Bakit ba?

1 42
Avatar for avie018
3 years ago

Bakit ba?! Bakit nga ba dapat natin gawin yun? -Ano yun? Edi kung ano man ang iniisip mo. Natural, hinde ko alam kung ano yun pero malaki kana. Dapat alam mo na lahat ng TAMA AT MALI. "Parang palage kong naririnig yun." Pano bang hinde mo maririnig yun kung tama naman ang ginagawa mo?

Pero sa totoong lang, gusto ko makita nyo at malaman nyo na napakahalaga ng bawat iniisip nyo!

Ano man ito. Sino man ito. o BAKIT ito?

Madami na satin ang hirap. Hirap sa pera, hirap sa kalusugan, hirap sa puso, at hirap sa buhay.

Kaya dapat ba tayong magtanong kung Bakit ba? Syempre. Dapat lage ka magtanong. Dapat lage mong isipin sarili mo at nasa paligid mo. Ayaw mo sa kanila pero may oras na kailangan mo sila. Sila din naman ay ganun din. Lahat tayo may pangangailangan. Lahat tayo. Hinde lang ikaw.

Madami man tayong hinde kayang gawin pero bakit natin gustong gawin? Kasi alam mong kaya mo. Alam mong hinde ka papatalo. Ang masama lang, may namumuong ugali sau. Ugali na kahit ikaw ayaw mo. Na ugaling gawin mo sa iba kasi ok lang, pero pag sayo na ginawa, galit na galit na.

Kaya mo naman. Pero hinde sapat. Tigil na. Gawa ka nalang ng ibang kaya mo. Hinde ba sya "trending"? Hinde ba sya maganda? Hinde mo pa kasi inaalis sa isip mong kaya mo yung una. Ginawa mo naman ang lahat, Bakit Ba hinde mo pa din kaya? Dahil minsan iba iba tayo ng nasa puso at isip. Minsan dahil sa kultura mo. O minsan dahil sa kapaligiran mo.

"Madaling sabihin, mahirap gawin"

Ang nasa isip mo? Pero sinubukan mo ba? Nagtanong kaba?

May nakitang kang "trending", nakakatawa, madami ang humanga. Pero tama ba? May nabago ba? sabi ng iba, "kinaganda mo ba?" May natapakan ba sya? May napagaling ba sya?

"Anong punton mo?"

Sa panahon ngayon, dapat lahat ng anggulo ng bawat aksyon ng taong nakakasalamuha mo tignan mo. Kung ikabubuti mo, Sige! Kung ikabubuti ng iba, mas Sige! Sa panahon ngayon masarap ang mabuhay ng mapayapa. "Boring naman!" Oo, boring pero masaya. Lahat naman tayo gusto sumaya db? Bakit ka susunod sa "trending" kung hinde ka naman masaya? "Sinubukan ko lang!"

Pedeng sinubukan mo lang, kaya mo bang bawiin? Panindigang hinde maganda ang nagawa mo?

"Bakit ba?"

Tama, bakit ba? Isipin mo BAKIT NGA BA?!

Salamat sa mga nagbasa.

5
$ 0.00
Sponsors of avie018
empty
empty
empty
Avatar for avie018
3 years ago

Comments

Bakit nga ba

$ 0.00
3 years ago