Alam nyo ba? Dahil parati tayong dinadalaw ng bagyo simula nung October, bigla Kong naalala yung mga pangalan ng bagyo. Sino ba ang nagbibigay ng pangalan ng bagyo Dito sa Pilipinas pag pumasok na dito? At di pa dati puro babaeng pangalan lang ang ginagamit na pangalan ng bagyo? Ngayon e may pangalang lalaki na rin Ang bagyo. Ang nagdaang bagyo ay Paeng Ngayon Naman ay Queenie. Ano kaya Ang basehan Nila sa pagbibigay ng pangalan ng bagyo? Natanong ko lang para may mag usapan at malaman Ang opinion nyo tungkol Dito .
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
14 comments
Sino po kaya? hahaha. Nadagdagan na naman ang problema ko tuloy. Ang daming bagyo na pala ang tumama sa Pinas ngayong taon dahil nasa Q na tayo.
Kasama na jan ang low Pressure
Wag mo nang problemahin yan. Di Naman ikaw magbibigay ng pangalan. Problemahin na lang natin ung pagdating ng bagyo kailangan handa Tayo sa pagkain. Kasi pag malakas ulan at mahangin mahirap pumunta ng palengke. Baka sa lakas ng hangin eh tangayin ka pa? ππ π
Hahah naubos na po pati yung bunga ng saging nung nakaraang bagyo na si Paeng.
Nirerecycle po ng Pag-Asa ang mga names ng bagyo, ate. Taz alphabetically arranged cya π
Korek. At binabase nila sa lakas ng hangin at dala na tubig ulan. Ayon sa kanilang pag.aaral at pagsubaybay sa LP
yes, mam! that's correct
Dati po kasi ma'am, according sa teacher namin sa science ata iyon, na kaya babae ang kalimitang pangalan ng bagyo eh dahil ang babae daw paiba iba ng mood. Tapos nagkaroon ng debate about sa kung bakit di na lang lagyan din ng panlalaking name, wild din naman ang bagyo. Tapos kapag kung gaanonkalakasbang bagyo doon ibabase kung babae o lalaki, depende ata sa ulan at hangin na dala niya. Pag-asa po ang nabibigay name sa bagyo, from A-Z, low pressure man or typhoon po.
Para sa akin kng sa babae ang pangalan ng bagyo di masyadong malakas,pero pagmalaka ang bagyo lalaki ipapangalan opinion lng hhh
Parang may napanood na ako nyan Ma'am. Sabi daw ang nilalagay dyan na mga pangalan ay yung madaling matandaan ng mga tao, o kaya base sa mga popular celebrities. May chart yata sila nyan, pinapakot nila., Kung saan matapat ay yun na ang ipapangalan nila sa bagyo. Halimbawa start wit the B...
Kaya nga te. Haha...
Oo nga pero sa naalala ko dati. Bago magsimula ang tayo, may sets of name yata yun ng mga bagyo para sa isang taon at randomly ata nila pinipili yun. Di ko na masyado maalala if tama ba ang pagkakwento ko. Kaya may taon daw ang name ng bagyo ay babalik after ilang taon.. Ay, itanong na lang natin kay Kuya Kim.π€
trip2 lang po cgoro yan nang mga staff nang PAGASA hahahaha
Dto sa lugar sa amin ang simula ng bagyo na malalakas ay october hangang november kaya nasanay na kami at alam na namin ang gagawin