Ang New Normal ay mga aksyon o kaugalian na nakasentro sa pinaigting na pagpapahalaga sa
kalusugan. Sa New Normal, prayoridad ang pagpapalakas ng resistensya upang matiyak na kaya
natin lumaban sa anumang sakit.
Sa New Normal, ang lahat ng KILOS at GAWAIN ay dapat nakasentro sa pangangalaga ng kalusugan
tulad ng:
Paglalaan ng oras para mag-ehersisyo;
Pag-usap sa pamilya at mga kaibigan kung kinakailangan; at
Pagkain ng masustansiya.
Kailangan din ay PATULOY at WALANG PALYA nating isasabuhay ang preventive measures gaya ng:
Paghuhugas ng kamay;
Pagsusuot ng maskara sa tuwing lalabas ng bahay; at
Physical distancing.
Kahit na matapos na ang pandemyang ito, huwag nating kalimutan ang mga leksyong natutunan
natin. Mas mataas na ang kamalayang pangkalusugan natin dulot ng COVID-19. Itong panibagong
kaugalian at pananaw sa kalusugan ang tinatawag nating New Normal.