Napapaisip
Kanina pa ko napapaisip Nag-iisip ng nag-iisip Ano kayang magandang topic Subalit ni isang idea ay ayaw pumitik Kaya idadaan ko na lang sa bugso ng damdamin At sa daloy ng aking malikot na isip Na sa oras na ito ay sobra pang gising na gising Na akala mo di napagod maghabol ng mga chikiting Na sobrang lilikot buti na lang mga cute Sumasakit na nga balikat ko Kailan lang ako ay nagpahilot Kaso day, lumala naman Balikat ko ay di ko maiangat Na tila ba ang braso ko ay sobrang bigat Ang muscle ay sobrang tigas na kahit magsuot ng damit ay talaga namang napakahirap Iniisip ko bumalik sa manghihilot nung nakaraan Pero sinabihan ako ng aking kapatid wag na lang Bagkus ako ay kanyang binilhan Ng hot compress, yun daw ang aking tyagaing ipatong sa aking brasong nasaktan Sobrang sakit talaga besh, siguro mas masakit pa to nung iniwan ka ni ano Pero eto awa ng Diyos naigagalaw ko na ito Di pa todo pero onti na lang feeling ko bukas magaling na magaling na ito Dahil ang anak ko eh namimiss na daw magpabuhat bago matulog sa gabi Na kahit kantyawan ng mga kapatid ko Eh lagi nyang sinasabi yung nabanggit ko Na hanggang paglaki nya eh bubuhatin ko pa din sya kasi sya ang treasure ko😊 Napapaisip tuloy ako, mali yata yung nasabi ko...hehehe Pero ganun talaga ang mga mommy Hanggang sa paglaki, mga anak ay kanila pa ding mga baby Laging wish na ang pagiging sweet ay madala hanggang sa sila ay magsilaki At di mahihiyang ipakita yun kahit madami pang nakatingin Nga pala, ma-share ko lang Kagabi kasi mag-isa lang syang nagdrawing Kasi nga hirap ako sa braso ko Kaya sabi ko sya muna at usap muna kami ni daddy Naintindihan naman nya at panay sabi ako ay gumaling na Akala ko mga dress o kung ano ang ginuhit nya Yun pala ay may pasurprise sya
Sabi nya special daw ako kaya ito ang gift nya Pero wag ko daw sabihin kay daddy kasi baka magjealous Pero dahil natuwa ako, pinicturan ko at sinend sa daddy. Napakaswerte ko talaga sa aking prinsesa Na araw-araw eh ginugulat kami sa mga witty and antic jokes nya Napapaisip tuloy ako, sakin ba sya nagmana? Heheh Naku napahaba na yata ang aking naisulat Kaya akin ng puputulin at ang mata ko ay papunta na sa pagiging tantalizing. Salamat ulit kaibigan at ikaw ay napadaan. Images are from Unsplash and mine. #originalcontent
No comments yet