No Boyfriend Since Birth (22 years of being single)
Madalas akong natatanong ng mga kaibigan ko "Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend?" "Balak mo bang mag madre?" Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanila e. Hindi naman against yung parents ko sa pagpasok sa relationship. Lagi nga nila kong tinatanong tungkol sa bagay na yan, tinatawanan ko na lang madalas. Mayroon din naman akong mga inentertain na suitors kaso hindi talaga umaabot sa ibang stage, hanggang talking stage lang talaga.
Actually, nag-try ako ng mga online dating app noon like bumble, tantan, omegle, facebook dating app etc. kaso wala rin nangyari dahil isang araw lang ako madalas active then sa susunod na buwan na naman uli ako non mag-oopen ng account haha.Hindi naman ako dry kausap sa chat haha lagi ngang remarks sakin e ang kulit ko raw and ang saya ko raw kausap.
Based sa self-assessment ko, isa kong malaking tamad. Tamad magreply, tamad makipag-usap and tamad lumandi. Kapag may ka chat ako madalas sobrang tagal ng interval bago ko mag-reply. Ayoko rin sumasagot ng calls if unaanounced yung tawag, nakaka pressure kaya if bigla nalang nagriring ang phone, sorry pero tawag lang ng J&T at ni mama ang gusto kong sinasagot.
Pangalawa, I need character development. May mga toxic traits pa rin kasi ako until now, tulad ng sobrang bilis kong magalit, magselos sa mga bagay-bagay, yung pride ko kasing taas ng great wall of china, tamad ako maligo minsan at marami pang iba. Ayoko naman na pumasok sa isang relationship just to bring toxicity sa partner ko no.
Pangatlo, gusto ko munang mag focus sa goals ko sa life. Ang bilis ko lang kasi mawala sa focus e kaya natatakot na baka kapag pumasok ako sa relationship e gawin kong mundo ko yung tao na yon, baka sa kanya nalang umikot yung buhay ko. Kaya gusto ko muna i accomplish yung responsiblities ko, lalo na bilang anak.
Pang-apat, wala naman nanliligaw sa akin ngayon HAHHAHA.
I don't know what you wrote in this article but don't worry about not to have any boyfriend. Make husband instant haha.. As I'm single since birth too. Planning to marry instead making a girlfriend. Actually no girl like me 😂