Ang Huling Tawag (The Last Call)
0
21
This is a short poem in Filipino Language. I'm still trying to make a poem in English but for now, I will post this short poem that is in Filipino Language.
Sa loob ng halos dalawang taon ikaw ang aking nakasama
ikaw ang naging sandalan sa lungkot man o saya.
Ang bawat problema ay pilit nating nilalagpasan
ngunit sa bawat away
hindi nawawala ang salitang hiwalay.
Sa ating bawat pagtatalo,
nalilimutan mong mahal mo ako.
Araw-araw ikaw ang pipillin ko,
pero sa bigla mong pagpatay ng telepono
alam kong hindi ako ang pinili mo.