Sumugal at Natalo
Sumugal ako at natalo Nasaktan at napa-oh no! Dinamdam, aba oo! Kahit naman siguro sino Pinaghirapan mo yun ng ilang linggo Tapos isa o dalawang araw lang halos masaid na ito! Pero ayos lang naman ako Kahit pano kalmado Move on lang katapat nito Tsaka kailangan lang makalanghap ng hanging presko Para iwas sakit puso. Natalo man ako ngayon Pangako sa sarili Ako ay babangon Tatayo at lalaban ulit ng panibago Sabi nga, trial lang ito Kumbaga sa pagkain eh free taste pa lang Na sa sobrang excitement mo Di mo napansin mainit pa pala ito Ayan napaso tuloy dila mo. Di natin malalasap ang masarap na tagumpay kung makukuha natin ng mabilisan Kailangan daw paghihirapan Aaralin at isapuso Di lang umaasa sa kutob at uso Parang si ano Nag-hi lang at hello Tumalon na puso mo Akala mo special ka na agad dun sa tao Eh sadyang malambing naman pala ito Ayan, umasa ka tuloy ng todo Kaso iba pala ang gusto Ouch, sakit ano! Pero ganyan talaga ang buhay ng tao Kasama talaga ang pagkatalo Pero di naman lagi ganun dahil bilog ang mundo Pasasaan ba at iikot din ito At ang pangarap natin ay magkatotoo! ...^•°... O sya hanggang dito na lang ito Nauubusan na kasi ako ng word na nagtatapos sa O Salamat kaibigan sa oras mo Sana sa susunod na aking tulang kwento Ikaw ay muling mapadaan dito. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent
28 comments
Hahahahaha. Alam ko namang hindi ako ang gusto at ginagamit lang ako pero anong magagawa ko kung siya ang gusto ng puso. Sad life. Ganun talaga kailangang matalo para matuto. Babangon tayo. 🤗
Hahahahhahaha, natawa ako sis kasi di ka na naman nakailag...di namn ikaw ang pinapatamaan ko dito🤣
Hahahaha. Keribels lang. immune. Charot. 😂
Hahahajah
Bwhahahahhahahahahha natawa ko sa ginagamit ka lang, walangyang yan sino ba yan? Haha
Hahahaha. Yummy yun yummy. 😋 kaya nagpagamit naman ako.
Hahahahaha, naku pag yummy malakas tlaga ang magnet nyan🤦🤦
Oo grabe yang mga yummy na yan. Dami kaagaw 🤣
Hahaha, ginamit masyado ang pagkayummy sis?😁
Oo. Bad boy na yummy 😍🤤😋
Hahahahahahah
Ay jusme, ang mga yummy na yan. Kaya ako umiiwas kapag yummy kasi baka mahulog ako at maubusan ako ng ibibigay 😹😹😹😹😹
Hahahahahaha!! Hindi naman ako naubusan kaso wala lang akong naipon. Siya ata meron naipon galing sa akin 🤣🤣
Hahahah, dami kong tawa sis...at least may nasagip kang ibang tao🤣🤣
Hahahahaha. Kung babalikan sana itinuon ko na lang sa magulang ko imbis sa kanya. Pero ok na din yummy naman kasi talaga. Hahahaha
Nahappy ka namn nun sis kaya ok lang😁
Ng hi, hello lang sayo, kala mo special ka na, un pala marami kayong special 🤣🤣🤣🤣🤣
Truelaloo!! Ay naku. Naalala ko pinasuot sa akin yung Samsung watch niya kasi magbasketball siya. Badtrip bigla may nagViber girlaloo tinatanong if nasaan na siya and miss na daw siya. Gusto kong sirain yung watch! Kaso waley naman akong right. Hahahaha
Hahahah, shakeeetttt naman nun!!!
Oo kaya after nun hindi ko talaga siya pinansin isang buong araw. Tapos ang ending nung nagalit na siya kasi di ko pinapansin eh ako pa ang nanuyo sa huli. Hahahaha. 😅
Hahahaha, d bale darating din ang tamang lalaki for you sis☺️
Bwhahahahhahahahahahhahahaha.. Ang seket nun. Parang memories bring back din ako dyan ah. Selos galore eh wala nmn label 😹😹😹😹
Pwedeng magselos pero walang karapatang magselos ang peg. Hahahaha
Gawan ng article yan!
Hahaha, alam mo sino naisip ko dyan??? Si ano, ung lagi mo sineshare sa umaga! Heheh
Actually sya din nsa isip ko, sa term na malambing lang talaga wbhahahahah. Natawa ko sa lagi ko shinashare sa umaga, pano kc bungad haha
Hahahahaha. 🤫
Haha ang galing, dami kong nakikitang natalo today ee, I mean kahapon. Pero okie lang yan, ag na pakadibdibin. Mababawi yan for sure, mas malaki pa ang balik. 💪