Third day after vaccination

2 25
Avatar for annc
Written by
2 years ago

January 22, 2022- Ngayon ang ikatlong araw mula nung naturukan ako at yung bakuna ko is Astrazeneca. First dose ko palang 'yon pero nagreact na agad yung katawan ko sa bakuna which is good kasi nakita kong responsive at tinanggap naman siya ng katawan ko.

No'ng mga nakaraang araw like nung una at pangawalang araw after ng bakuna ay lagnat, sakit ng ulo at pananakit ng braso kung saan ako naturukan yung naranasan ko. Mga common symptoms lang naman iyong mga yon pero mahirap lalo na yung pananakit ng braso kasi hindi ko siya maigalaw basta-basta tapos mahirap din lalo na kapag babangon kase parang mahuhulog or matatanggal braso ko.

Ngayong araw, paggising ko naging maayos naman pakiramdam ko wala na akong lagnat at sakit ng ulo pero masakit pa rin braso ko. Base sa intensity ng sakit na nafefeel ko ngayon, maaari siyang tumagal yung pananakit hanggang January 24, 2022.

Nung mga nakaraang araw ay masama pakiramdam ko kata hindi ako makaligo pero dahil ngayon na maayos na pakiramdam ko kahit masakit pa ang braso ko ay napagdesisyonan kong maligo dahil pakiramdam ko ang baho ko na kahit nagpapalit naman ako ng damit at naghuhugas ng mga parte ng katawan ko na dapat hugasan. Napakatagal ko naligo ngayon dahil nakailang kuskos ako ng katawan para masigurado kong malinis talaga katawan ko.

Hindi na rin ako naglagay ng band-aid sa parte kung saan ako naturukan dahil wala nakong band-aid at muka naman magaling na yung sugat. Nung nakaraan kasi nakita kong may dugo yung bulak na ginamit saken which means that dumugo yung braso ko during injection. Nakita ko rin na may naiwang mark yung injection pero hindi naman halata. Nag-iingat lang ako dahil ngayon lang ako naturukan ulit for how many years.

Pagtapos ko maligo, nakita ko yung kapatid ko na nanonood sa kwarto at nalaman kong pinauwi siya dahil inaway siya ng kalaro niya kahit wala naman siyang ginagawa nakakainis lang dahil nasugatan siya sa likod dahil sa kalaro niya. Nainis din ako sa nanay dahil siya ang responsible sa actions at pag-uugali ng anak niya. Sabi ko naman sa kapatid ko is, "Wag kang magsisimula ng away pero kapag ganyang sinaktan ka at sila nag-umpisa gantihan mo."

Its because masasanay yung mga bata na walang lumaban sa kanila so iisipin nila na nakakatakot sila or malakas sila at pwedeng maglead 'yon sa pagiging bully nila.

Pagtapos ng mini conversation namin nilisan ko itong mga make-up brushes ko kasi matagal-tagal na rin mula nung nalinisan ko sila and balak ko na silang gamitin ulit dahil before naka-stuck lang sila at nadudumihan.

Anyway, napakababa pa rin ng mga crypto ngayon balak ko sana mag-invest kaso wala akong funds ngayon as in zero balance ako pero I might encourage my partner to invest dahil sayang din yung profit na makukuha niya doon.

Siguro hanggang dito nalang muna itong article ko na ito dahil nanonood pa ako ng Presidential Interview sa GMA News. Maganda 'to para makita natin kung sino ang mangingibabaw at may maayos na direksyon para sa ating bansa.

2
$ 0.02
$ 0.02 from @Carewind
Sponsors of annc
empty
empty
empty
Avatar for annc
Written by
2 years ago

Comments

Mawawala din yan basta wag ka lang kumain ng mga bawal lods, at dun sa kapatid mo, masama pa ding tuoran na maghiganti., Hehe pero at least mabait siya kasi umuwi lang siya.

$ 0.00
2 years ago

Yes po hahaha sinabihan ko lang kapatid ko kasi lagi siyang umuuwi na puro sugat at pasa dahil sa mga kalaro niya pero alam ko naman hindi talaga siya gaganti at iiyak lang. Hindi na rin muna siya pinayagan lumabas dahil doon sa malaking sugat niya sa likod nung itinulak siya ng kalaro niya.

$ 0.00
2 years ago