read.cash Log in

@ariel0417

Joined 9 September 2022 · 132 posts

FreelanceMom

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@ariel0417

Blessed Sunday mga kanoise.. happy lang po ako at naka $6 ako kahapon kay ysense plus bonus. Kaya naman pwede na ulet ako makapagredeem. Medyo walang galaw ang coins wallet ko ngayon, matumal ngayon dito hehe. Sana bumalik na ulet ang dating sigla para mas masaya ang lahat. Oh sya kami ni hubby ay mag grocery ma muna ha, balikan ko ulet kayo mamaya. God bless us all mga kanoise 😇.. ayan po link ng ysense para sa mga gusto ng extra income 😊 https://www.ysense.com/?rb=69789149

@ariel0417

Musta na ulet? Ako eto sa kabutihang palad ay nakapag earn na naman kahit pano sa ysense. Almost $3 din for today kasi may bonus na naman. Sana next week makaredeem na para ipon ulet. Ang init na naman ng panahon, mainit na mahangin. Sayang bawal ako maglaba, sarap sana magpatuyo ng mga damit hehe.

@ariel0417

Good morning! Breakfast is ready. Here's our viand for breakfast and also for our lunch. Ginataang gulay with shrimp. Since bumagyo puro nalang prito ulam at mahirap pang magbayan. Pero kahapon may nagtinda dito ng hipon kaya pagkakataon na para makabili. Ying injured kong kamay medyo maayos na kaya nakakapagluto na naman. Hinay lang muna sa gawaing bahay at baka mamaga na naman hihi. Nakakaantok pa pero no choice,bawi nalang tomorrow pag walang pasok si hubby.

@ariel0417

Ito pa isa, cute ng drawing ni unica dito. Forte nya talaga mga anime eh, basta anime maganda tiyak ang result pero pag ako dinrowing nya hahaha nalang talaga. Cute na cute ako sa mga drawings nya pag ganito. Kaya minsan binabalik balikan ko din ang mga sketch pads nya eh kasi elementary palang sya nito. Ngayon super busy na kasi sya sa pag aaral komo grade 8 na sya. Lapit na naman ang dinner, nagugutom na ko hahaha.

@ariel0417

Caricature ni mommy, naipost ko na to sa kabila pero dahil nasa memories eh ipost ko na din dito hehe. Ginawan ako ni unica ng caricature habang kumakanta ako. Ano nga ba kinakanta ko dito hehe, ah Sana ng Belong to the zoo. Oh diva, basta may pagkakataon si unica na maidrowing ako eh sige lang sya. Kaya naman ang dami ng kalat na papel dito sa bahay namin.

@ariel0417

Dahil injured ang mommy, bawal na muna ko ako maggagawa at baka mapagalitan ako ng mag ama ko. Medyo ginutom kami ni unica gawa ng tasty bread lang breakfast namin kanina. Kaya naman eto at mag snack na muna kami. After kasi namin sa dental clinic eh dumerecho na kami sa grocery. At isa nga to sa binili namin, mango float and buko pandan flavor. Sakto at medyo mainit na naman ang panahon. Tara po at meryenda na muna tayo.

@ariel0417

Injured ang kamay ko mga kanoise. Kahapon ko pa to nararamdaman na parang may something eh. Parang may bali or parang rayuma ba haha, di ko talaga alam pakiramdam ng rayuma. Buti andito si unica para gamutin ako, at buti may tanim kaming tuba kaya nilagyan nya ng dahon na pinainitan at nilagyan ng langis. Pero bilin ko na ilabas yung hinlalaki at magnoise pa ko haha. Syempre need natin mag dutdot ng cp hahaha.

@ariel0417

Good morning! Aga ko nagising at ang aga ko din natulog kagabi. Nakahiga parin ako at medyo madilim pa sa labas ng bahay. Dami ko na din nabasa na post ngayong umaga, aga nyo din nagising guys. Maya maya workout na ulet ako. Sa ngayon higa higa na muna hehe. P. S. Yung picture hindi sa labas ng house namin ha, kuha ko yan nung magpunta kami ng Tagaytay 😁

@ariel0417

Wala ako makausap, tsakit talaga ngipin ni bebe gawa ng chain. Pero di bale after ilang araw at magdikit na yung dalawang teeth nya sa harap ay babalik na ulet kami sa tita nya para tanggalin na yung chain. Nakatulog na nga sya habang nagdodrawing. Look at these two pictures mga kanoise, maganda parin naman kahit may nararamdaman na masakit. Sinalin nya ulet yung sketch nya into digital artwork. Nakatulugan na nya, wawa naman. Pinainom ko na ng biogesic para mabawasan yung pain sa front teeth nya. Para daw kasi talagang binubunot ngipin nya sa sakit. Ganyan talaga kako tiis ganda 😁 Bakit naman kasi need pang pantay pantay ngipin eh wala naman sya sungki na ngipin.

@ariel0417

Musta na kayo? Late na ko nakareply sa mga comments kanina. Kakadating lang namin ni unica from clinic. Itong si unica di ko alam kung magpapa-adjust ba ng braces nya sa tita nya o pictorial nalang talaga ang gagawin hehe. Habang inaayos ni tita nya mga gamit sige lang sya ng pose haha. Pero after ma-chain ayun para daw may earthquake na naman sa bbig nya haha. Yehey din kasi malapit na tanggalin ang braces nya, siguro half year nalang and then lifetime retainer na hihi.

@ariel0417

Yung ang sarap ng tulog mo pero gigisingin ka ng chat ni hubby kaya mapipilitan ka nalang imulat ang mata. Tapos katagal pang magtype, partida encoder pa yan haha. Ganyan talaga sya eh, pagkaupung pagkaupo sa harap ng computer eh mag greet agad saken. Ang sweet diva? Pero paramg mas sweet kung may kasamang pera wahaha char lang! Anyway, kami ni unica ay magbabyahe papunta sa tita nya at sked ni unica ngayon for adjustment ng braces nya. Malayu layong byahe na naman ito kaya mapapagod na naman ako. O sya dyan na muna kayo at magprepare na kami ni unica. Ingat po tayong lahat.

@ariel0417

Gabi na naman at maya maya tulugan na naman. Naghahanap ako ng pwedeng content nang madaanan ko to. Ito yung injured ang likod ko kaya talaga namang straight body at masakit pag nabaluktot. Busy ako sa cp, di ko alam dinodrawing na pala ako ni unica. Eh bigla akong tumayo kaya hindi nya natapos yung drawing nya hehe. Tapos ayan tinamad na syang ipagpatuloy kaya ganyan ang itsura. Oh pano mga kanoise, akoy magpupuso na muna at matutulog na din maya maya.

@ariel0417

Ay! Hehe si unica parang ang liit pa dito eh last year lang naman to. Bakit nga ba biglang tangkad ni unica at matataasan pa nya ko. Samantalang dati lagi syang tinutukso ng mga cousins nya kasi ang liit liit nya. Komo only girl din sa side namin eh tuksuhin talaga. Pero bakit nga ba ngayon eh ang tangkad na nya? Nasobrahan ata sa kakainom ng gatas haha. Throwback muna po tayo ha at walang maisip na content 😁

@ariel0417

November 2, start palang ng month eh may blessings na. Galing yan sa mother in law ko mga kanoise, nakabenta kasi sila ng lote worth 100k kaya binalatuhan kami hehe. Matanda na kasi ang mother in law ko at nakatira na sya sa isa sa mga hipag ko kaya nagdecide na Ibenta nalang yung part ng lote. Lahat naman kasi ng mga anak nya ay may mana na din na lupa. Yung mana ni hubby ay binebenta na din namin kasi 10 yrs na namin di natitirhan. Mahirap din magpaupa tapos malayo kami don, hassle din sa part namin. Pag nabenta namin yung mana ni hubby ay gagamitin naman namin para sa pag aaral ni unica gang college para secured na ang future ni unica. Yon lang po ang kwento ko haha. Masaya lang ako kasi nakabalato kay byenan hehe.

@ariel0417

Good morning! Tapos na ko magworkout, paaraw naman kami ni unica dito sa rooftop. Si unica lang ang pinicturan ko at rated SPG ang suot ko haha char! Naka pang workout pa kasi ako kaya di nagpapicture. Sarap sa balat ng sikat ng araw, nakakasigla talaga. Nadagdagan pa tuloy ang pawis ko mula sa pagworkout ko. Sana laging ganito panahon para nakakasigla unlike pag may bagyo na team tulog nalang haha.

@ariel0417

Nakita ko lang sa sketch pad ni unica. Aba at sino ba to hehe? Si Annabell ba ito? Sumasabay ata drawing ni unica sa Halloween kahit wala kaming Halloween. Nakikita nya siguro sa mga posts sa fb kaya naisipan idrawing. Anyway, malapit na naman ang dinner mga friendahips, kami chicken sotanghon parin na pagkadami haha. Pero naglaga ako ng itlog para may iba namang mangunguya at baka maumay yung mag ama. Kaya po ba nakaluto na? 😊

@ariel0417

Chicken sotanghon para sa panahong di maintindihan haha. Panahon dito samin aaraw ng bongga tapos biglang uulan. Hay naku pag ganito eh delikado naman maglalabas at sakit ang aabutin. Chicken sotanghon ang niluto ko kasi ito lang ang meron akong ingredients. Wala pa makapunta sa bayan at burak pa daw ang dadaanan. Hanggang kailan kaya ganito, ang hirap tuloy mag isip ng uulamin. Pero thankful parin kahit papano may pambili tayo ng lulutiin.

@ariel0417

Blessing.. Kaninang umaga pa pala dumating ang payment ko from ysense. Laking bagay din talaga ang $10 lalo na ngayon ang mamahal na naman ng bilihin gawa ng bagyo. Sa bayan sobrang tataas ng presyo ng bilihin. Kaya malaking bagay din talaga mga platforms na ganito eh. Pambili na din ng bigas hehe. Sa mga gusto magtry ayan po ang link, sign up lang po kayo. https://www.ysense.com/?rb=69789149

@ariel0417

Adobong kangkong po tayo mga kanoise, sinamahan ko din ng hotdog, egg and ham. Breakfast naming tatlo. As usual tanghali na gumising at sinusulit ang bakasyon. Bukas maaga na naman ang gising ni hubby dahil back to normal na naman ang schedule sa work. Kain na po tayo, good morning!

@ariel0417

Wala ako maipost mga friendships at busy kaming tatlo, busy kami kakamovie marathon hehe. Throwback nalang muna tayo. Presenting... me and my hubby haha. Susme tong picture na to eh muntik na kaming di makita haha. Last year to kuha at si unica ang nagpicture samin. Pagkakita namin ni hubby eh napatawa nalang kami at bakit naman ganito hehe. Pero syempre pinost ko yan sa story ko at nilagyan nalang ng caption na "buti nalang naaninag pa kami".

@ariel0417

Pork steak para sa lunch. Nakapaglunch na ba ang lahat? Kami maya maya pa at tinanghali na magbreakfast. Ito nalang ang niluto ko kasi kahapon lahat ng laman ng ref pinagluluto ko na at nawalan nga ng kuryente 24 hrs. Yan naman ang panget pag maraming stock sa ref tapos nawalan ng kuryente. Kaya kahapon parang fiesta kami, tatlo lang kami pero ang daming food kasi nga niluto ko lahat para lang di masira. Napahaba na kwento ko haha.

@ariel0417

Done exercise! Tapos na ko magworkout kaya magbebreakfast naman. Mamaya magpapaaraw naman ako at ilang araw din na hindi sumikat si haring araw. Pag di ako nakakapagworkout at walang vitamin D frm the sun parang matamlay katawan ko. Medyo mahina pa sikat ng araw kaya antay antay pa bago ko umakyat sa rooftop. Good morning sa inyong lahat!! Naway patuloy tayong ingatan ng Dios..

@ariel0417

Back to normal na naman ang lahat, si unica may kuryente na bored parin. Ayan sige sketch then transfer to digital artwork. Yan ang forte nya, yung mga anime. Basta walang ginagawa sige ng drawing. Ayaw pa daw nya kasi magreview at Tuesday na ulet ang balik sa school para mag exam. Gandang gabj mga kanoise.

@ariel0417

Pameryenda ni architect. May kumatok pagbukas ko si architect pala, farewell party nya daw today sa work nya. Bata pa kasi si architect at hindi pa sya licensed kaya need muna magresign sa work para makafocus sa pagrereview. Layo naman kasi ng review center na pinapasukan nya kaya napilitan syang magresign. Anyway eto nga ang handa nya na pagkasarap sarap. Tara kain na po tayo.

@ariel0417

Musta na po kayo? Almost one day din ako do nakapag update. Ngayon lang kasi nagkaron ng kuryente dito sami. Sobrang lakas naman talaga nitong si Paeng aba. At ito naman si meralco eh di naman sinabi saken na mag pa periodical exam pala ngayon hehe. Pero super thankful at bumalik na kuryente. Sana lahat po tayo eh safe sa nagdaang bagyo.

@ariel0417

Dito ko ngayon sa terrace, ang lakas ng ulan pero naglaba parin ako. After ko humapit sa online job ko naglaba naman at nidryer. Sa loob ng bahay ako nagsampay. Grabe may hangin na din ngayon, kahapon panay ulan lang eh. Signal number 3 na ngayon. Nagchat na nga din ako kay hubby na wag ng mag overtime at umuwi na ng 3pm. Mahirap na at baka lalung lumakas mamaya. Mabagal kasi ang kilos ng bagyo kaya ganyan epekto eh. Ingatan nawa tayong lahat ng Dios.

@ariel0417

Good morning sa labat. Wala parin tigil ang ulan, walang magawa kundi magkulong sa loob ng bahay. Si unica kung anu ano na libangan dito sa loob ng house, kahit sa rooftop di kami makatambay sa ngayon. Yung mga clays pinaglilibangan nya na din. Ayan mga friendships ang ginagawa nya pag buryo na. Kung anu anong designs naiisip nya. Sabi nga ng friend kong baker eh pwedeng ipang toppings sa mga ginagawa nyang cakes hehe. Patuloy po tayong mag ingat at ulan parin ng ulan. Akoy magpeprepare muna ng breakfast namin.

@ariel0417

About drawing na rin lang ang topic ko eh di itutuloy ko na hehe. Ito naman nung humingi ng favor ate ko kay unica na idrawing daw silang magBFF. Caricature lang ang gusto ng ate ko wag na masyadong ayusin at baka lalong madiskaril ang itsura haha. Kaya ayan naman ang result ng caricature na ginawa ni unica haha. Sayang di ko maipost ng buo kulang sa space tong platform kaya collage nalang. By the way yung nasa left side ang ate ko dyan hehe. Hay naku ulan parin ng ulan, waiting pa kami kay hubby. Ingat po tayong lahat.

@ariel0417

Dahil walang pasok at natapos na ni unica ang kanyang PT sa school, ayan nagdrawing naman sya. Reference versus actual drawing hehe, sabi nya mommy parang hindi na ko marunong magdrawing. Tagal na nya kasi di nakakapagdrawing sa dami ng need gawin na tasks sa school. Sabi ko naman wait at ipost ko sa noise app para malaman natin ang verdict ng mga kanoise hehe. Ano po masasabi nyo mga kanoise? Malayo po ba sa katotohanan ang drawing ni unica? 😁

@ariel0417

Yung cancelled na nga ang pasok ni unica pero busy parin sya para tapusin yung iba pang PT na need nyang gawin. Sabi nya, mommy ano ba yung pinaka memorable na naganap sa buhay ko bilang estudyante kasi gagawan daw ng essay. Eh di sabi ko naman tingin sya sa virtual photo album namin which is FB photos hehe. Andon kasi lahat ng memories mula pagkabata nya. So inisa isa nya, nahirapan magdecide sa dami ng achievements nya. Ito nalang daw ang pipiliin nya, nung mag speech sya sa FB live nung graduation nya nung elementary. Memorable daw sa kanya yan kasi pandemic times, first time nya na hindi umakyat sa stage at sa page nalang ng school naglive. Sabagay memorable din saken yan kasi habang nanunuod ako ay panay patak ng luha ko. Yung buong estudyante at mga teachers sa school ay nakatutok na nanunuod. Atsaka yun nga, pandemic times.. Never makakalimutan dahil grabe epekto sa mga tao