Tayo Nalang

0 14
Avatar for aurieverse
3 years ago

Tayo nalang, kasi nakakapagod ng umupo. 'De biro lang, pinapatawa lang kita. Pero ito, game na.

Tayo nalang, tayo naman pero gusto ko tayo nalang hanggang dulo..

Tayo nalang, 'yung kahit hindi tayo laging masaya, hindi pa rin tayo magsasawa sa isa't-isa.

Tayo nalang, 'yung kahit anong delubyo pa ang dumaan sa relasyon natin, hindi pa rin tayo bibitaw.

Tayo nalang, 'yung mag-away man tayo ng sobra, hindi pa rin tayo susuko sa isa't-isa.

Tayo nalang, 'yung kahit maligaw ka man ng sobra, sa akin pa rin ang uwi mo.

Tayo nalang, 'yung kahit sobrang nakakapagod ang araw mo, ako pa rin ang sasandalan mo.

Tayo nalang, 'yung kahit madaming dumaang babae sa buhay mo, ako pa rin ang pipiliin mo.

Tayo nalang, 'yung kahit magkasakitan tayo ng sobra, tayo pa rin ang hihilom sa isa't-isa.

Tayo nalang, 'yung tipong ikaw at ako na habang buhay.

Tayo nalang, kahit parang ayaw ng mundo sa relasyon natin...pwede bang tayo nalang?

2
$ 0.00

Comments