read.cash Log in
@alicia1954

This poem was written 4 years ago, Oct. 17, 2018. It was in my fb memories , and I am sharing this to everyone here , hoping that it will be a guide or a reminder not to doubt God when times we are in a problematic situations, or when we tend to forget God to thank and praise Him when we are overwhelmed with so much blessings to enjoy. BIYAYA NG DIYOS SA ATING BUHAY Ang biyaya ng Diyos ay laging sapat Anumang araw o sandali'y inilaan sa lahat Ito'y Pangako ng Diyos sa Bibliya nasusulat Na dapat paniwalaan pagka't Diyos ay tapat Problema at pagsubok sa mundo ay laganap Mga hadlang sa tagumpay ay ating hinaharap Alinlangan at pangamba dapat nating iwasan Biyaya ng Diyos ay darating sa oras na kailangan Kapag tagumpay na inaasam ay makamit Luwalhati't papuri sa Diyos huwag ipagkait Pasasalamat sa Diyos maging bukang bibig Ito'y kagalakang tunay sa Kanyang pandinig

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.