Join 79,066 users and earn money for participation

Duwende?

2 6 exc boost
Avatar for axexel15
Written by   2
5 months ago

PART 1

Naniniwala kaba sa duwende??

Kwento ko lang po yung karanasan ko noong bata ako.. umuwe kami s probinsya kasi ngdecide na ang mga lola ko na dun nlang kme...so ayun wala nman ako alam sa mga duwende ganern...so sakto nman pagkauwe namin dun...bgla ngkasakit ang lola ko at need sya mahospital talaga...palitan kme ng mga pinsan ko sa pagbabantay s lola ko nun..then one time.. lumobo ung pinagtutusukan ng dextrose then sabi ng doctor ihot compress daw..so ayun ginawa ko ...so nung itatapon ko na ung hot water...bilin ng lola ko...wag ko dw un itapon sa bintana..kasi nkita nya ako na dun q talgaa sya itatapon...sa cr nlang dw..baka dw mkasaboy ako mg hindi ko nakikita....so dun ko tinapon sa bintana....kinabukasan my napansin ako n tumubo sa sa hita kong parang sugat na prang napaso...yung my tubig sya loob tas nkalobo tlga sya...ganon..akala ko nman nakamot lng allergy ganon...mga 2days pa sa hospital lola ko nun... pra sya ngpapatchi pachi na gumagapang parang nanganganak sya...(di nako ngpost ng pic kasi baka my mangdiri ..imaginin nyu nlang hahhaa) sa kanang legs ko po yan...nagsimula sya malapit sa singit ko...(excuse me po hehe) hanggang pinabyaan ko lang.. kasi kko baka mwala nman ng kusa..diko sinabi sa kanila....nkauwe na lola ko nun...halos kalahati na ng legs q sinakop nung paso paso..ilang arw pa...umabot n sya sa tuhod ko...tinatago ko tlga sa kaninla ksi nattakot ako... pinuputok q kasi un pag naliligo ako pero kinabukasan nalobo lang ulit...tiniis ko yung hapdi bsta di aq ngpapahalata sa kanila ..

Isang araw ginabi kame ng uwe ng pinsan ko..galit na galit samin lola ko...una hinabol ng hanger yung pinsan ko ..tas ako...Iniiwas ko tlga mtamaan yung legs ko kasi masakit tlaga..tas ayun tinamaan na nga ng hanger. hahah

Dun nila nalaman n my sugat sugat ako. pumutok kasi nung pinalo ng lola ko hita ko.Nagulat silang lahat nung mkita nila legs ko. as in paso paso hanggang tuhod. kelan padaw gnyan so kako nagsimula sa hospital..baka kako nahawa ako ng sakit dun. Pero tinignan ng lolo ko..nako dalin na yan dun kina apong martina. tanda ko name kasi kumare ng lola ko un...diko alam na dati pala siyang naggagamot...Dinala ako nila lola ko dun. Pag tingin palang...

Apong Martina:"Nako.. naduwende to. .Nung nakaraan ba ngtampon ka kung saan ng mainit n tubig? "

Me:wala naman po...dun lang sa hospital nung hinot compress ko si Lola..."

Apong Martina: Yun na un iha...baka my nasabuyan ka na di mo nakikita. .Ganito magluto kau ng biko bukas...Pang alay..Damihan nyo ng gata pra mas madaming langis..Yun kasi pinaglangisan isasama sa alay dadasalan ko tas ipapahid sa mga sugat nya. .

So kinabukasan gumawa sila ng biko. Tinabi din namin yung pinaglangisan..inalay namin sya dapit hapon na..mas dun dw kasi mas maganda alay..Di na kme bumalik s hospital..dun nalang kame sa likod bahay namin na madaming saging sinagawa yung ritwal..Nagdasal si Apong Martina..tas sinabi din na kausapin ko sino man ang nasaktan ko..humingi ako ng tawad at umiyak pako nun..kasi nahihirapan nadin ako eh...tas pinahid ko lng yung langis sa mga sugat ko..

Kinabuksan natuyo sila lahat as in di na lumubo at .nung una kasi pag gigising ako lage silang lobo...Thanks God talaga ako kasi tumigil na pagdami nun...After a week nghiheal n talaga sya...

Kaya simula noon lagi nako nagta"tabi tabi po" kasi natatakot nako na maulit yun...tinuturo ko din yun sa mga anak ko kasi wala naman mawawala if maniwala db mhirap na..maganda nadin nag-iingat.kasi dinanas ko na

2
$ 0.20
$ 0.15 from @carisdaneym2
$ 0.05 from @mhy09
Avatar for axexel15
Written by   2
5 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ay hala nakakatakot naman ma duwende naiimagine ko yung mga bukol bukol naalala ko tuloy nung nagkabulutong ako ate, sobrang sakit kasi buongkatawan tapos pag nahiga may napipisa huhuh buti nawala din agad at next time (pero huwag naman sana) sabihin niyo na po agad pag may nararamdaman kayo 😚

$ 0.00
4 months ago

oo bhe nkakadiri tlga sya tgnan pramiss kala ko tlga simpleng sugat lng un di pla. .simula tlga ngyare skin un lagi nako ngtatabi tabi po

$ 0.00
3 months ago