read.cash Log in
a@anjhernan more from that month

Nagbisikleta kami kahapon papuntang Intramuros. Habang tinatahak namin Ang kahabaan ng kalye Leon Guinto at malapit na Sana kami lumiko sa kalye ng Padre Faura nang habulin ako ng Isang itim na aso. Dahil hindi naman ako sanay magpatakbo ng bisikleta nang matulin, nakikita ko na halos malapit na nya ako abutan. Sa pagkataranta ko at sa takot na makagat, bumunggo ako sa poste. Mabuti na lang nakasuot ako ng helmet, ngunit tumama Ang aking kaliwang tuhod at balikat. Lumayo naman yung aso nang makitang nabunggo ako sa pader. Ayan medyo may pasa konti sa tuhod pero masakit yan at ndi ako makalakad ng mabilis.ngaun ko lang din naramdaman na masakit Ang kaliwang balikat ko pero wala naman pasa ngunit may maliit din akong pasa sa kanang tuhod. Sa mga may ari ng aso, Sana Naman huwag nateng hinahayaang pakalat kalat sa kalsada Ang mga alaga nyo. Kung hindi nyo kayang bantayan, huwag na kayong mag-alaga.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.