Tula Ng Pag-ibig

0 14
Avatar for aurieverse
3 years ago

Ano nga ba ang pag-big?

Pag-ibig ba kapag ika'y naaakit ng kanyang mga titig?

Mga titig na tila hinihigop ang kabuuan mo?

Ang kabuuan mo na tila'y hindi sa iyo?

Pag-ibig ba kapag mahal mo ang isang bagay sa kanya?

Ang isang bagay na una mong napansin sa kanya?

Napansin mo dahil s'ya ay kakaiba?

Kakaiba sapagkat s'ya ay iisa lamang at walang katulad?

Maraming klase ng pag-ibig sapagkat marami ring klase ng tao.

May mga taong balimbing, mahinhin, matapang at duwag.

May mga batang pag-ibig, pamilyang pag-ibig at pangkaibigang pag-ibig.

At kahit ano man sa mga yan ang naramdaman mo, pag-ibig pa ring maituturing iyon.

Ano ang pag-ibig para sa akin?

Ang pag-ibig para sa akin ay ikaw.

Ikaw na nagpapasaya sa aking buhay.

Sa aking buhay na noon ay puno ng kalungkutan.

Pag-ibig sapagkat ikaw ang dahilan ng araw araw kong paggising.

Paggising sa umagang laging walang kasiguraduhan.

Kasiguraduhan kung maganda ba o masama ang mangyayari.

Ngunit ako ay gigising pa rin upang ikaw ay makausap.

2
$ 0.00

Comments