Pagbigyan nyo na minsan lang to. Nag selfie ang taong tamad. Maputik kasi sa labas dahil sa ulan kaya ito ako nakahiga pa rin. Tinatamad na naman..... May tanong lang ako noisers, totoo ba ang sinasabi ng mga matatanda na kapag unang araw ng buwan ay inuulan tuloy tuloy na ito hanggang matapos ang buwan?
@amyfe in September 2021
Hapon na pala....nakatulog ako at ngayon lang nagising.. Today is the start of ber month... Basta ber month ang mga trabahante ay masaya dahil malapit na ang bigayan ng bonus.... Yepey!!!! Ako walang matatanggap na bonus dahil wala na akong work but it is ok, I am happy with my life now. Happy afternoon noisers.
Luto ni hubby...... Bihon with malunggay... Kain tayo noisers.... Sinong nakaluto ng ganitong ulam? Masarap naman siya. I enjoy eating this food. Are you having your dinner now noisers? Kung hindi pa kumain na po kayo para layo tayo sa hyper.
I've been busy kaya ngayon lang ako nakabisita dito..... Ha! Akalain nyo ang inyong chubby noisers na tamad naging busy...hehehehe....may trabaho kasi si hubby ngayon kaya ako ang namili ng lulutuin at ako na rin ang nagluto. Minsan lang sa buhay ko na busy ako dahil si hubby talaga yung nag-aalaga sa amin. Good morning pala sa inyo noisers. Happy Thursday
I made lemon juice for my kids and hubby.... Noong nakita kasi ng anak ko na may lemon akong binili sabi nya sa akin na "mama gawa tayo ng lemon juice". Kaya ayan ginawan ko sila ng lemon juice. Snacks tayo noisers.
A pinkish afternoon to you noisers...... Snacks time na.... Ang sarap ikain ngayon ng jollibee hamburger...wish ko lang kaso walang pera kaya hanggang imagination nalang.hahahaha.... Enjoy your snacks noisers.
Let us have some dinner noisers. I cooked monggo with malunggay with love...char.... Hubby was so busy, so I am the one preparing our breakfast,lunch and dinner. My son said to me "ma why you're the one who cook for our dinner?" Heheheh.... He asked me that question because he always see his father cook for us.... I can say it is miracle that I am the one who cook today.hahahahahah....
So sleepy...my eyes and body is tired... I'll take a rest now noisers... Thanks for tuning in..hehehehe..... Tomorrow again.... By God's Will...Nighty night noisers.
A sunny morning to you noisers.... Still busy day....but I'll stay here for a while. How was your night noisers? Well, me I sleep well thanks to God for protecting me all day long.... Happy Friday to all of you... Let us enjoy our day ok?
Done washing our clothes...thanks God because there is heat from the sun. The clothes will dry up.... Good weather today... How about in your place noisers?
Meet my friend the bee....When I help my husband in his work I see this bee. Mabait naman siya noong kinunan ko siya ng litrato dahil hindi siya gumagalaw.... Parang gumagawa siya ng bahay niya para lagyan ng honey niya... Sa tingin nyo noisers anong ginagawa ng bee?
Another position of the picture. I am focusing on the house of the bee I think? I am not sure if this is it's house. Just guessing. But it looks like right?
Today is tiring day.... Matutulog ako ng maaga ngayon para bumalik ang lakas ko na nabawas ngayong araw na ito. Nighty night noisers.... Your chubby noiser signing off.
A sunny morning to you noisers. Now lang nakabisita dahil tinatamad na naman ang taong tamad..heheheheheh... How was your day? Me, maybe I am fine?????
Did anyone know the name of this yellow flower? Diba ang ganda... Every time I see a beautiful flower I took a picture of it. Kayo ba noisers ganyan din?
Relax muna... Wala pa kasing lulutuin kaya ito nagrerelax. Kayo ba noisers naghahanda na ng haponan? Di pa kasi umuwi si hubby kaya ito ako selfie selfie.
Walang kwenta ang iyong pinag-aralan kung hindi ka marunong rumespito sa iyong magulang at sa nakakatanda sa iyo. Walang silbi ang iyong pagsimba kung hindi ka marunong mapagkumbaba at feeling perpekto ka. Be humble always and respect everyone. Good evening noisers.
"If tomorrow never comes?" =Matutulog ako ng matutulog hanggang dumating ang bukas, if lang naman di ba... So ibig sabihin hindi siya sure.hehehehehehe......... Akoy inaantok na kaya kahit ano nalang ang aking naiisip. Nighty night noisers.
I AM A MOTHER.... I am not perfect and I always makes mistakes. I maybe forget things and lose my coolness. And someday I go a little crazy. But it is natural, because in the end, no one would love my children as I do. Good morning noisers.
Bakit nakakatamad ang walang pera? Ayaw kong bumangon ngayon wala naman akong gagawin, wala pa naman akong lulutuin at di naman ako makapaglaba dahil walang sabon. Hahay!!! So lazy me...
Ang hirap kapag ang isang tao ay dumaranas ng depression. Kaya dapat watch your words dahil may ibang tao na dahil lang sa sinabi mo sa kanya ay iyon ang dahilan ng kanyang depression. Basta..... I can say we need to be watchful of our words...hindi lahat ng advice natin nakakabuti o nakakagaan sa kalooban ng isang tao dahil wala tayo sa kanyang position o hindi natin alam ang kanyang tunay na pinagdadaanan.
Stressful day is over.... Nighty night noisers. Matutulog na ang inyong chubby noiser..... Thanks God I conquer my depression.... When I am depressed, I only talk to God. I told Him all the things that makes me depressed...pagkatapos kong sabihin lahat sa Panginoon unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
Meet the bat!!! Nasaag siya sa balay...Ming diretso pa gyud sa among kwarto. Abi nako ug makuyawan ang mga bata, pastilan nalingaw man hinoon sila.
"It's raining men, halleluiah, it raining men...Amen..." A rainy Monday to you noisers. Nag landfall na ba ang bagyo kaya umuulan ngayon? Saan ba tatama ang mata ng bagyo ngayon noisers? Di na kasi ako nakapanood ng balita kaya di na ako updated.
Kaya pala umuulan dahil naging ganap na na bagyo ang low pressure. At sa Visayas area si bagyong jolina bumisita. Signal#1 na sa eastern samar, dinagat island, siargao at bucas grande dahil nabuo ang bagyo malapit sa lupa. Kaya ingat kayo noisers lalo na sa mga signal#1.
"Yakult everyday, everyday ok"....... Nagka lbm kasi ang anak ko mula pa kagabi kaya bumili ako ng yakult. Nalulunusan kasi ng yakult ang lbm kaya ito nalang binili ko dahil gustong gusto din kasi ng anak ko. Kayo ba noisers gusto nyo rin ang yakult? Di ako maka upload ng video ka noise dahil siguro sa masamang panahon wala masyadong signal.
Maaga akong nagising dahil ako naman ang nagka lbm ngayon.... Iinom ko nalang to ng yakult. Nakakahawa din pala ang lbm noisers? Or siguro dahil sa kinain ko kagabi kaya sumakit tiyan ko ngayon no? Well, it is ok. Good morning sa inyo ka noise. It is already 5:02 in the morning. Wake up.....
Ang bagyo ay tumama sa eastern visayas at signal#3 na sa may samar area kaya ingat kayo dyan na nasa samar. Always be alert. At dito naman sa amin, umuulan sya mula pa madaling araw. Sa inyo noisers umuulan din ba?
Love story starts here !!!! Dito sa caltex cordova gas station nagsimula ang love story namin ni hubby. Magkasama kami sa trabaho, pareho kaming pumpattendant sa gas station na ito at magkashift kami kaya sa tagal ng aming pagsasama nagkadevelopan.heheheheh..... We are now 14 years as boyfriend and girlfriend and 13 years of marriage. So happy to be with him kasi masipag sya na hubby. Bagay talaga kami kasi ako tamad at siya naman ang masipag. Kayo noisers anong love story…
Alam nyo ba na dito din sa gas station ko naranasan na matutukan ng baril sa tagiliran ko. Naging cashier na kasi ako sa ilang buwan na naging pumpattendant ako. May midnight sale kasi sa isang mall kaya sabi ng amo ko na e extend namin ang duty namin dahil may mga jeep pa na bumabiyahe. Around 11pm may dumating na dalawang motor na puro may angkas na dalawang tao. Pinuntirya nila ako at yong iba doon sa mga kasamahan ko. Grabe yong kaba ng dibdib ko noong tinutok na yong…
A green morning noisers. Positive vibes lang dapat. Ala siete na pala, ngayon pa lang ako nagising..hehehehe.....tinatamad na naman..
Walang magawa sa buhay......kaya ito nagselfie na naman. Nakakahiya din naman na yong asawa ko kumakayod para lang mabuhay nya kami pero anong magagawa ko makapal na1ang mukha ko.? Pasensya na hubby ko, palamunin talaga ako.
Flex ko lang red hibiscus flower.... Tanim ni hubby. Kay gandang tingnan. Ang bilis nyang namulaklak, mga 4 na buwan pa lang niyang tanim ito ngayon may bulaklak na. Mga pinutol na sanga lang din ito na itinapon ng aming kapitbahay. Di ba ang ganda?
Are you guys having dinner? If wala pa kumain na kayo para malayo kayo sa sakit. Mabuti nang may laman ang tiyan para makapag isip tayo ng mabuti. Naranasan nyo na ba na magutom? Di ba hindi tayo makapag-isip ng maayos? Kaya kumain na kayo ng haponan. Enjoy
Kain tayo noisers... Maaga ako ngayong nag agahan dahil kailangan kung pumunta sa munisipyo para sa municipal id. Pumunta kasi dito kahapon ang mga bh sa barangay para ipaalam na papupuntahin kami sa munispyo para sa id.
Done na sa municipal ID, selfie muna bago umuwi..hehehe.... Meron din ba kayong municipal ID noisers?
May regalo pa kaming natanggap kanina. Korean pancit canton, ang sarap nya, chessy na pancit canton. Thanks to the husband of our mayor na namahagi ng kanilang blessings.
Nagselfie dahil done to municipal ID. Tapos pag-uwi ko nakapaglaba pa ako.... Salamat at di ako tinatamad ngayon. Palagi kasi akong inaabot ng katamaran ilang araw na nakalipas. Sana naman kasipagan na naman ang bumalot sa akin.hehe...
Ako'y matutulog na dahil may lalakarin na naman ako bukas. Hay! Ewan ko ba ayaw ko talaga yong mga orientation o yong magpa ID dahil gusto ko lang sa bahay. Tinatamad kasi akong magbihis ng formal na attire gusto ko pambahay lang. But I don't have a choice, I am a mother of 3 kids now. Kailangan talagang pumunta sa school para maenroll na mga anak ko. Grabe talaga yong katamaran ko noisers. Nighty night noisers.
It is already 9:26 in the morning here in the Philippines..... A busy friday.. Kailangan kong pumunta sa school for orientation dahil magsisimula na ang klase ngayong lunes. Nagsisimula na ang stress. Nakakastress kasi yong modular class. Anong mas maganda noisers modular or online class?
Mainit na hapon noisers. Ang init para maglakad papunta sa paaralan. Kailangan kong uminom ng maraming tubig para di ma heat stroke. Kayo din noisers, uminom ng maraming tubig dahil mainit ang panahon ngayon para layo sa heat stroke.
Done na sa orientation... Tagal naming naghintay sa guro ng aking anak na babae. Kaya pala nandoon siya sa kabilang room. Halos dalawang oras kaming naghintay, di man lang nagchat sa amin na nasa kabilang room pala siya. Pero at least natapos na din.
Ginising ako sa tunog ng aking alarm. Oras na naman kasi para uminom ng gamot ang asawa ko. Ilang beses ma ding tumunog ang alarm pero ngayon lang ako bumangon.hehehe.......
So busy assisting my children with their module. Ang hirap magturo kapag ako mismo ay kailangan din na turuan.hahahaha.... Hate ko talaga mag-aral tapos ngayon I don't have a choice kung hindi magturo sa mga anak ko. Sumagot sa mga tanong nila tungkol sa modyul nila. Help me Lord... Give me wisdom and knowledge ..... Para naman may matutunan talaga mga anak ko kahit sa modular class.
This is the view of the school... Malapit nang matapos ang mga buildings para sa mga night high schools. Noong kabataan ko, maliit pa ang mga room dito. Wala pang ikalawang andana pero ang kagandahan ng school noon ay malawak ang aming area ng gulayan at ang palaruan.
Mas malakas pa pala ang sumunod na bagyo. Si bagyong kiko ay mas malakas pa kaysa bagyong jolina kaya ingat kayo taga batanes at babuyan islands dahil signal number4 ang lugar nyo. Dapat laging alerto tayo para iwas sakuna. Let us pray for the safety of all noisers, especially yong natamaan ng bagyo.
A beautiful garden ng paaralan. Happy afternoon noisers..... Natapos na ang isang subject sa module ng mga anak ko. Pero marami pa ang dapat na sasagutan pero laban lang.
Ako'y magpapahinga na upang makapahinga naman ang utak ko. Bukas na naman ulit kami mag answer ng modyul. Sana matapos na itong pandemic na ito para makabalik na sa face to face class ang mga bata. At may matutunan din sila. Sige noisers ako'y magpapahinga na. Nighty night noisers.
So happy kahit line of 8 lang grade ng anak ko at least walang line of 7. Noong kabataan ko, grades ko nasa line of 7 lage kasi nga tamad mag-aral laging umaabsent ng hindi alam nila mama.hehehehe..... I was grade six that time na may grade ako na 72 dahil di ako pumasok ng isang buwan sa paaralan. Kaya noong nag-enroll ako sa high school... Pinagawa ako ng promisory note ng guidance tapos kinausap pa ako ng one on one. Nakakahiya man pero wala na akong magawa kasi ako naman…
Almost done sa aking labahin.... Ang mga kumot nalang nila in-laws ko ang last na lalabhan ko. So busy day. Pagkatapos kong maglaba pagtutuonan ko naman ng pansin ang module ng mga anak ko.
Relax muna sandali habang wala pang tanong mga anak ko sa module nila. Nakakabaliw din itong mag-assist sa mga bata sa module no. Lalo ako mismo hindi ko alam ang sagot.hahahaha....
Kahit ano pa kalaki ang inyong bahay, marami kayong pera at sasakyan, ito ay balewala kung hindi naman masaya ang inyong pamilya. But if God is the center of our household you can always see happiness in the house. Good evening noisers.
Kailangan ko nang matulog upang bumalik naman ang lakas ko. Kayo din noisers dapat magpahinga din. Bukas may lalakarin na naman, kukuha ako ng module ng kinder na anak ko. Ngayon pa lang nahihirapan na ako dahil mas hirap turuan ang kinder dahil mas gusto nila ang maglaro. Ang mga anak n'yo noisers di ba tamad mag-aral?
Another day of our life... Good morning noisers... How was your night? Ako nakatulog naman ako ng maayos. Sana kayo din.
Nandito na module ng anak ko na kinder. Nahihirapan ako , di ko alam kung paano ko sisimulan kasi ang tamad niyang magsulat. Help me Lord....
Thanks God nakipag cooperate ang anak ko sa module nya. Gusto nya kasing mag color kaya siya nakipagcooperate. Happy mama here.
Have you eaten your dinner noisers? If wala pa kumain na kayo. Kailangan natin ng carbohydrates para gumana ang mga utak natin. Kaya sa mga nagdiet dyan na no rice dapat kumain kayo kahit konting kanin para iwas na din sa ulcer.
Can anyone help me how to use smartbch?
Another busy morning. Module is real.... Kahapon parang gusto ko nang umiyak. Tatlong bata iba't iba ang grades na kailangan kong turuan. Ngayon ganon pa rin.
Breakfast tayo noisers. My ulam is chopsuey.... Bumili si hubby sa karinderya kasi masyadong late breakfast na. Wala nang oras para magluto kasi gutom na ang mga bituka....
Umuulan na naman..... May bagyo na naman ba or low pressure lang ito? Totoo nga siguro ang mga sabi ng matatanda kapag unang araw ng buwan ay maulan hanggang matapos na daw ang buwan ay maulan ito? Kayo noisers naniniwala ba kayo sa mga sinasabi ng mga matatanda?
Ganito ka gulo ang bahay ko at ganito din kagulo ng buhay ko. Tamad talaga akong tao. Hindi ako mahilig maglinis ng bahay kaya nga tinatanong nila ako na nakaapak ba daw ako ng iti ng manok kapag nakikita nila akong naglilinis.haha hahaha....
Maaga ako ngayon na matutulog dahil bukas kailangan ko namang pumunta sa barangay hall kasama mga anak ko dahil schedule nanila sa national ID. Nighty night noisers.
Sometimes in our life, we will find a friend who changes our life just by being part of it.Someone who makes you believe that there is really good in this world. Have you find a friend like that noisers?
Mabuti nalang at nagpakita si haring araw ngayon. Ang hirap kasi kapag umulan ngayon, tatlong anak ko ang kailangan kong dalhin sa barangay hall para magpa ID ng national ID. Salamat at may araw ngayon.......Sa inyo ba noisers tapos na ang mga bata sa national ID?
Done to natinal ID with my kiddos.... Kayo noisers nakapagregister na ba kayo for national ID?
Relax muna.... So happy na marami akong nagawa ngayong araw na ito kaya magrelax muna ako ng sandali. Bago ko sisimulang turuan sa kanyang module ang anak ko. Magandang hapon sa inyo, nakapagsnacks na ba kayo?
It is already 6:39 in the evening.... Time for dinner. Kami nagluluto pa ng ulam. But at least malapit nang maluto at makakain na rin maya-maya.
Minsan nawawala talaga ang signal..... Minsan ang hirap pasukin ni noise. Maulan kasi ang panahon at mahangin kaya siguro mahina yong signal.
Maulan na umaga sa inyo noisers..... May bagyo na naman ba? Or low pressure lang ang dahilan ng pabugsong bugso ng ulan? Hindi kasi ako nakakita ng balita sa telebisyon kaya sa inyo ako nagtanong.hehehe.......
Buti nalang at nakalaba ako kahapon dahil maulan ngayon. Sa inyo ba noisers maulan din? Dito may kasama pang kulog at kidlat.
I salute to the parents na hindi nahihirapan sa module ng kanilang anak. Kasi ako nalilito na talaga ako.huhujhu......para akong bumabalik sa pag-aaral. Wala akong problema sa math. Ang problema ko yong ibang subject na kailangan ang iyong sariling pananaw. Hirap mag-explain.
Nighty night noisers........ My eyes want to close na.... Another day ends.... See you tomorrow by God's will. Picture muna bago matulog...
Paggising ko ito agad bumungad sa mga mata ko. Hay! Ang dami pa nito. May dadating pa mamaya para sa dalawa kong anak. Laban lang nak matatapos din yan.
Dumating na ang mga module ng anak ko..... Stress is real.... Kailan kaya babalik sa normal ang mundo? Babalik pa kaya tayo sa normal? Di kaya ito na ang bagong normal ngayon?
Na high blood na ako,,,,hehe hehe..... Na kaka high blood talaga yong anak mo na iiyak sa harapan mo dahil ang dami daw ang kailangan nyang isusulat... Naalala ko noong ako'y nag-aaral palagi naman kaming nagsulat hanggang matapos ang klase pero hindi naman ako umiiyak. Noong nag face to face pa sila hindi naman nagreklamo yong guro nila sa akin. Iba siguro kapag yong guro talaga ang mag-utos sa kanila na isulat nyo yan sa inyong kwaderno no.?
Ano kaya nangyari sa noise.cash ko kanina. Bigla nalang nagpop-up na get started. Di ko nakunan ng picture kasi nawala sa isip ko. Ang iniisip ko lang na malog in ko ulit account ko. Tapos nakalimutan ko pa password ko. Yong password ko sa ibang network yong nagamit ko kaya lalong tumagal yong pag log in ko. Buti nalang at naalala ko yong password sa fb at nag try ako ayon naopen sya ulit. Dapat talaga isa lang yong password ko sa lahat ng apps para di ko malimutan.
Nighty night noisers..... Stress day is over... Magpapahinga na ako sa wakas. Di ko muna iisipin ang mga gagawin ko bukas... Dahil baka di ako makatulog sa stress. Hirap talaga kapag tatlo ang estudyante mo at iba-iba ang grade. May pre-test pang binigay yong guro sa isa kong anak tapos di pa nga sila umabot sa mga nasa questioner. 1-20 natapos na nilang pag-aralan pero 21-50 di pa nila napag-aralan. Eh anong isasagot ng anak ko butikaw tikaw ikaw?hahahaha.... Na pressure…
Tanong ko lang ka noise kailangan ko bang e import yong wallet ko? Or hindi na? Marereceive pa rin ba direct sa aking bitcoin wallet yong natatanggap ko dito sa platform? Can anyone help me?
Morning noisers..... Ganda ng tulog ko kagabi kasi ang lamig ng panahon dahil sa lakas ng ulan.. Buti nalang at mainit ngayong umaga. Tumigil din ang ulan dahil kung hindi eh di natutulog pa ako hanggang ngayon. Ang sarap kasi matulog kapag malamig ang panahon. Parang ayaw ko nang bumangon kapag malamig ang panahon. Ganyan din ba kayo noisers or ako lang?
Flex ko lang ang lugar na ito.... Sa hindi pa nagsimula yong another ECQ dito sa lugar namin maraming tao ang nagzuzumba, nagjojogging,nagbike at marami pang iba. Wala na ang social distancing dito kaya si virus lumala.... Kaya resulta ngayon bawal na lahat ng actibidadis dito. Pero kung sumusunod lang sana ang mga tao sa protocols di sana lumala si virus.
Nakaligo na ulit sila ng dagat...... Malapit dalawang buwan din na bimabawalan ng mayor namin na maligo sa dagat kasi nga lumala si virus. Di naman marami ang naliligo ng dagat kanina... Dahil mga nakatira lang naman na malapit sa dagat yong naliligo.
Magandang gabi ka noise. Gising pa ang inyong chubby noisers hanggang ngayon dahil may ginagawa ako para sa module ng anak ko. Para kung magsisimula na kami diri-deretso na wala ng pause.... Ano naman ginagawa nyo ngayon noisers?
Nakakadismaya talaga yong kumuha sa tubo na ginagamit namin sa poso..... Dalawang beses na kinuha ito ng kawatan. Ang mahal pa naman kapag bibilhin yon kasi solid na tubo yon at mabigat. Ito yong gumising sa umaga ko di ba nakakadismaya? Di na nga namin ipinagdamot sa mga tao yong poso namin tapos gaganyanin pa nila.
Ganito sana ang panahon ngayon para matuyo yong mga nilabahan ko, kaso makulimlim ang panahon ngayon. Kung kahapon sana ako naglaba,natutuyo sana mga labahan ko. Kuha pala yan kahapon habang naliligo ng dagat mga anak ko, ako naman nagpipicture..... Kamusta sa lugar nyo makulimlim din ba or mainit?
Ang saya ng mga bata dahil tinupad ni hubby yong promise nya na maliligo kami ng dagat ngayong hapon..... Ang ganda ng dagat, ang linaw.
Today is rainyday....... Bakit na naman umuulan ngayon? Palagi nalang ako nagtatanong dito...hehehehe.....kasi di tumitingin ng balita kaya hindi na updated sa lagay ng panahon... Mula pa kagabi hanggang ngayon ang ulan...
Sea orchins..... Natusok si hubby nito kahapon habang naliligo sa dagat mabuti nalang at di masyadong malalim. Totoo ba na kapag natusok ka daw nito ay ihian mo lang daw at mawawala daw yong sakit???
Still shady night.... Uulan na naman.... Huminto lang sandali yong ulan nagbabadya na naman na uulan ulit.... Sumabay pa yong sakit ng ngipin ko.
Lady in black..... I don't need to be perfect to inspire others... I will deal people with my imperfections and let them be inspired...... Nighty night noisers
Maagang umalis mga anak ko para maligo ng dagat.... Niyaya kasi sila ng tiyuhin nila na maligo ng dagat kaya ayon sumama agad. Ginising sila ng papa nila mga 5:30 am, gumising kaagad noong narinig ang salitang dagat. Hay! Mga anak ko talaga
Seashell... We called this torong-torong. Ang sarap ng sabaw nito kapag niloloto. Naalala ko pa noon yong tiyohin ko kapag nangingisda siya ang dami nyang dala na torong-torong.. Makuti lang sya na ihain kasi kailangan mo pang putolin yong nasa ibaba para kung lulutoin na ay makukuha mo ang laman sa loob. Sinong nakakain na ng torong-torong? Anong tawag nito sa inyo?
Salamat at done na din sya sa isang gawain nya sa module.... Salamat talaga at nakipag cooperate ang anak ko. Malapit na naman na i pass 'yong module nila at may dadating na naman na bago.
Oras na para magpahinga.... Nighty night noisers... At magandang gabi naman sa mga night shift dyan. Ingat kayo sa inyong pagtatrabaho. Akoy matutulog na dahil pipikit na talaga ang mata ko.
Tagal ko ding nakapasok dito... Magandang gabii noisers. Kamusta naman buong araw n'yo? Ang buong araw ko ngayon ay busy dahil maraming lalabhan at module ng mga anak ko. Meet the seashell I saw in the sea nga pala,,di ko alam ang name nito. Kayo ba noisers, anong tawag ng seashell na ito?
Kaninang umaga hanggang maghapon bakit kaya di ako makapasok dito? May signal naman ang wi-fi, updated naman ang apps ko. Nagdelete na nga ako ng mga apps at photos.. But now I am happy and blessed na nakapasok na ako. Mag-iingay na naman ang inyong chubby noisers.
Another day of our life to be thankful of... Good morning noisers. Ngayon lang nakabangon sa higaan dahil napagalitan na naman😅. Paano yong katamaran ko di talaga mawala wala. Maganda ang panahon ngayon dahil nagpakita si haring araw.
Dumaan na naman si ate Cerelyn at pinautang na naman ako ng maha na may halong mangga. Kahit anong tanggi ko na hindi ako uutang dahil wala akong pambayad grabe din ang pilit nya na pautangin ako😅. Kaya ito umutang nalang ako ng isa. Ang gusto pa nya dalawa utangin ko😅. Si ate talaga oo. Masipag yan si ate Cerelyn na maglako ng mga niloloto nyang pagkain. Masarap din ang mga luto nya. Salamat kay ate Cerelyn na nagpautang sa akin ng maha. Ang sarap nya noisers.
Let's have some lunch noisers.... Dahil gutom na ako, nakalimutan kong picturan ang ulam ko😅. Bumili si hubby sa carinderia ng chopsuey. Bakit kaya kapag tumatanda eh umiiba yong taste? Kasi noong kabataan ko hindi talaga ako mahilig kumain ng mga gulay pero habang tumataas yong edad ko naghahanap na ako ng mga gulay. Ang sarap ng kain ko kapag pinakbet, chopsuey, baguio beans, talong,ampalaya at batong yong ulam ko. Satisfied na ako. Kayo ba noisers mahilig din kayo kumain…
Di pa nakakaligo hanggang ngayon. Naisip ko kasing maligo na naman ng dagat. Pampatanggal ng ubo at iba pang mga sakit. Habang tinitingnan ko picture ng anak ko na naliligo sa dagat, gusto kong maligo tuloy ng dagat ngayon.
Stress day is over. Another day is waiting by God's will. Maaga pa para matulog pero ang katawan ko gusto nang humiga. Ganyan kaming mga tamad. Paminsan minsan kailangan din naman magpahinga ng maaga para maganda ang paggising sa umaga. Nighty night noisers.
Nagising ako ng maaga dahil sa tawag ng kalikasan...... Good morning noisers. Happy friday everyone. Week days are almost over and weekend is near.. Bangon na and let us make some noise.
I cooked porridge for my kids. They love to eat porridge but I don't know if they will love this. It is chocolate flavor. I am thinking to make ube porridge but maybe next time. I hope my kids will love it. My kids are not here yet so I don't know if they will love it.
Nagutom na ako kalaro ng online games habang nagtuturo sa module ng anak ko. Nakalimutan ko na tuloy kumain. Sabi ko pa naman na dapat huwag tayong magpagutom para may lakas tayo para sa buong araw tapos ako lang pala ang di sumusunod sa sinasabi ko,,hahahaha.... Pasensya na minsan kasi nakakaadik din ang mga laro sa cp kaya nakakalimutan ko nang kumain. Sige noisers kakain na ako para bumalik ang lakas ko.
I wanna say thank you @pamish.. Thank you for your kindness. God bless you more. Thank you,thank you so much madam.
Tanong ko lang ka noise, anong tawag sa anak ng pinsan ko at anak ko? Tama ba ang 2nd degree cousin? Nalilito lang ako😅. Napasyal sila dito kanina. At etong phone maraming picture nila. Matagal na din kasi na di sila nagkita kaya ayon buong araw nagsama ang magpinsan.
Grabe hanggang sa pagtulog ko hindi ako nilulubayan ng module ng mga anak ko. Stress is real. Parang binugbog ang utak ko, pati katawan ko nanghina.
Malapit na ding matapos maglaba. Nakakalungkot lang kasi amaambon na. Hindi nagpapakita si haring araw at kumukolog pa ang langit.
Done na din sa PTA meeting. Makapagrelax na din sa wakas. Insakto at snacks time na pala. Ano kaya masarap kainin ngayon?
Yan bang nagmomodule sa di masyadong maliwanag,hahay...ewan ko ba nitong mga anak ko. May liwanag naman sa sala pero bakit sa kwarto nagmomodyul na walang ilaw.? Nakakalito din minsan ang mga utak nitong mga anak ko. Diba nakakasama sa mata 'yong sa dilim ka nagbabasa at nagsusulat?
Di ko na namalayan ang oras sa kalalaro ng wordscape... Sabi kasi nila nakakatalino daw ito. Nakatutulong daw para matoto tayo sa spelling. Kaya eto ako di na nakatulog ng maaga sa kalalaro,,hehehe... Palagi nalang napagsabihan kasi nga matigas din ang ulo. Nighty night noisers. Another day is over and tomorrow is waiting.
Makulimlim na umaga sa inyo noisers. Dahil matagal akong nakatulog kagabi eto ngayon lang nagising.... I make sure kasi na insakto walong oras tulog ko kahit late na akong nakatulog. Minsan pa nga lampas pa sa 8 hours😅. Today is Sunday, Our Lord's Day.... Blessed Sunday noisers.
Hyper ko umaandar na naman. Eh kasi late nang kumakain dahil adik sa laro. Ang tao talaga oo. Ako lang din ang dahilan kaya ako nagkaroon ng sakit kung hindi ko sana pinabayaan ang sarili ko hindi sana ako magkakasakit. Nandito na ito kaya magdudusa talaga ako sa kagagawan ko. Ika nga kung ano ang iyong itinanim siya rin ang iyong aanihin. Di ako kumain sa tamang oras kaya ang resulta na hyper. Kung di pa rin ako titigil sa ginagawa kong pagpabaya ay posibleng patungo ito sa…
It is already night, time to eat na noisers. Our ulam is humba and bam-e. Sorry nakalimutan kong kunan ng litrato kaya sinabi ko nalang.hehehehe..... Nandito kami sa bahay ni mama at papa. Nagfamily bonding kaming pamilya. Minsan lang magkaroon ng time dahil busy sa kanya kanyang pamilya.
Oras na para magpahinga kasi kailangan ko na matulog ng insaktong walong oras ngayon. Kung magigising pa ako bukas may lakad kasi kami ng kapatid ko kaya matutulog na ako noisers. Thanks for tuning in😅.... Nighty night noisers.
Thanks God for giving me another day of my life. Dahil nagising pa ako ngayong umaga, matutuloy ang lakad namin ng kapatid ko. Sana lang di palpak ang lakad namin ngayon. Good morning noisers.
Done to my first dose.... Thanks God na done na din. Last week kasi palpak yong pagpunta namin kasi schedule nila is for prisoners.
Maaga kaming naghapunan dahil gutom na ako. Sabi din kasi ng nurse na dapat hindi magpagutom. Linuto ni hubby ay isda dahil nga maraming bawal for 7days.
Thanks God I conquer my fear. Takot kasi ako basta injection, kahit anong injection. But today I conquer it. So happy lang talaga ako.... Tanong nga ng nurse sa akin kung kumakaba ba yong dibdib ko. Well, oo grabe yong kaba ng dibdib ko noong nasa linya pa lang kami for interview. But when the injection was done all is well.
Morning noisers. Late na nagising kasi masama ang pakiramdam ko. Epekto na siguro ito ng vaccine. Wala naman siguro akong dapat na ikatakot dahil normal lang naman na may side effects talaga ang vaccine. Sabi nga ng nurse kung di kaya ang mga nararamdaman na side effects pumunta lang daw kami sa health center dahil open naman sila 24/7.
Grabe ang init ng panahon ngayon. Mainit na nga ang katawan ko pati pa ang panahon kaya uminom tayo ng maraming tubig noisers para malayo tayo sa heat stroke.
Gabi na naman, isang araw na naman ang natapos at isang araw na naman ang dadating bukas. Kailangan ng magpahinga para may lakas para harapin ang bukas. My day is blessed because , I had a husband and children that are caring. So happy to have them.
So busy helping my kinder with his module. Kailangan kong tulungan at turuan ang anak ko sa module nya, dahil one of his task is gagamit ng gunting. I need to instruct him how to use the scissors so that he will not get hurt.
Kung kanina ang gulo ng mesa ngayon ay maayos na dahil tapos na din kami sa wakas sa module ng Anak ko. Buti nalang at nakipagcooperate yong anak ko. Dahil tapos na kami sa module, time to gala na naman. Pupunta kami sa bahay nila mama at makikain,,hehehehe.... May handaan kasi sila doon kaya makikain kami doon.
Time to sleep.... Maaga kaming naghaponan kaya ngayon ay matutulog na kami, ay! Ako lang pala kasi itong mga anak ko magfacebook pa. May binigay naman ako sa kanila na time limit. Kaya kung oras na para matulog, matutulog naman sila. So blessed talaga ako kasi sumusunod ang mga anak ko sa patakaran ko. Sana hindi sila magbago hanggang sa paglaki nila. Nighty night noisers.
Just wanna grate a happy birthday to my one and only daughter. She is turning 12 now at 4:08 pm. Sana'y di sya sumunod sa mga yapak ko kasi alam nyo naman na pasaway ako.hehehe....
Have you eaten your lunch noisers? Malapit nang magtanghalian pero kami kakain pa lang namin ng agahan,,,hehehehe.... Always late breakfast talaga kami kasi nagkakape kasi kami tuwing umaga. Kayo ba noisers kagaya ko ba na hindi mahilig kumain ng agahan sa insaktong oras?
Katatapos lang maligo ng dagat. Grabe ang init ng panahon pati yong dagat ang init pero dahil nag-request ang nag-birthday na maligo ng dagat eh wala akong nagawa kundi pagbigyan siya sa kanyang hiling. Pagligo ng dagat ang nagpapasaya sa mga anak ko. So happy to see them happy.
Ito nalang muna ulam ko kasi bawal pa ako sa karneng manok. Nagluluto kasi si hubby ng native na manok para sa birthday ng anak ko, eh apat na araw pa lang mula noong nag pa vaccine ako. Masarap siguro to noisers no.? First time ko pang kakain nito kasi century or fresca tuna yong natikman ko.
Time to sleep na noisers . Ngayon pa ako matutulog dahil nahihirapan akong huminga kanina. Pagkatapos kung kumain ng tuna parang makati katawan ko tapos nahirapan akong huminga. Bawal din siguro ang tuna noisers no?
Morning ka noise.... Kamusta ang gabi nyo? Ako, matagal ako nakatulog kasi nga nahirapan akong huminga pero noong ok na ang paghinga ko,nakatulog naman ako ng maayos. Salamat kay Lord at binantayan nya kami sa pagtulog.