read.cash Log in

@ariel0417

Joined 9 September 2022 · 132 posts

FreelanceMom

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@ariel0417

Ready na ang breakfast ng aking unica, ako mamaya na kakain at workout pa ko. Ganado akong magworkout syempre bago suot ko haha yung pasalubong kagabi ni hubby. Tulog pa si unica at gigisingin ko palang. Last day ng exams nila ngayon at 11am to 3pm lang sya ngayon sa campus kaya pag uwi nya maglalamyerda kaming mag ina hehe. Sa hirap ng exams nila need nya munang mag unwind. Kain na po kayo, di ako makasabay at mamaya pa ko hehe. Good morning!!

@ariel0417

I'm so happy kasi may pasalubong na naman si hubby for me. My favorite brand in clothing, Abercrombie! Dahil mahilig akong magworkout ayan binilhan nya ulet ako ng magagamit. Usually cycling short at sports bra lang ang gamit ko sa pagworkout pero sabi ni hubby mas okay kung leggings para mas mabilis pagpawisan hehe. Eh sabi ko pano naman ako pagpapawisan dito eh pagkalamig ng tela pag ganitong brand haha. Pero di bale na basta ibinili nya ko ng fave kong brand kaya happy na…

@ariel0417

Halloween party ba ika mo hehe. May pa throwback na naman si fb. Actually family day to sa company nila hubby para sa mga bata. Nung elementary pa si unica kahilig namin magtwinnings haha. Ngayon kaya namin subukan haha ang awkward na tingnan. Yung tshirt ni unica maliit na pero nakatago ko parin. Yung samin naman ni hubby eh naisusuot parin naman namin pero wag lang sabay huh! Hahaha. Cute cute pa ni unica dito at naka Mickey Mouse headband pa. Pinakanta sya dyan sa stage…

@ariel0417

Solo lunch as usual. Don't forget to pray before eating para ma-bless ang food natin. Sa dami ng chemicals sa foods na kinakain natin sa panahon ngayon eh prayers lang ang pwedeng mag alis nito. No choice na kasi tayo eh, lahat talaga may chemicals na except nalang kung may sarili kang tanim, at least sure kang organic. Anyway here's my viand, of course same as my unica's baon. Gatang puso ng saging at fried tilapia. Kay unica naman is same gulay but ham naman ang kapartner…

@ariel0417

Preparing my unica's baon. Snack lang talaga ang bilin ng teacher na ibaon dahil halfday lang sila ngayon pero si unica ayaw nya ng mga snacks at gusto nya heavy meals. Mahirap na daw at baka matuyo utak nya sa hirap ng exams nila hehe. Favorite nya yan, gatang puso ng saging tapos nilagyan ko lang ng konting ham para papakin nya. Di nga combination haha pero sabi ni unica keri na yan basta heavy meals solve na sya. 11am pa pasok nya at 10:30 sya susunduin nh shuttle…

@ariel0417

Blessed sunday everyone, nakapagprepare na ako ng food namin ni unica. Lagi na kaming late gumigising simula kahapon kasi 11am angbpasok ni unica simula pa kahapon until tomorrow at exams lang nila. Pero next week back to normal na at regular classes na naman, 6am na ulet ang pasok nya. Tara mga kanoise kain na po tayo.

@ariel0417

Pagabi na tsaka ko naisipan mag open ng fb, aba at may memories pala ako today. Hehe kami ni unica nagtrip lang magselfie dito. Hilig ko pa nuon sa fb pero ngayon di na masyado mula ng magkaron ng noise. Magpopost nalang ako don pag may mga nakukuhang achievements si unica or yung pamamasyal namin. Di rin kasi pwedeng walang post at dumadating ang time na need namin balikan yung pics lalo na pag sa project ni unica sa school need mga photos. Nung nakaraan nga hinanap pa nya…

@ariel0417

Nakapagluto na ko mga kanoise at ngayon naman ay nagliligpit ng mga damit. Ako lang ba ang ganito o kayo din? Ganyan akong magtago ng mga damit na pang alis lalo na pag mga white colors. Pinaplastic ko talaga bago ilagay sa cabinet. Pag kasi natagalan sa pagkakatiklop kahit nasa cabinet pa ay nagingitim yung mga gilid na tiklop. Sabi nga ni hubby napakasinop ko talaga kahit sa mga damit. Aba naman sabi ko eh pagkamamahal ng mga damit tapos ay hahayaan ko lang mangitim. Lalo…

@ariel0417

Matapos maglunch eh linis linis naman ngayon ng tummy. Nestea cleanse muna ulet habang syiesta time at mamaya mabibigla nalang ako at cooking time na naman. Sarap talaga nito, matamis sya pero di naman ginamitan ng artificial sweetener. Naghahalo yung lasa ng cucumber, green tea at lemon.

@ariel0417

Sarap talaga ng daing na bangus lalu na pag medyo matagal ng nakababad sa bawang paminta suka at toyo. So ayan na nga po ang ulam ko, adobong kangkong with tofu and fried daing na bangus. Syempre picture muna bago kain para may content. At syempre kahit wala si unica na taga lead ng prayer eh magpray muna ko before kumain. Tara lunch na po tayo.

@ariel0417

Dahil sobra akong nabusy sa aking work, ngayon nalang ulet nakapagsagot ng survey. Tagal ko pa makakaredeem dahil nasa $8+ palang ang aking balance kasama na tong nasagutan ko ngayon. Sana naman makafocus na at sana dumami ang available surveys para makaredeem na. Ngayon ihahatid ko naman si unica sa labas ng village at naka-tsikot sya ngayon. Dadaanan sya ng daddy ng classmate nya. Balikan ko kayo after ko sya maihatid.

@ariel0417

Breakfast. Tirang gulay at pritong tamban. Perfect combination din. Kasi itong si sayote ewan ko ba bakit katatabang na gulay hehe habang ito naman tamban eh kahit di mo lagyan ng asin eh pagkaalat naman. Tapos maya maya magtitimpla lang ako ng anlene coffee, can't live without coffee kahit bawal haha coffee is life talaga. Di ko na natitikman mga 3in1 coffee kasi bawal na bawal saken yan at matitrigger ang GERD ko. Tsaka sabi ng mga doctors eh sobra sa sugar content yon. Ay…

@ariel0417

Gabi na mga kanoise, pagkatapos ko magpuso akoy matutulog na din. Wala parin tigil ang ulan kaya naman dito ko na patutuyuin sa kwarto yung nilabhan ko ulet kanina. Ginamitan ko naman ng dryer mga yan kaya mabilis na din matuyo. Bukas malamang ganito ulet ang panahon at may bagyo parin.

@ariel0417

Naulan parin mga kanoise, parang may bagyo ah. Aga ko nagluto at masarap kumain ng maaga ngayong hapunan. Nagluto naman ako ngayon ng sayote with egg tapos magpiprito ako ng daing na bangus yung binabad sa suka at toyo. Mapapalaban kain namin nito mamaya haha. Sana naman tumila na ulan at 7 uwi ni hubby, nakatutok sya maghapon sa computer tapos pag uwi mababasa ng ulan, wawa naman. Kayo nagluluto na din ba for dinner o ako lang ang maagap hehe. Ingat po sa lahat at panay…

@ariel0417

Ginisang ampalay with egg. Yan ang nirequest na ulam ni unica para daw makabawi ng lakas dahil marami syang makakain pag yan ang ihahain ko. Busy kaming mag ina kanina pa hehe, panay reviewnya habang ako panay work sa harapan ng computer. Bale tig isa kaming gadget, parang may contest lang kaming mag ina eh. Wala na munang kibuan at focus kami pareho. Pero syempre kahit focus ako silip silip parin dito sa platform at baka mamiss nyo ko, este mamiss ko pala kayo.

@ariel0417

Back to normal na ulet hehe. Tapos na ang unang exams ni unica sa EQUIP nila which is live museum. Eto na, nagsend na ang teacher nila ng schedule for their first quarter exams. Busy na si unica sa pagrereview, kanina pa sya nakaharap sa computer para makapag refresh ng utak nya hehe. Baka kasi puro spanish na laman ng utak nya eh haha. Ako naman ay magpeprepare na ng kakainin namin mag ina at baka magutom na tong anak ko hehe.

@ariel0417

Good morning! Puyaters ako kagabi at medyo late na nakauwi si unica gawa ng awarding. Nilabhan ko na din kasi mga ginamit nya sa play at ayaw kong maraming kalat haha. Flex ko lang yung certificate and medal na inuwi ni unica. Sabi nga ni unica, wag na sad mommy sa paglalaba kasi inuwian naman kita ng parangal. Hay naku makakapaglaba ba mga yan?! Char! Tulog pa ang aking unica at sobra pagod sa one week na paggawa nila ng museum. Sakit pa daw katawan nya kaya maya na sya…

@ariel0417

Crying mommy na naman ba ako? Winner si unica mga kanoise! Best tourists guide. Haist kahit kelan di ako binibigo ni unica. Kanina ko pa nararamdaman na mananalo sya. Iba talaga ang mother's instinct, alam na alam mo ang mangyayari sa anak mo. Basta lagi ko lang sinasabi kay unica bago lumaban na ibigay nya ang 100% kasi nag effort na din sya itodo na. Wala pa si unica at awarding pa daw sa school, gutom na ang bebe ko. Di bale mamaya massage ko sya hehe. Baka pag uwi non…

@ariel0417

Aba at nag update si unica, last two performance pa daw at tuloy tuloy ang pagpasok ng mga judges sa bawat museum. Maganda ang ngiti ni unica at mukang close sila ng judge. Ngiting runner up ba ang section nyo hahaha. Kung makangiti kala mo naman tapos na program. Break lang daw muna saglit kaya nakapag update sya saken. Namamaos na daw sya haha. Ikaw ba naman ang magdadaldal dyan tapos spanish-english language pa at partida nakabraces kang bata ka haha. Naway naintindihan…

@ariel0417

Hopia! Nagchat si unica sabay sabing, mommy kain ka muna hopia para pag uwi ko alam na this hahaha. Abay sounds systems palang daw ng kabilang section ay pwede na silang itumba haha. Sabi ko naman oks lang yan, just enjoy your role there. Enjoy nya lang kako ang moment na ito at hindi lahat nabibigyan ng chance na gumanap as one of the main characters sa isang play. Besides hanggat wala pa ang results ng judges eh wag mag give up hehe. Hopia tayo mga kanoise.

@ariel0417

Isang pasilip hehe. Dahil hindi allowed ang parents na samahan ang mga bata sa campus kaya ayan buhok lang ang naayusan ko kaninang umaga bago sya pumasok. Duon na kasi sila magbibihis eh. Pwede ng pumunta ang parents after nakaalis na ang mga judges, anyway wala naman ako balak pumunta at awarding nalang yon. Pero biglang nagchat sa gc si teacher na mamayang 2:30pm ay magpepresent ang mga bata ng live museum for parents. Hmm, ayoko tinatamad akong pumunta at malayo, besides…

@ariel0417

Habang naghihintay ng update kay unica eh srcoll scroll na muna sa fb at baka may post ang page ng school nila. Pero ito ang nadaanan ko, aba at di pa nga tapos ang laban sa ngayon eh may papost pala ang school nila about YES-O. Bida bida na naman tong si unica eh, manang mana talaga sa nanay nya.. Char! Sino ba nanay nitong batang to? Hahaha. Patawa tawa lang ako pero kabado na ko haha. Pano kaya magpeprepare si unica ng wala ako sa tabi nya.

@ariel0417

No more throwback for today mga kanoise. I'm busy preparing my unica's stuff. Today is their EQUIP, there will be a competition in their school and the theme is about United Nations. There will be a live museum in their campus and my unica will represent Spain. She will play one of the main characters which is tourist guide. Hay dalagita na talaga ang unica ko, bawal ang parents sa campus kaya pineprepare ko na ang mga dadalhin nya like costume and accessories na gagamitin…

@ariel0417

Last throwback for today mga friendships haha. So eto na nga yung pinaka exciting part, kung sino ba ang mag uuwi ng crown. Syemore si unica, char! So ayun na nga, hakot awards na si unica. Best in talent, best in gown and syempre ang pinaka importante sa lahat, sya ang nakakuha ng title. Pero don ako na excite talaga sa cash prize, char ulet haha. 10k nung mga panahon na yon wayback 2015 and then sash ang trophies. Di na ko nagpapicture dyan kasi hagardo na talaga ang lola…

@ariel0417

Oops! Inunahan ko na kayo kanina na wag kayo mananawa sa contents ko na puro memories sa fb haha. Ito naman yung sa talent portion, tinuro ko kay unica yung talent na ginagamit ko din nung akoy lumalaban din nung kabataan ko hahaha. Kampante ako dyan na magagawa ni unica ng maayos dahil nasa dugo namin... Char! Pero ayun nga, nakuha nya ang best in talent hihi.

@ariel0417

Sa dami ng pinamili ko sa bayan wala akong maipost na ulam haha kulet lang. So ito nalang munang memories sa fb. Ito yung exciting part ng pagsali ni unica sa isang brain and beauty contest. Kabado ko dito kasi 5 yrs old palang si unica at ang mga kalaban nya eh malaki ang age gap sa kanya. Buti nalang at maganda ang sagot ni unica. Isa isa ng lumalabas sa fb ang memories ko haha. Wag kayo mananawa sa mga ganito kong post at ang hirap magcontent haha.

@ariel0417

Good morning! Late na ba si ako? Galing kasi ako ng bayan, as usual namili ng stock na pagkain. Magpopost sana ko pagdating kaya lang baka mabilasa tong mga pinamili ko hehe. Naayos ko na lahat, grabe kakapagod hehe. But once malinis na lahat lahat at nakaayos na sa ref eh anung sarap sa pakiramdam haha. Yung tipong araw araw eh huhugutin mo nalang sa ref yung iluluto mo. Pero saglit lang to hehe, mga one week ubos to kaya babalik na naman sa bayan. Maya maya magluluto naman.

@ariel0417

Don't know what to eat kaya ito nalang nagaraya and nestea cleanse. Parang ayaw kong kumain ng tasty bread, pauwi na naman si hubby kaya sa kanya nalang yun. Si unica ko naman ay wala pa dito sa bahay dahil nagpractoce sila sa bahay ngbisa nyang classmate. Solo na naman ako kaya daanin sa pagkain ng kukutin hehe. Maya maya magluluto na din ako for dinner. Kayo po ba nagmeryenda na?

@ariel0417

6 years ago.. Ang bulinggit pa ni unica. Bata palang makikita mo na talagang sanay syang makipag-usap sa mga tao. Family day yan sa company nila hubby at bigla kaming nakita ng emcee. Narecognized nila si unica kasi sila din ang emcee nung time na manalo si unica sa brain and beauty contest. Naambush interview tuloy sya dyan hehe. Pero walang kabog si unica at parang nasa Q&A portion na naman haha. Bilis ng panahon, ngayon 13na si unica.

@ariel0417

Flex ko lang ang costume ni unica for first quarter EQUIP. kabado na ang loka haha, gaganap syang tourists guide sa live museum nila for UN celebration. Panay na memorize nya ng Spanish-English script na sya din ang gumawa. Dami nilang pagod nung nagdaang linggo para sa pagbuo ng museum. Haist good luck sa Monday, matalo man o manalo syempre panalo na sya para saken. Yung efforts nya palang winner na eh hehe. Sa Monday post ko dito pag nakacostume na si unica hihi.

Everything by @ariel0417, by month