bestfriends fOreVER

0 6

Dati, akala ko kapag may kaibigan ka masaya na. dati akala ko pag andyan sila lagi para okay na yon. 

Dati akala ko kapag kaibigan mo na ng matagal na panahon patuloy na yun hanggang sa mahabang panahon. Pero ngayon ko napatunayan na yung mga akala ko noon, lahat yun hanggang akala lang pala dahil ibang iba ang realidad. 

Mayroon akong itinuring kaibigan, dalawa sila at lahat lalaki, dahil nga sanay ako na maging one of the boys sa grupo naging maganda pagsasam namin. Simula grade 7 hanggang grade 10, naging besties kami. Ang saya ng lahat. Ang saya kasi lagi silang maaasahan sa tuwing may kailangan ako sa apat na taon na iyon. Kapag may gala, may jamming, kami'y magkakasama. Sa lungkot, sa saya kami'y nagdadamayan. Lahat sila naka suporta sa kung anong meron kami, kasi alam ko, namin at nilang SOLID yung samahan na meron kami. 

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko lubos akalain na magbabago ang lahat. Yung pagkakaibigan namin na akala ko'y walang iwanan nagkaroon ng hangganan.  

Yung tinuring kong kaibigan na parang kapatid nakikita ko nang masaya sa piling ng ibang kaibigan. Nakikita ko silang masaya kahit hindi na ako yung kasama. Masakit isipin, para bang akong nakalimutan at naiwan sa ere.  

Sa paglipas ng panahon, mas masakit pa pala ang mga darating na maari kong malaman. 

Hindi ko lubos akalain na mayroon palang mang aagaw ng kaibigan, kung sino pa yung tinuring kong "close friend" sila pa yung mang aagaw ng kaibigan. 

1
$ 0.00

Comments