read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Sa pagsapit ng gabi Ako ay napapangiti Di dahil tyan ko ay solve uli Kundi sa nakuha kong papuri Luto kong pansit sa pangalawang pagkakataon ay sa wakas pumasa Sa panlasa ng aking ateng maganda Ito ay aming handa sa birthday ng kapatid kong mas bata Picture ay nasa baba Akala naman ng asawa ko chopsuey daw sya Pero di bale na, ang importante ay naubos naman na🙂 Lumalalim na naman ang gabi Tila ambilis naman matapos itong mga sandali Siguro dahil mas mahaba na ang gabi Hudyat na ang Pasko ay di na natin mapipigilan pa Gusto ko nang maglista ng mga reregaluhan Pero ang problema baka ito'y hanggang listahan lamang Pambili ay di pa pala napag-iipunan. San nga ba papunta itong usapan Ititigil ko na nga itong aking kalokohan Itutulog ko na lang Dahil bukas ay Lunes na Kailangan pang magreport sa eskwelahan At ipasa mga modules na nasagutan O sya mga kaibigan Sensya na at ikaw ay aking naabala Sa tulang kwento na wala naman kwenta🙃 Gandang gabi!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.