Ukay ukay

0 11
Avatar for batman
Written by
3 years ago

Since 2019 ako nag start ng business ng ukay ukay. Mabilis naman bumenta. Habang nag lilive ako hawak ko damit na pula, polo shirt siya. Tanda ko pa yung mga nagcocomment sa baba sabi nila "ang cute daw ng bata nasa likod ko" nagtaka ako kasi mag isa lang ako sa bahay nasa sala ako nag lilive non. Napahinto ako at sbi ko sakanila wait lang kasi balak ko hanapin baka may nakapasok sa bahay ng di ko namamalayan pero bigo ako makita ung bata. Nagbalik na ko sa pag lilive ko at may nag mine na nga sa polo shirt na pula hawak ko.

At kinabukasan inaayos ko na lahat ng package na ipapadala ko sa lahat ng buyers ko.

After 3days nag message sakin yung babae na bumili ng red polo shirt. Sabi sakin na bakit iba daw ang pinadala ko damit. Nakita ko sinend niya pic. Napaisip ako baka manloloko si ate baka gusto padalhan ko din siya. Impossible ako magkamali at wala ako ganon tininda sa pag lilive ko.

Pero bilang mabait na seller. Sbi ko sorry baka nga nagkamali ako ng pack at subukan ko hanapin sa cabinet ko. Agad naman hinalungkat ko ang iba tinda ko. Pero wala akong nakita red polo shirt.

Bandang gabi habang nakahiga na ko sa kama ko at nakapatay na din ang ilaw. Syempre cp cp muna ko bago matulog pero habang paikot ikot ako sa kama at akma ko kukunin ang kumot para italukbong sa muka ko. Laking gulat ko na hindi kumot ang hawak ko kundi ung polo shirt. Napabalikwas ako bigla. Sabay takbo pra buksan agad ang switch at di nga ko nagkakamali yong polo shirt nga ang nakuha ko.

Agad ko itong hinagis sa labas ng kwarto at nilock ang pinto.

Bumalik ako sa kama pra humiga at di ko na pinatay ang ilaw.

Mga isang oras nakalipas tipong napapapikit na ko. Bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sa takot ko sinilip ko lng sa baba ng pinto kung sino yoon. Wala kasi ako ksma noon panahon na yon. Pagkita ko yung pulang damit pra nagsasayaw, parang nililipad ng hangin kita ko ung anino at dulo ng damit. Lakas loob ko binuksan ang pinto.

Napatigil ako, nakita ko yung bata na tinutukoy nila habang suot ang pulang polo shirt. Bigla siya nagsalita, bakit ko daw ibebenta yung damit na yon eh bigay daw sa kanya ng nanay niya noong birthday niya at mismo araw na naaksidente siya.

Bigla ako nawalan ng malay. Pagkagising ko umaga na, nasa harap ako ng pinto nakatulog. Pag bangon ko nakita ko yung polo shirt ay naging puti na.

Napaisip ako baka patay na ang may ari noon at puro dugo ang polo shirt dahil nga naaksidente ang bata.

Inilagay ko sa kahon ang polo shirt at pinagdasal at nilibing ko ng ayos.

Simula noon hindi na ako nag uukay ukay dahil hindi ko tlga alam kung san nanggaling mismo ang mga damit.

Lumipat na din ako ng apartment.

1st time to share my story.

1
$ 0.00
Avatar for batman
Written by
3 years ago

Comments