Pag-ibig. Pagmamahal.

0 18

Pag-ibig, yan yung pinakamagandang bagay sa mundo.

Pagmamahal, ito naman yung pinakamagandang bagay na nangyayari sa tao.

Pagmamahal kapag nagagandahan ka sa kanya kahit ang simple lang ng suot nya.

Pagmamahal kapag sya yung pinakamaganda sa paningin mo lalo na kapag nakangiti.

Pagmamahal kapag tanggap mo kung ano at sino sya.

Pagmamahal kasi mahal mo sya at handa kang ituro kung paano nya mamahalin ang sarili nya.

Pagmamahal yung kaya mong magbago para sa kanya. Hindi yung dahil gusto nya, kung hindi yun, dahil gusto mo para sa kanya.

Pagmamahal yung sya muna bago sila. Yung handa kang unahin sya kahit mainis ang mga kaibigan mo sayo.

Pagmamahal kasi handa kang maghintay para sa kanya. Kahit ang tagal pa nun.

Pagmamahal kapag ang haba ng pasensya mo sa kanya. Yung tipong pikunin ka at madaling mainis, pero sa kanya, handa kang magtimpi at magpasensya kasi mahal mo sya.

Pagmamahal yung kahit naiinis ka sa kanya ay gusto mo pa rin syang kausapin.

Pagmamahal kapag hindi mo kayang magtampo ng matagal sa kanya. Yung hindi mo sya kayang tiisin.

Pagmamahal yung kahit anong gawin nya ay hindi mo kayang magalit sa kanya. Oo, nakakainis sya madalas. Pero hindi mo kayang magalit ng tuluyan sa kanya.

Pagmamahal yung kapag pikon ka na tapos sasabihan ka nya bigla ng "Iloveyou" eh napapangiti ka na, nawawala na yung pagkapikon mo sa kanya.

Pagmamahal yung handa syang makinig sa mga problema mo kahit sya mismo ay problemado din.

Pagmamahal yung nagiging sobrang emotional ka dahil sa kanya. Yung bigla ka nalang naiiyak dahil sa kanya, kalungkutan man o kasiyahan yun.

Pagmamahal yung ramdam mo agad kapag problemado ba sya o hindi. Yung kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya ay nararamdaman mo agad.

Pagmamahal yung handa syang magpuyat para makausap ka lang ng matagal.

Pagmamahal yung kahit busy sya ay gumagawa at humahanap pa rin sya ng paraan para makausap ka lang.

Pagmamahal yung kahit nakakaubos ka na ng pasensya ay tinitiis ka pa rin nyaat pilit na iniintindi.

Pagmamahal kasi mahal ka nya ng walang labis ngunit sobra sobra.

Pagmamahal kasi mahal mo din sya to the milky way and back x infinity.

Pagmamahal kasi mahal mo sya. Mahal mo kung sino sya.

Pagmamahal kasi....kasi mahal kita. Yung ikaw mismo. Yung ikaw na sakto sakin. Yung ikaw na mahal ako ng sobra. Yung ikaw na nagtitiis at nagtatyaga sakin. Yung ikaw. Yung ikaw lang at wala ng iba pang dahilan.

2
$ 0.00

Comments