"Maikling Kuwento"

0 11
Avatar for adeler
Written by
2 years ago

Sa isang pinagtagpi-tagping tahanan ay may nakatira na pamilya; sila ay sina J.R(anak), Rose(ina) at Jose(ama). Dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi na naipagpatuloy ang pag-aaral ni J.R at ang kaniyang ina naman ay kumikita lamang ng dalawang daan (₱200) sa paglalabada na hindi sapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Isang gabi, ay umuwi si Jose na lasing na agad naman itong sinalubong ni Rose at nagwika ng mga masasakit na salita sa kaniyang lasingerong asawa. Bigla nalamang sinampal si Rose ay ito'y natumba. Dahil sa ingay naiyon ay nagising nalang si JR at nakita niya ang kaniyang ina na nakahandusay sa sahig. Humagulgol ng iyak si JR at napasigaw ng tulong. Agad naman naidala si Rose sa Hospital upang magpagaling. Napaghinaan ng loob si JR dahil alam niyang malaki ang babayaran at hindi niya alam kung saano kukuha ng pera ibabayad sa Hospital. Iisa lamang ang tumatakbo sa isipan ni JR upang hingan ng tulong at agad naman itong nagtungo sa simbahan at humingi ng tulong sa poong may kapal. Sa mataimtim niyang pananalangin ay nakita rin ni JR ang kaniyang ama na nagdarasal. Tinungo ni JR ang kanaruruonan ng kaniyang ama, bigla namang nagkasalubong ang mga mata ng dalawa at bigla nilang niyakap ang isa't-isa. Napaluha nalang si Jose at humingi ng kapatawaran sa kaniyang kasalanan. Lumipas ang ilang mga araw ay naging maganda na ang kalagahan ni Rose, nagpasalamat si Jose at JR sa poong maykapal na naging maayos na ang kalagayan ni Rose. Humingi ng tawad si Jose Kay Rose sa kaniyang pananakit, inaamin niya rin ang nagawang kasalanan dahil nadala siya galit at kalasingan. Pinangako niya rin na hindi niya ito sasaktan at maghahanap na ng trabaho. Napaluha, ngumiti lamang si Rose at binigyan niyanng mahigpit na yakap ang kaniyang mag-ama. Dahil sa pangako ni Jose ay naitupad niya nga ito; nagkaroon ng magandang trabaho, hindi na nag-iinom at nabayaran rin ang gastusin sa Hospital. Dahil sa pagsising iyon ay naging masaya at maganda ang pakikitungo ng pamilya sa isa't-isa.

Enjoy Reading 😇

Hope you like it 👍

1
$ 0.00
Avatar for adeler
Written by
2 years ago

Comments