Medyo nainis ako kanina. Lumabas ako para bumili ng vitamins at maintenance. Ngwithdraw ako sa atm at dumiretso sa drugstore. Nang magbabayad na ako isinosoli yung 1k ko. Baka may iba daw akong bills dahil may punit. Maliit lang ung punit at alam ko marerecognize naman nila na hindi peke yung pera ko. Sabe ko kakawithdraw ko lang nyan bago ako bumili dito at wala akong control sa quality ng bills na nilalabas ng atm. Ayaw pa din tanggapin.. Medyo nagiinit na ulo ko sabay sabi na "ano pupunta pa ba akong bangko para papalitan yan?". Mabuti na lang at may extra pala akong dalang pera at yun ang ipinambayad ko. Sana inaayos ng mga naglalagay ng bills sa atm kung ok pa ba quality ng bills nila. Saka isa pa, napakaliit lang ng punit para mapansin ko pagkawithdraw. Isa pa, paano ko mapapalitan yan kung yan mismo ang nilabas ng atm? Sarado mga bangko ng linggo..grrr. naiinis pa din ako.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Relax lang po. Sana maibayad nyo na lang po sa iba para di na kayo mastress. Ingat po palagi
Salamat po. Pinasuyo ko na lang kay partner na papalitan bangko next week.