Multilinggwalismo, Susi sa Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao sa Buong Mundo!

0 39
Avatar for antonluke09
3 years ago

        Multilinggwalismo- tawag sapatakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubog wika bilang pangunahing medium sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagama’t hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.

           Ang salitang multilinggwalismo ay hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”.

           Layunin nito na pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o diyalekto o wikang tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa unang baiting hanggang ikaapat, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago ibabad sa wikang Ingles.

           Layunin din ng multilinggwalismo na magkaroon ng mga wikang gagamitin sa isang partikular na lugar. Sa multilinggwalismo, mapapahalagahan natin ang iba't ibang mga diyalektong mula pa sa mga pangkat etniko sa bansa.

           Kailangang matamo muna na ang isang mag-aaral ay bihasa na sa unang wika na susundan ng pangalawa at pangatlo. Kaiba ito sa patakarang sinusunod ng mga Pilipino ngayon nasa unang baiting pa lamang ay sabay nang itinuro ang Ingles (70%) at Filipino (30%) bukod pa sa kanilang wikang ginagamit sa tahanan.

         Katunayan, noong ika-16 ng Mayo 2007 ay pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya ng United Nations ang isang resolusyong nagsusulong sa multilinggwalismo bilang paraan ng pagtataguyod, pangangalaga at pagpapanatili sa dibersidad ng kultura at wika sa buong mundo kasabay ng pagpapahayag sa taong bilang Pandaigdig na Taon ng Mga Wika.

             Nauna pa rito'y naglabas ng opisyal napaninindigan ang United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) pabor sa multilinggwalismo 2003. Ayon sa nasabing dokumento, “Studies have shown that, in many cases, instruction in the mother tongue is benefcial to language competencies in the first language, achievement in other subject areas, and second language learning."   

           Ibinatay ng UNESCO ang ganitong paninindigan sa pananaliksik nina N. Dutcher at G.R. Tucker (1997) at M. Mehrotra (1998) na pawing pinondohan ng World Bank, isang entidad na pangunahing nagsusulong ng globalisasyon sa ekonomiya.

           Pinakamahalagang konklusyon ng pananaliksik nina Dutcher at Tucker ang napatunayang bisa ng unang wika ng bata bilang wikang panturo sa maagang bahagi ng pagaaral.

          Nararapat na pahalagahan ang multilinggwalismo sapagkat sa Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng mas malaking oportunidad o pagkakataon ang isang tao upang makipagkumunikasyon o makipagunayan sa iba. At bilang isang bansa na may diverse na mga kultura, kailangan natin maintindihan din ang mga lenggwahe ng ibang lugar sapagkat ito ang susi upang mapaunlad at mapag-isa ang ating bansa.

-1
$ 0.00
Avatar for antonluke09
3 years ago

Comments