read.cash Log in
@amyfe more from that month

Alam nyo ba na dito din sa gas station ko naranasan na matutukan ng baril sa tagiliran ko. Naging cashier na kasi ako sa ilang buwan na naging pumpattendant ako. May midnight sale kasi sa isang mall kaya sabi ng amo ko na e extend namin ang duty namin dahil may mga jeep pa na bumabiyahe. Around 11pm may dumating na dalawang motor na puro may angkas na dalawang tao. Pinuntirya nila ako at yong iba doon sa mga kasamahan ko. Grabe yong kaba ng dibdib ko noong tinutok na yong baril sa may tagiliran ko. Mabuti nalang at naitago ko ang 20plus thousand bago sila dumating kaya di masyadong malaki ang pera na nakuha ng mga tulisan. Pero alam nyo ba na kahit thank you wala akong narinig sa kanila, ang ginawa pa nila di man lang ako binigyan ng break para makalimot sa nangyari. Namamaga yong paa ko dahil sa takot pero di man lang ako binigyan ng gamot at sinabihan pa akong wag ka nang umabsent dahil hindi na yon babalik sa susunod na taon pa yon babalik. Di ba ang sama nilang amo, ang iniisip lang nila na magkapera,wala silang pake sa mga manggagawa nila. Kaya nakapag decide ako na huminto sa trabaho. Sabi nga ng iba bakit di ko daw tinago nalang yong pera na di nakuha ng mga tulisan sayang daw. Sabi ko naman, hindi naman ako tulisan para kunin ko yong pera na hindi naman sa akin. #throwbackpic

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.