read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Kumusta na?

Hirap makapag-isip Wala naman tumatakbo masyado sa aking isip Kundi ang aking dalangin at panaginip Na maubos na ang mga utang na laging sumisilip Kahit di mo pansinin ay talaga namang nagpupumilit Pero subukan ko muna syang deadmahin Balikan ko sya pag ako'y may sapat na ipon na At ng makabayad ng isang bagsakan Nang makahinga naman ng matiwasay. Ayun nga, kaninang umaga Na-hit na ang aking sinulat na goal ngayong April Umabot ng $200 ang aking nasa wallet Ayun, na-hit! Pero ngayong gabi at bumaba ulit Naghihilahan aking mga salapi Na sa dami ay di ko na mawari Alin sa kanila ang salarin Pero okay lang yun Pasensya na lang muna at titigan sila Habang silang lahat nagsisipag-pulahan na Ayos lang, di ko pa naman sila kailangan Baka next week ko na sila pagdiskitahan. Ikaw kaibigan? Ano naman ang iyong pinagkakaabalahan? Apektado ka pa din ba sa mga balita? O sanay na sanay na? Hiral talaga kumilos ano? Andaming bawal pero di naman nagbabago Pataas pa din ang mga kaso At mga politiko ay nagkakagulo pa din Hinanap si Pangulo Pero nung lumabas dami pa ding binabato Pero tao lang, ikaw nga di ba minsan gusto mo magpahinga? Na di kesyo tatay sya ng bansa eh wala na syang karapatang magkasakit at mag-absent Ito ay aking opinyon lang naman Wala naman ako gusto patamaan Kasi di na matapos-tapos Ayuda dito at doon Pero hanggang kailan ba talaga ito? Sino ba ang magbibigay ng sagot? Tama ka kaibigan Yes, si Lord ang tanging makakasagot Dahil kita Niya ang ating nasasa-loob Na ni isang araw ay di Nya tayo kinalimutan Bagkus ay kinalinga tayo at sinamahan Sa bawat takot, gutom at pangamba na sa ating puso ay pumasok Lubos ang biyayang Kanyang pinagkaloob Kaya kaibigan, awat na Tigilan na ang drama At tayo ay magbalik-loob Nang ang buhay natin at umayos. Lead image is mine. #originalcontent

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.