read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Gusto ko sumigaw!

Gusto ko sumigaw Mag-ingay, at gumalaw-galaw Pero tila ba ako'y napipi Walang lumalabas na ni isang salita sa aking labi. Ayoko ng ganito Tahimik, malungkot, nakakatuliro Gusto ko masaya, nagmamahalan at walang gulo Pero bakit ba nagkaganito Bigla na lang nagsipagbago. Nakakabingi! Nakangiti pero di buo, ang hirap itanggi Na tayo ay may problemang malaki Iwasan man natin ay sadyang sasabog na sya sa ating mga harapan Na kung di natin pag-usapan ay di ko na alam. Pamilya tayong huwaran Mga tao gusto tayo tularan Papuri kahit saan, pero ano na? Bakit parang tayo ay biglang nagkanya-kanya? Asan na ang turo ng ating mga magulang Magbigay galang, mapakumbaba, magmahalan Luha ko'y gusto ng bumagsak Di sa galit pero sa hinagpis Sadyang masakit makita ang ating inang nagtatangis Pinipilit magpakatatag, maging maayos ang lahat Pero ang puso mo ay napakatigas Kahit anong pagsusumamo ay di ka natitinag Kabutihan mo lang kanyang pangarap Mahal ka nya, mahal nya tayong lahat Nakakadurog ng puso Parang ang yakap ko ay di sapat Para ibsan ang sakit ng iyong pagtalikod Pamilyang sa iyo'y humubog Isang iglap lang ay iyong binugbog. Oo kapatid, gusto kong sumigaw Ang lungkot na iyong dulot ay nag-umaapaw Mga ngiti at tawa ay sadyang di na sapat Sana mahanap mo sa iyong puso ang pagmamahal na dating mong naramdaman Sana di tuluyang mabalot ng galit o kung anuman At patuluyin mong dumaloy ulit ang alab at init ng taglay nito Di dahil pamilya tayo, kundi dahil mahal na mahal ka namin kapatid ko. Ipinagdadasal ko Sa Poong Maykapal kapatid ko At sana ay dinggin agad ito Dahil baka di ko na kayang piligan ang luha at mapapasigaw na talaga ako. ...^•°... Salamat sa pagbabasa sa aking kwentong tula Minsang lang dapuan ng inspirasyon ang nagpupumilit maging makata Wag ka na tumawa, alam ko di ako ang pang-idolo Pero minsan masarap talaga magsulat para nalalabas ang damdamin mo Kaysa naman sariliin lang ay baka sakit pa abutin ko Hanggang sa muli mga kaibigan Salamat at ikaw ay napadaaan. ...^•°... XOXO, bbghitte Lead image is mine. #originalcontent #readcash #noisecash

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.