Celebrating because it is Friday tomorrow. Sa panahon ngayon kailangan makahanap tayo ng pampa-good vibes. Kung hindi wala na, nalunod na tayo sa pighati. Kung di ba naman isa't kalahating t*ng* yun mga nasa gobyerno na nagsabi na ang mga wala pang bakuna ay hindi papalabasin o kaya ay ikukulong. Nagkagulo tuloy sa mga vaccination sites. Nakakalungkot yun mga pictures at videos sa social media. Parang zombie horde yun mga tao. Anyway, ito na yun pampa-good vibes ko sa sarili ko, puto bumbong at bibingka. Nangangamoy Pasko na uli. Malapit na mag-Ber months eh. Ilang linggo na lang September na tas Merry Christmas nga pala at Happy New Year din. Magparehistro para makaboto at please lang bumoto ng maayos. Huwag ibalik sa pwesto ang mga kurakot, magnanakaw, at walang alam. Merry Christmas at Hapoy New Year uli. Kain tayo bibingka at puto bumbong.
No comments yet