read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Wag bibitaw

Ang puso ko ay labis ang pagkagalak Dahil sa daming ng nadaanang lubak Madaming beses na ako'y nasadlak Hinusgahan at di sinuportahan Pero patuloy akong lumaban Pinagpatuloy ang pangarap Na di maintindihan ng karamihan Malayo daw kasi ito sa aking kursong pinaghirapan Limang taon ba naman Aking ginugol sa eskwelahan Madaming puyat, pagod at talaga naman ako'y nahirapan Tapos bigla ko lang sya binitawan Isang iglap unang pangarap akin daw ay kinalimutan. Ako'y nagpatuloy Sumugal ng oras at panahon Baon ang pangarap at inspirasyon Tiwala sa sarili at determinasyon Kahit madami silang di sumang-ayon Buong puso kong tinanggap Nagpuyat, nag-aral at nagsumikap Sa karerang buong puso akong tinanggap. Pero hindi naging madali Kantyaw, duda, takot, pangamba kalaban ko palagi Minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi Bigat ng dibdib ay kailangan isantabi At patuloy akong nagpursige Di ako susuko, yan ang sambit ko palagi. Dalawang taon na halos Nang ang pagsusumikap ay naging puspos Ang dasal ng isang musmos Ay unti-unti ng naabot Sa tulong ng ating mapagmahal na Diyos Kahit minsan tiwala ay kinakapos Biyaya Niya pa din ay lubos-lubos. Kaya ikaw kapatid Wag kang matakot Iwasan ang duda kahit minsan ay nakakayamot Punuin mo ang iyong puso ng pagmamahal at iwasang magdamot Sigurado ang pangarap ay iyo ding maaabot. ...^•°... Salamat sa inyong pagbabasa sa tulang kwentong aking ginawa Hango ito sa kwento ng aking kapatid na bunso Isa syang inhinyero pero nilisan ito at nagpatuloy sa pagiging Financial Advisor Di sya bumitaw sa pangarap at ang saya at ginhawa ay kanya ng nilalasap. ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.