaga dito Iboto mo man sila o hindi may matatanggap ka talagang pera galing sa mga partido Masiguro lang sa kanilang boto Naalala ko nga nung nakaraang eleksyon Mga sample ballot may kasamang kulay blue na color ng pera At di lang sya iisa, kundi apat sila Tinanggap namin kasi bigay naman tsaka pag di mo kukunin ibubulsa lang ng mga namumuno sa barangay Kasi di naman nila alam kung sila talaga aming iboboto Kaya di ko pa din masabi na nabili ang boto ko Kasi inaral ko naman mga background ng mga tumakbo Di ako nagbase lang sa iisang kulay at partido Kundi tinignan ko din kung sila ay kwalipikado at talagang magsisilbi ng tapat at totoo At ngayong pandemic, napatunayan ko na tama ako sa naging desisyon ko Dahil kahit sinasabi nila na wala ng pera sa munisipyo Mga bigay na ayuda at suporta ay tila ba sobra-sobra Na kung ating ikumpara sa ibang lugar ay panalo din dito talaga. Pero nakakatakot nga naman talaga na kung ang magiging basehan natin ng pagboto ay sa kung magkano ang matatanggap natin mula sa kanila At di natin naiisip kung ito ba ay sapat na para ang kinabukasan ng ating mga anak ay sa ilalim ng pamumuno nila ipagkakatiwala Mahalaga pa din na suriin natin ang ating mga puso Magmatyag, magbasa at makibalita Sa nangyayari sa mundo ngayon kailangan natin ng magaling na mamumuno Di lang magaling as in matalino Kundi magaling sa buhay, mabuti sa tao at may takot galawin ang pera ng bayan Yung leader na di kailangan sumigaw at magmura para lang pakinggan sya Ang leader na may puso para sa mga tao Ang leader na uunahin ang mga nasasakupan nya kaysa sa sarili nyang bulsa. Anyway, ano pa nga ba ang ganap ng isang kagaya kong dakilang ina Kundi mag-alaga ng anak, turuan at makipaglaro sa kanya Dahil kung hindi, hay naku tampo na yan panigurado At baka masagot pa ko bigla ag sabihing cellphone ka kasi ng cellphone😁 ...^•°... Salamat sa pagbisita kaibigan Sana ikaw ay may napulot naman. Keep inspiring. Keep smiling. Lead image is mine. #orignalcontent
1 comment
Naku panagbubutos manen, sis. Lam na. Hehe