Sakit

0 6

Naranasan mo na bang masaktan? Hindi sa pisikal na paraan ngunit sakit na dulo't ng iyong emosyon. Kadalasan ito'y mas masakit pa, nagdudulot ng pilat na hindi madaling mabura.

Kahit ano pa man, ito'y hindi maiiwasan. Daraanan at kung gaano katagal, sayo nakasalalay. Maaaring mabilis o mabagal depende sa iyong pagalalay. Wag mong dayain at ito'y hindi mo maaaring madaliin.

Darating ka sa paroroonan at lilingon ng walang hapdi o bakas ng nakaraan.

Hindi kelangan malungkot, may bahagharing naghihintay pagkatapos ng bawat unos.

1
$ 0.00

Comments