Alona Beach Resort
Ang Alona Beach Resort ay matatagpuan sa Panglao Island ng probinsya ng Bohol. Maraming mga beach rito pero ito ang pangunahing destinasyon at pinakadinarayong beach resort sa buong isla ng Panglao. Minsan tinatawag itong Little Boracay sa ganda at mapuputing buhangin nito. Sikat ang Alona Beach resort sa mga corals at puting buhangin na umaabot sa isa at kalahating kilometrong baybayin. Kadalasan dumadayo rito ay mga foreigners at pati sikat na mga artista. Ito rin ang pinakamaunlad na beach sa buong isla ng Bohol at isa sa mga kilala at dinadayong tourist destination sa buong Pilipinas. Nafeatured na ito sa ibat ibang mga programa sa t.v station pati na rin sa international. Bukod sa mala perlas at mapuputing buhangin ng beach kilala rin ito na pang world class na hotel.
Mahigit 20 ang mga beach resort dito sa Panglao Island at mga lodgings at hotels na magaganda na nagiging pahingahan ng mga turista. Kong pupunta ka ng Bohol ito ang una mong ilista sa bucket list mo at paniguradong mag eenjoy ka sa magandang isla. Malapit lang din ito sa bagong Bohol-Panglao International Airport.
Kong tinatamad kang maligo sa dagat meron din swimming pool na nakakapagrelax sa katawan. Habang nasa swimming pool ka makikita mo naman ang maganda at malaparaisong dagat mula sa pool. Perfecf ito sa mga bagong kasal na dito mag honeymoon.
Ito ang isa sa pinakakilalang destinasyon sa lalawigan ng Bohol kaya wag mong kalimutan na pasyalan ito. Kong nakaligo kana dito ay parang nakaligo kana rin sa Boracay.
abzero:)
Timoga Spring Pools
Ang Timoga Cold Spring Pool ay matatagpuan sa Brgy. Buru-un Iligan City. Ito ay isang kilometro ang layo mula sa kilalang Maria Christina Falls. Ang tubig dito ay galing pa sa bukiring bahagi ng Iligan.Huling punta ko dito ay noon pang year 2009. Halos isang dekada na ang lumipas ng huli ko itong napuntahan. Malaki na ang pinagbago ng lugar at lalo itong naging kaaya ayang tignan at marami ng mga turista nag naliligo dito. Ang entrance fee nito dati ay Php 20.00 lang pero ngayon ay Php100.00 na. Mahal man ang entance fee sa ngayon pero sulit naman ang pag swiswimming dito.
Dito may hiwalay na liguan ang mga bata at may slide pa na kong saan ay mas naeenjoy nila ang pagligo.Pinaganda pa lalo ang pool ngayon at mas dinadayo ito kompara dati.
Lalo akong naeexcite na bumalik sa Iligan City dahil narin sa mga tourist attraction dito. Na mas pinaganda pa lalo para maging kaaya aya sa mga bumibisita dito. Matagal paman bago ako makabalik pero sisiguraduhin ko sa pagbalik iikotin ko na ang buong Iligan para sulit ang pagpunta dito. Marami naring mga bagong malls na itinayo, mga establishment at pasyalan na lalong mas nakakaakit at nakakawili sa mga turista na bumalik rito.
abzero:)
Dodiongan Falls
Ito ang Dodiongan Falls na matatagpuan sa Brgy. Bonbonon, Iligan City. Mula sa kabisera ng Iligan 14 kilometro ang layo nito. Ito ay may taas na 20 meters at may dalawang itong falls. Maraming mga falls ang kilala at dinadayo sa Iligan City isa na dito ang Maria Christina Falls at Tinago Falls na alam naman natin na very well-known ang mga ito.
Way back year 2007 una akong nakapunta ng Iligan City kasi may mga kamag-anak ako na nakatira dito. Sa bukiring bahagi ng Iligan City sila nakatira pero may isang bahay din sila sa mismong syudad. Una akong nakapunta dito nong niyaya ako ng pinsan kong babae na mamasyal at maligo daw kami sa Dodiongan Falls. Mula sa Brgy. Digkilaan na kong saan sila naninirahan ay aabot lanq ng 20 minuto ang biyahe papunta ng falls kong sakay ng motor.
Dati ay hindi pa makakapasok ang anomang sasakyan kahit motor papunta ng falls. Kilangang maglakad para makapunta sa nasabing falls. Galing sa barangay road ay maglakad ka pa ng mga 30 minuto bago matunton ang falls. Kahit malayo ka pa ramdam mo at dinig mo ang rumaragasang bagsak ng daloy ng tubig ng falls. Kahit nakakapagod ang paglalakad sulit naman ang pagpunta mo dahil sa napakaganda ng tanawin at nakakamanghang falls ang bubungad.
Dati pagpunta namin dito ay libre at walang kang babayaran. Iwan ko lang ngayon kong may bayad ba or wala.
Ang sarap maligo sa malamig na tubig nito lalo na kong andun ka mismo sa binabagsakan ng tubig. Sa likod ng falls ay may kweba at pwde mong akyatin at don ka magpahinga. Pero nakakatakot baka may mga ahas kasi sobrang lamig sa loob. Sana ngayun ay lalong pinaganda ang lugar at para naman maginq komportabli ang magiging bisita dito. Malaki ang maitutulong ng Falls sa turismo ng lugar basta maayus lang ang daanan. Gustong gusto ko na ulit bumalik dito at masilayan ang mga magagandang tourist attraction ng buong Iligan City.
abzero:)
Sea of Clouds
Ito ang isa sa pinakadinarayong tourist attraction dito sa Danao Bohol bukod sa Danao Adventure Park at mga falls. Madalas kinokompara ang lugar na ito sa Sea Clouds ng Sagada Mountain Province. Dahil ito ay nakakamanghang tanawin maraming mga turista dito ang gustong masilayan ang Sea Clouds ng lugar.
Mula sa kabisera ng Tagbilaran papunta dito ay aabot sa dalawang oras ang biyahe. Marami kang masasakyan papunta dito may mga bus at mga v-hire na dito ang rota. Pwede ring magrenta ng van na nasa terminal ng Dao naka park.
Para masilip at masaksihan ang naturang Sea of Clouds dapat maaga ang pag-akyat sa tuktok ng bundok. Para magawa ito dapat dito matulog sa gabi para maaga ang pag-akyat sa bundok para masilayan ang napakagandang tanawin. Meron namang mga rooms na pwede matulugan at pagpahingahan. Mga 5am dapat ay simula na ang paglakad papuntang peak or tuktok ng bundok at agad bubungad sayu ang napakagandang pagmasdan na kaulapan na akala mo nasa langit ka.
Kay sarap pagmasdan ang ganitong tanawin na maisip mo na ang gaganda ng mga nilikha ng Diyos na dapat natin alagaan at pahalagahan upang ito ay patuloy na magbibigay sa atin ng magandang karanasan.
abzero:)
Mag-aso Falls
Ang Mag-aso Falls ay matatagpuan sa Antequerra Bohol. Ito ay may 8 metro ang taas na may dalawalang magkatabing falls na nasa mataas na bangin. Hindi parehas sa ibang falls na malakas ang agos ng tubig, ito ay napakatahimik at malumanay ang daloy ng tubig na nanggaling sa taas nito. Wala kang ibang marinig bukod sa daloy ng tubig nito kundi ang lawiswis ng mga ibon at sobrang payapa ng lugar. Napaka natural lang ang ganda ng falls at lugar na animoy parang nawawalang paraiso na ngayon mo lang ulit nahanap. Ito ay malayo sa ibang tourist spot ng Bohol at hindi crowded ang lugar na minsan lang may pumupunta dito. Perfect ito sa mga taong mahilig sa hindi mataong lugar. Very peaceful ang lugar, tahimik at simply ang kagandahan.
Walang mga facilities sa lugar, walang comfort room at walang mapagbilhan ng pagkain kong kayo ay nagugutom. Kong kayo ay pupunta dito dapat magdala kayo ng sariling pagkain at pangsnacks. Bagamat may entrance fee na Php 20.00 kada tao at Php 15.00 na parking sa mga sasakyan bukod jan wala ng iba.
Mabato ang papunta sa lugar kaya konting pag-iingat at hindi ito recommended sa mga bata kasi matutulis at madulas ang mga bato. Ito ay isang hidden paradise na ipinagmamalaki ng taga Antequerra.
abzero:)
Canawa Cold Spring
Bukod sa sikat at kilalang Can-umantad Falls at Cadapdapan Rice Terraces ay may isa pang pinagmamalaki at dinarayong tourist attraction ang lungsod ng Candijay Bohol. Ito ang Canawa Cold Spring. Mula sa kabisera ng lungsod mga kalahating oras ang byahe patungo rito. Ang entrance fee nito ay Php 20.00 kada tao.
Ang naturang spring ay malalim at wala pang nakakasisid nito. Ang kwento ng mga taga rito ay may nakatira daw na malaking hayop sa ilalim ng spring at taon taon dito ay may nawawalang mga bata at tao rito. Ito ang sabi sabi ng taga rito. Pero ganun paman marami paring mga turista ang bumibita dito at naliligo. Perfect itong pasyalan kapag sa panahon ng summer kasi sa sobrang lamig ng tubig. Araw araw at kahit hindi holiday marami dito ang pumupunta at naliligo.
Malapit lang ito sa Can-umantad Falls at Cadapdapan rice terraces. Mabilis at safe na ang pagpunta dito dahil maayos na ang kalsada at mga daan papunta rito. Hindi parehas dati na rough road at mahirap papunta rito kasi matarik ang daan at maputik lalo na pag -umulan. Ito rin ang lagi nami pinupuntahan ng mga barkada ko dahil masarap maligo dito. May mabibili ring mga souviner dito tulad ng keychain, damit at iba pang remembrance sa pagpunta dito.
Wag niyo itong kalimutang ilagay sa bucket list itong lugar na to at siguradong mapawow kayo pagnakapunta kayo rito.
abzero:)
Coastway SDS
Noong 17 years old palang ako at kakagraduate lang ng highschool ay hindi ko inaasahang makapunta ako sa kauna-unahang pagkakataon sa isla ng Mindanao. Ang nangyari kasi pumanaw ang lolo ko na tatay ng mama ko kaya isanama ako papunta doon. First time kong pupunta sa ibang lugar kaya may halong kaba at excited na makikilala ko ang akinq mga kamag-anak sa side ng mama ko at may halong lungkot kasi wala na si lolo na minsan hindi ko pa nakita.
Galing sa Butuan City mga 5-6 oras ang byahe namin sakay sa Bachelor na bus.
Pagkatapos ng libing ng lolo ko mga isang lingo ay umuwi na si mama at ako naman ay naiwan. Sobrang lungkot ko nong mga panahong iyon kasi hindi ako makakauwi kasi kulang yong pamasahi namin kaya si mama nalang ang uuwi muna. Tumagal ako doon ng halos isang taon bago nakauwi ng Bohol. Pero sa katagalan ay medyu na adopt ko na ang lugar kasi tabing dagat lang ang bahay ng lola ko dito kaya araw araw naliligo.
Ito pala ang Coastway beach at dito ako nakatira dati. Mahaba ang naturang beach mga halos isang kilometro ang haba. Dati kasi ginawa itong paliparan at landingan ng mga helicopter at eroplano ng mga sundalo noon.
Wala lang akong picture sa palaparan kasi dati may cellphone ako kaso keypad pa lamang at walang camera.
Sa naturang lugar maraming mga beach resort dito yong ilan may mga entrance fee.Pero yong sa amin sa bahay ni lola na nasa pinakadulo ng lugar ay libre lang ang pagligo.
Dito sa lugar na ito una akong natutong magtrabaho at tumulong sa mga gawain halimbawa nito ay yong pangongopras ng niyog.May niyogan kasi ang lola ko na halos dalawang ektarya kaya tumutulong ako sa pagcopras. Nakakapagod man pero tiniis ko ang lahat syempre para hindi ka mahiya at nakakatulong din ako. Maganda ang lugar dito, presko ang hangin at payapa. May mga isla din dito na pwedeng puntahan kapag low tide.
Hindi ko makakalimutan ang mga experience at karanasan ko dito kasama ang mga kamag-anak ko. Sarap ulit-ulitin ang mga panahon na nakakasama ko sila. Sana makabalik ako dito at lasapin ang mga magagandang alaala na hindi ko makalimutan magpakailaman man.
Dito pala kami kasama ng mga pinsan ko nangunguha ng mga pagkaing dagat at namimingwet at sakay sa isang bangka.
abzero:)
Ancient Graveyards
Ilang metro lang mula sa Guindulman Marine Sanctuary makikita ang sinaunang libingan na ang porma ng kabaong ay bangka (boat coffin).
Makikita mo ang mga kabaong sa kweba na nasa gilid ng bangin na nasa tabing dagat. Itoy nakiskubre ng taga rito pero lahat ng kabaong ay bukas na at wala ng takip. Hinihinalang kagagawan ito ng mga treasure hunter kaya bukas na ang mga nasabing kabaong (looted). Ang natitirang mga buto nalang ang makikita mo sa kabaong.
Noong unang panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa natin, dito ginaya ng mga ninuno natin ang estilo ng paghihimlay ng mga labi ng mga nasawi sa pamamagitan ng paglibing sa loob ng bangka.
Ngayon para mapreserve ang mga naturang mga kabaong at mga buto nito, ito ay dinala sa museum ng Guindulman para sa gustong makita at masilip ang mga ito. Ito ay naging tourist attraction ng aming lungsod.
Noong una namin tong narinig syempre pinuntahan agad namin to kasi malapit lang. Kasama ko ang kaklasi ko at kami ay sinamahan sa lugar. Mabato ang lugar at matarik. Sa bungad palang ng kuweba makikita mo agad ang ilan sa mga kabaong na wala ng laman. May iilang buto na nagkalat at napansin ko rin na may mga barya, pero di ko alam kong lumang barya or bago kasi dumiretso kami sa loob.
Ang lugar na ito ay binalita at nafeatured narin sa Kapuso mo Jessica Sojo ng GMA7. Kaya maraming nag suggest na ilipat ang mga kabaong at mapreserve ang mga ito kasama ang mga buto kaya nilagay sa Guindulman Museum.
abzero:)
Cadapdapan Rice Terraces
Ito ang Cadapdapan Rice Terraces na matatagpuan sa Candijay Bohol. Ito ay mala Ifugao Rice Terraces ang ganda. Sa baba nito makikita ang kilala ring Can-umantad Falls na napublish ko na sa una kong articles. Libre lang po ang pumunta dito at mamasyal. Mula sa Tagbilaran City mga tatlong oras ang byahe papunta dito. Maganda ang pagkagawa ng mga dike ng palayan at kitang kita mo talaga na perfect ang design nito na mala Ifugao Rice Terraces talaga.
Napakasarap ang simoy ng hangin, refreshing at nakakawala talaga ang stress ang lugar. Ang sarap manirahan sa ganitong lugar malayo sa syudad , walang ingay ng mga sasakyan, walang polusyon at very peaceful. Isang beses lang akong nakapunta dito at namangha ako sa lugar na akala mo wala kang problema at wala kang iniisip na di maganda at nakapagpapayapa sa kalooban ang ganitong tanawin na sana makikita mo araw araw.
Kong nais niyo mang bisitahin ang Can-umantad Falls wag niyo rin itong palagpasin na pasyalan.
abzero:)
Kabugnaw Cave at Cateris Cave
Ang Kabugnaw Cave at Cateris Cave ay ilan lamang sa mga kweba na may pool sa loob nito na dinadayo ng mga turista. Ang dalawang cave na ito ay matatagpuan sa Anda Bohol. Hindi lamang mga beach ang sikat sa Anda kundi mga kweba rin na may pool sa loob nito. Magkalapit lang ang dalawang cave na ito. Ang dalawang kwebang ito ang pinakadinarayo ng mga tao dahil medyo malawak ang lugar at malinis din ang tubig. Ang tubig dito ay hindi maalat kahit malapit lang sa dagat.
Ang entrance fee nito ay Php 20.00 bawat tao at wanto sawa kanag maligo dito. Bawal magkalat dito lalo na magtapon ng plastic sa kweba.
Lagi namin itong pinupuntahan ng mga pinsan ko kada magbakasyon ako sa Bohol kasi malapit lang ito sa amin. Sobrang ganda nito sa loob at malamig pa ang tubig.
Nafeatured na rin ito sa Biyahe ni Drew sa GMA7 at kilala na rin na pasyalan at paliguan ng mga turista.
abzero:)
Bitukang Manok
Hindi lang sa Quezon Province at Leyte ang may bitukang manok na tatawagin. Matatagpuan rin ito sa Bukidnon. Ang kalsadang iyan ay matatagpuan sa Quezon Bukidnon. Madaanan yan papuntang Davao at galing ka sa Valencia Bukidnon. Isang beses lang akong nakadaan dito noong andon pa ako sa kamag anak ko sa Talakag Bukidnon. Nadaanan namin yan nong pumunta kami ng Davao. Yan ang pinakamataas na kalsada at highway sa buong isla ng Mindanao. Kahit alas 3 pa ng hapon ay puno na ng fog ang lugar na halos di mo na makita ang kalsada. Sobrang lamig sa Bukidnon na akala mo ay nasa Baguio ka. Marami ring mga tourist attraction ang probinsya ng Bukidnon.
Isa ito sa mga magagandang lugar na napuntahan ko ang Bukidnon. Minsan nakakatakot ang ibang kalsada dito kasi sa taas ng mga bangin na kong titingin ka sa baba halos dimo na makita ang tubig ng ilog sa sobrang taas. Pero safe naman ang mga kalsada dahil kompleto ito sa mga signage at matataas ang gutter sa gilid ng kalsada.
Gusto ko ulit bumisita dito at libutin ang Bukidnon. Sa dami ng magagandang tanawin dito at malulula ka sa mga lugar na kaaya ayang tignan. Para sa akin ito ang isa sa mga da best na pasyalan at puntahan lalo na yong mga mahihilig sa hiking.
abzero:)
Jagna Rock Resort
Ang Jagna Rock Resort ay matatagpuan sa Larapan Jagna Bohol. Ito ay rock beach resort at madali mo lang itong mahanap dahil tabi lang ito ng highway. Ang entrance fee nito ay Php 20.00 bawat tao, ang cottage nito ay Php 250.00 ang renta at nagseserve din ito ng short orders.
Nagcacater din sila dito ng ibat ibang event tulad ng birthday party at may open function hall na perfect pang Garden Wedding.
Mula sa taas makikita mo ang malinis at bughaw na dagat na animoy nang-aakit upang ikaw ay maligo at magtampisaw. Mag-ingat lang lalo na ang mga bata dahil mabato ito hanggang pababa sa dagat. Dapat may konting pag-iingat.
Perfect dito magrelax at maligo. Sobrang malinaw at malinis ang dagat.
May paliguan para sa mga bata na mababa lang. Parang mini swimming pool kumbaga. Ang ganda ng lugar na akala mo nasa malayong lugar ka kasi sobrang payapa at tahimik ang lugar. Kong galing ka sa malayo may room naman sila para sa mag oover night at magpalipas ng gabi sa lugar.
Noong unang punta ko dito ay hindi pa masyadong narenovate ng maayos ang lugar pero ngayon lalo itong gumanda at naging maayos ang lugar.
Perfect din ito sa mga mahihilig mag dive at tumalon galing sa taas ng mga bato kasi malalim ang iyong babagsakan.
Subukan niyo itong puntahan at bisitain ang munting rock resort ng Lungsod ng Jagna Bohol.
abzero:)
Hinagdanan Cave
Ang Hinagdanan cave ay matatagpuan sa Brgy. Bingag Dauis Bohol. Mga 30 minuto ang byahe mula sa Tagbilaran City kong pribadong sasakyan ang gagamitin. Ito ay isa sa mga sikat at dinarayong tourist attraction dito sa Bohol. Ang naturang kweba ay naporma dahil sa limestone at puno ng nagklasi-klasing mga stactactites at stalagmites na dahilan upang mabuo ang natural na pool sa ilalim nito. May pool sa ilalim ng kweba na kong saan ito ang dinadayo ng mga turista upang maligo at magrelax. Ang entrance fee nito ay Php 50.00 kada tao at may dagdag na Php 75.00 kong maligo sa pool. Sobrang lamig at sobrang sarap maligo sa pool.
Maraming mga turista ang pumupunta dito hindi lang gustong makita at masilayan ang pool sa loob ng kweba kundi maligo rin. Sa loob loob din ng kweba makikita rin ang mga rock formation ng stalagmites at stalactites.
Ang likod sa kwento ng Hinagdanan cave nagsimula noong nadiskubre ng may-ari ng lupa ang kweba na kong saan qawin sana nitong farm at tamnan ng mga gulay. At dati rin itong taguan ng taga rito noong panahon pa ng digmaan upang hindi sila makita ng mga hapon. Sa nakakalungkot na nakaraan at mga pangyayaring hindi mabuti patuloy ngayon sa pagbibigay saya ang naturang kweba dahil dinarayo ito.
Sa mga nagbabalak pumunta dito sana sumunod lang tayo sa mga patakaran ng nasabing lugar para makag enjoy kayo at makapag relax habang kayo ay nandito.
Marami pang mqa tourist attraction dito sa Bohol na hindi niyo pa siguro alam at narinig.Sa susunod kong artikulo ibabahagi ko sa inyo ang ilan pang mga lugar na dapat ipagmalaki hindi lang sa taga Bohol kundi na rin sa buong Pilipinas.
abzero:)
Loboc #2
Bukod sa kilalang Floating Restaurant ng Loboc may mga tourist attraction pa itong ipinagmamalaki ng lugar. Isa dito ang Busay Falls. Mababa lang ang naturang falls na 4 metro lang ang taas at 12 metro ang lapad.
Bukod sa Floating restaurant at mga falls, makikita mo rin dito ang smallest primate sa buong mundo, ito ang TARSIER. Makikita lamang ito sa Pilipinas. Ito ay maliit lamang. Ang laki nito ay 8.5 hanggang 16 sentimetro lamang. Ang lifespan ng tarsier ay umaabot lamang ng 2-12 years. Ito ay nocturnal, ibig sabihin mas aktibo sila sa gabi. May malaki itong mata na ginagamit niya sa panghuhuli ng kanyang pagkain sa gabi. Kikakain niya ang mga tipaklong, kulisap at iba pang mga insekto.
Ang tarsier ay may mga matutulis na nqipin, mahaba ang buntot at mahahaba ang daliri. Sa ngayon ay ipinagbabawal ang panghuhuli ng mga tarsier para mapangalagaan at hindi inaabuso ng ilan ang panghuhuli nito para ibenta.
Bukod sa restaurant , falls at tarsier ay may ipinagmamalaki pa rin ang Loboc. Ito ang Loboc Children Choir na kilala at nakakaperform sa ibat ibang bansa. Sa katunayan ang naturang choir ay nakapag uwi ng mga panalo sa ating bansa dahil sumasali ito sa mga ibat ibang paligsahan sa ibang bansa. Sa ngayon aktibo parin ang choir sa nagtatanghal parin saang sulok ng mundo.
Sila ang Loboc Children Choir na dapat natin ipagmalaki dahil sila ay nakapag uwi ng karangalan sa bansa.
abzero:)
Loboc River
Ang Loboc River ay matatagpuan sa bayan ng Loboc , Bohol. Ito ang isa sa pinakadinarayong tourist attraction dito sa Bohol. Mula sa Tagbilaran City ang Loboc ay nasa 24 kilometro ang layo at mga isang oras ang byahi papunta dito.
Ito ay dinarayo hindi lang ng mga Pilipino kundi ng ibang lahi. Dinarayo din ito dahil sa kilala at sikat nitong FLOATING RESTAURANT.
Sakay sa Floating Restaurant ay maeenjoy mo ang Loboc River Cruise sa kanila buffet meal. Sakay sa River Cruise nito at buffet meal ay nagkakahalaga ng Php 550.00 bawat tao kasama dito ang cultural show at palabas ng mga taga rito.
Ang Loboc River Cruise ay nagsisimula sa Loay bridge sa magkatabing lungsod at sa sentro ng lungsod ng Loboc. Dito maraming mga cruise vessel ang pwede mong pilian at sakyan. Ang Loboc River cruise ay umaabot ng mahigit isang oras ang biyahe back and forth. Maeenjoy mo talaga kasama ang pamilya ang pagsakay mo aa floating restaurant dito.
Ang Loboc river ay isa sa pinaka malinis na ilog sa buong Pilipinas at pinakamaganda at pinakadinarayong ilog. Bukod sa maganda makikita mo kong gaano kalinaw at kulay berde ng tubig nito. Kong pupunta ka ng Bohol wag mong kalimutang bisitahin ang isa sa pinagmamalaking tourist attraction ng Bohol. Kakaibang experience at enjoy ang maramdaman mo kapav ikay bibisita dito sa bayan ng Loboc.
abzero:)
SM Seaside Cebu
Nakapunta ako sa SM SEASIDE Cebu City sa hindi inaasahan na pagkakataon. Nangyari ito noong nakaraang taon nong uuwi na sana ako ng Bohol kaso fully booked ang ticket papunta sa amin.So ayon sa Cebu ang lapag ko. Bago ako kumuha ng ticket ng barge papunta ng Bohol ay namasyal muna kami ng pinsan ko sa SM SEASIDE kasi raw maganda at dinadayo ito ng mga tao lalo na December at maraming Sale na pwedeng pangregalo.
Naglibot libot kami at namili ng pangreqalo kasi Pasko, kumain at namasyal. Napakalaki ng SM SEASIDE sa tingin ko mas malaki at malawak pa sa SM MEGAMALL.
Sa tabi ng SM na part lang din ng SM may bagong bukas na OCEAN PARK na katulad sa may Manila. Sikat na ito at dinarayo lalong lalo nasa sa mga bata. Gusto sana naming pumasok kaso alanganin na ang oras at babyihe pa kami pauwi ay baka maiwan pa kami ng barge.
Next time na pupunta ako ng SM SEASIDE dadalhin ko ang pamilya ko at makapamasyal man lang. Maganda ang SM SEASIDE at swak sa mga bata kasi maraming palaruan na para sa mga bata at talagang matutuwa at mag eenjoy ang mga anak natin sa SM SEASIDE.
abzero:)
Bentulan Rock Beach Resort
Ang Bentulan Rock Beach Resort ay matatagpuan sa Guintabo-an,Ubay, Bohol. Tinatawag itong Rock beach resort kasi mabato sya at hindi totally mabuhangin na beach.
Everytime na makauwi at makabakasyon ako sa Bohol isa ito sa madali naming puntahan kasi malapit lang ito sa bahay. Galing sa bahay mga 10 mins lang ang byahi kong magmotor. Ang kalsada papunta sa beach ay hindi pa totally sementado, rough road pa ang ibang bahagi. Kaya medyo maalikabok ang daan. Pero sulit naman ang pagpunta sa naturang beach dahil kahit simple lang beach malinis naman ito at maganda.
Ang entance fee nito ay 10 peso ang matatanda at 5 peso naman sa mga bata. Lagpas sa sampo ang mga cottages nito. Ang isang cottage na maliit ay 250 pesos ang renta at ang pinakamahal ay 1000 pesos na may sariling videoke ma swak para sa mahilig sa inoman at kantahan.
Mayroon din itong tatlong swimming pool na para sa mga bata na kong saan ay don maliligo. Swak ito sa mga bata kasi mababa lang at pwde rin magrent ng lifejacket para mas ligtas ang mga bata.
Ang mga matatanda na gusto ng malalim para langoyan ay pwede rin don mismo sa dagat at mag ingat lang kasi medyu mabato at pwede rin sumisid gamit ang goggles.
Madaming naliligo dito kapag sabado at lingo. Lalo na kapag Holiday at iba pang mga petsa na kong saan libre ang mga tao sa pag swiswimming.
Ito ay simpleng beach, malinaw at malinis na tubig dagat na kong saan sarap balik balikan.
abzero:)
Anda Global Beach Resort
Mula sa Tagbilaran City mga dalawang oras mahigit ang biyahe papunta dito. Ang Anda Global Beach Resort ay isang white sand beach resort na bukas sa publiko matatagpuan sa likod lamang ng Municipal Hall ng lungsod. Walang bayad ang pagswimming dito.
Ang naturang beach ay may mahigit kumulang kalahating kilometro ang kahabaan. Puti at pinong buhangin at preskong hangin ang maranasan sa pagbisita mo rito.
May mga ktv bar at restaurant na swak sa budget nyo. Puede rin dito maglaro ng sand beach volleyball.
Lagi namin tong pinupuntahan ng pamilya ko kasi bukod sa maganda ang lugar, presko ang hangin at puti ang buhangin ay wala pang bayad, libre ang pamamasyal dito at pagligo.
Na featured narin to sa palabas ng GMA7 na Byahi ni Drew. Marami ring mga turista ang makikita mo dito lalo na mga foreigner. Klasi klasing mga dayuhan ang pumupunta dito kasi mababait at palakaibigan ang mga tao dito.
So mga biyahero kong gusto nyong magrelax at magswimming wag nyo kalimutan na bisitain ang lugar na ito. Promote our local tourist spot attraction. Its more fun in the Philippines!!!
abzero:)
Landthai Hills
Ang Landthai Hills ay isang maliit na mountain resort na matatagpuan sa bukiring bahagi ng Barangay Lombog Guindulman Bohol. Sa ngayon marami ng dumadayo rito at patuloy pang pinaganda ang lugar. Ang entrance fee nito ay 20 pesos para sa matatanda at 10 pesos naman para sa bata.
Mula sa sentro ng lungsod bibiyahi ka ng kulang kulang isang oras bago marating ang lugar. Bago mo marating ang resort dadaan ka pa ng roughroad hindi pa sementado ang ibang bahagi ng kalsada papunta sa nasabing lugar. Pero pagdating mo sa lugar mamangha ka naman sa maganda nitong tanawin na makikita mula sa taas.
Swak dito ang magpahangin, magpicture taking kasama ng mga barkada at kaibigan.
May munting restaurant sa mga nagugutom na gustong kumain, may videokihan para sa gustong kumanta habang nag-iinoman.
Napakapresko ng hangin at malinis ang lugar. Very relaxing ang lugar bukod sa maganda ang tanawin at masarap ang simoy ng hangin napakatahimik pa ng lugar. Makapag-isip ka ng maayos.
Kong gusto nyong magrelax at mag enjoy dito kayo pupunta..Ehehe. Sana pagbalik ko dito ay sana mapaganda pa lalo ang lugar tsaka yong kalsada sana masemento na lahat para mas maenjoy ng mga turista ang pagpunta rito.
abzero:)
Enchanted River
Matatagpuan ang Enchanted River sa Barangay Talisay Hinatuan Surigao del Sur. Tinatawag din itong Hinatuan Sacred River. Ito ay isang deep spring river na kong saan ang tubig nito ay dumadaloy galing sa ilalim ng bunganga ng spring. Ang tubig nito ay dumadaloy papuntang dagat. Malapit lang ang dagat dito kong saan mag high tide nahahaluan ito ng tubig dagat.
Dalawang beses na akong nakapunta dito. At ang huling punta ko dito ay noong taong 2011 pa. Nakarating ako dito kasi dito nakatira ang tiyohin ko na kapatid ng mama ko.
Mula sa sentro ng Hinatuan aabot pa ng isang oras ang biyahe. Pero yong bahay ng tiyohin ko ay malapit lang dito. Ang entrance fee dati ay 20 pesos lanq kada tao, iwan ko lang nqayon kong magkano na. Ilang taon narin ang lumipas ng huli ko itong napuntahan.
Ito ay kuha sa labas ng enchanted river.Nakakamiss yong time at sarap balikan ang mga moment tulad nito.
Sa oras ng tanghali ay pinagbabawal ang paglangoy at pagligo sa naturang lugar. Dahil yan sa isang pamahiin ng may-ari dito..ahmmm.. totoo ba ito? itoy imbento ko lang..heheheh. Ang totoo nito kong bakit bawal po maligo sa tanghali sa kadahilanan na pinapakain nila ang mga isda dito. Opo, may mga isda dito na ang lalaki pa. Mga isang oras po ang pagpapakain ng mga isda.
Ang sabi ng ilang residenti dito ay wala pang nakasisid sa pinakailalim ng spring. May tumangkang sisirin ito pero hindi nagtagumpay at ang sabi sobrang lalim ng spring. Sa ngayon isa ito sa mga kilalang tourist attraction sa buong isla ng Mindanao. Para sa akin ito ang pinaka SOLID at pinakamagandang spring na napuntahan ko. Sa kulay pa lang ng tubig at linaw nito hindi ka mag aalangan na bumalik at maligo ulit dito. Sa mga biyahero na hindi pa nakapunta dito, bisitahin at puntahan nyo itong napakagandang lugar na pang world class na tourist attraction.
abzero:)
Waniban Island
Itoy isa sa hindi ko makalimutan na travel experience ko.
Noong taong 2011 diko inasahan na makapunta ako sa Mati City , Davao Oriental. Sinama kasi ako ng pinsan ko na magbakasyon doon ng isang linggo kasi taga doon ang kanyang misis. Excited ako lalo nat first time akong makapunta sa lugar na iyo. Nong nakarating na kami agad kaming pumasyal sa centro ng syudad.Masaya maganda at malinis ang lugar.
Kinabukasan nagyaya ang misis nya na maligo daw kami sa Waniban Island. Sumakay kami nang bangka kasi isla iyon.
First time kong sumakay ng bangka, pakiramdam ko may halong kaba at halong excited. Sobrang ganda ng dagat kulay asul na naqpapahiwatig na malalim iyon. Sobrang excited na makarating sa isla na tanaw na namin.
So pagkadating namin kumain muna kami bago maligo. Pero yong mga bata diretso agad nagswimming..heheh mga bata ba naman..
Sa isla ding iyon sinasabi nala na walang taong nakatira. May namamasyal lang doon para maligo kasi puti ang buhangin at malinis. Hindi naman ako masyadong naligo doon kasi sobrang init ng araw. Bawal magbilad baka iitim 😁😁😁. Mamimiss ko tong lugar na ito kasi alam kong malabo na akong makabalik doon..
abzero:)
Grand Canal
Ishare ko lang ang experience ko nong nakaraang Disyembre na kong saan pumanta ako at pinsan ko sa Venice Grand Canal Mall. Ito matatagpuan sa Mckinley Hills, Taguig City.
Libre lang ang entrance dito kasi sa loob nito ay may Mall. Mas maraming tao dito pag tuwing hapon hanggang sa gabi at sa araw ng sabado at linggo.
Para mas maenjoy mo anq pagpunta sa canal may boat po na rentahan kaso may kamahalan.
May mga souvenir na binibenta dito tulad tshirt, mugs na may larawan ng canal at maraming pang iba. Mayroon din mga banda sa gitna ng bridge na nagpeperform para aliwin ang mga tao.
Nagpapasalamat ako sa pinsan ko kasi konq di dahil sa kanya di ako makapunta dito. Napakaganda ng lugar kaso lang sobrang crowded siya pagdating ng hapon at gabi. Kahig pa man sobrang saya ko at never kong makalimotan itong lugar at sana manatili ang kagandahan ng lugar.
abzero:)
Tinuy-an Falls
Ito ay matatagpuan sa Bislig Surigao del Sur sa isla ng Mindanao. Ang Bislig City ay tinatawag na Booming city in the bay. Ang naturang falls ay tinatawag na multi-tiered waterfalls kasi may tatlong layer or level ang falls. Kilala rin itong pinakamalapad na waterfalls sa buong Pilipinas.
Mula sa highway aabot ng 30 minutes bago mo marating ang naturang falls. Huling punta ko dito ay noong taong 2012. Ito ang isa sa pinakamagandang falls ang napuntahan ko bukod sa Maria Cristina ng Iligan City at Can-umantad Falls ng Bohol.
Sa tagal na nito nakalimotan ko lang magkano ang entrance fee..hehehe
Kasama ko pumunta dito ay ang pamilya ng aking pinsan. Sulit talaga ang pagpunta namin dito sa sobrang ganda ng lugar, sobrang lamig ng tubig at napakapresko at malinis ang lugar.
Kong hilig kayong mag travel at hilig sa mga falls ererekominda ko ito na puntahan nyo.
abzero:)
Sagbayan Peak
Ito ay isang mountain resort na matatagpuan sa Lungsod ng Sagbayan Bohol. Malapit lang ito sa kilalang Chocolate Hills at sa taas nito tanaw na tanaw ang isla ng Cebu.
May bayad ang pagpasok sa naturang lugar. Ang entrance fee nito dati nong huling pumunta kami dito ay 70 pesos kada tao. Sa pagpasok mo lang dito agad bubungad sayo ang higanting dinosaur na laruan na gustong gusto ng mga bata.
May mga palaruang pambata ang resort na ito na kilalang dinadayo ng mga kabataan.May slide , duyan, mga naglalakihang laruan ng hayop at iba pa.
May slide na para sa mga bata na kong saan ay pwede maglaro. Meron din itong mga bahay-bahayan para sa mga bata na gustong maglaro.
Kong nagugutom kayo may restaurant sa loob at kong gusto nyo rin maq inom at kumanta may videokehan din dito.
Napakaganda at presko ang tanawin mula sa taas ng peak. Makikita mo rin dito ang chocolate hills.
Kong pupunta kayo sa Bohol wag nyong kalimutang bisitahin ang lugar na ito. Hindi kayo magsisisi at very relaxing ang lugar na ito.
abzero:)
Chocolate Hills
Flex ko lang yong time na nakapasyal kami sa chocolate hills. Matagal tagal narin akong di nakabalik dito. Huling punta ko dito noong highschool pa ako sa field trip namin. Ilang taon ang lumipas pero wala paring pinagbago ang lugar.
Marami paring turista na bumibista dito. Kabilang na dito ang mga ibang lahi o foreigner na kong saan araw araw ang pagbisita dito.
Kasama ko ang aking asawa at panganay na anak ma pumunta dito. Galing sa bahay namin mga 3 oras ang biyahi gamit ang motor namin. Sa haba man ng byahi aa kabila ng pagod at init sulit parin ang pagpunta namin dito.
Ang swerte pa namin di kami nakapagbayad ng entrance na 70 pesos pee head kasi sa sobrang daming mga turista kaya nilibre nlanq ang pagpasok sa lugar.
Picture dito picture doon. Yon lang naman eh maqpapicture anq pinunta namin.hehehe
Konq qusto nyunq pumunta at bumisita welcome kayong lahat.
abzero:)
Makamingaw
Flex sa nako ning mga hulagway or litrato na makamingaw sa akoa sa panahon nga akoa kining tan awon.
Kining litratuha kuha ni sa lugar sa Anda, Bohol. Kining lungsod sa Anda tapad rani sa maong lungsod na Guindulman. Pero kining beach resort medyo layo layo dyutay sa amoa og magsakay sa motor mukabat og 20 minuto ang dagan.
Basta makauli kos Bohol halos jud kada adlaw sa sayo sa buntag mi moanhag dagat kay nindot pa ky dli pa kaayo init samot naay mga bata. Samot ning akoang asawa og panganay na anak hilig kaayog dagat. Maligo na gani dili na halos mohaw-as sa dagat. Ing-ana man kuno nang layo sa dagat hilig maligo sa dagat.Hhehe.
Kini man gud akong asawa taga Ubay, Bohol unya ilang lugar layos dagat maong adik kaayog maligog dagat. So mao na, Halos kada adlaw mi muantos dagat dili lang kay maligo kundi magpahangin kay presko kaayog ang dagat og makawala sa problema ning naa kas dagat.
Sa amoang lugar daghan kaayog mga beach resort naa lay mga entrance fee. Pero kining lugara open nis mga tawo wala ni syay bayad. Na feature d i ning lugara sa T.V kadtong programa ni BYAHI NI DREW sa channel 7.
Gitawag d i ning dagata og Anda Global or Anda de Boracay kay ha taas ang beach halos usa ka kilometro ang hitas-on.
So konq qaling makasuroy mos Bohol ayaw ninyo kalimte pagduaw ning lugara kay dili gyud mo magmahay sa puti na balas og sa kapresko sa hangin na makarelax sa atoa.
abzero:)
Bak-bak
Nakakain naba kayo ng palaka? Palakang bukid at sapa?
Adobong palaka or ginataang palaka?
Yong palaka pala samin ay tinatawag na bak-bak yong kinakain. Hindi yong camfrog na may lason.
Paborito ko ang adobong palaka lalo nat qawing pulotan .. hahahah.. Nakakamiss yong ganon na andon ka sa probinsya lalo nat walang maulam. Anjan yong palaka sa sapa na nag aantay lang sayo na uulamin mo hahahahahhah.
Kasama ko mga kabarkada ko at mga pinsan nanghuhuli kami ng mga bak-bak pag sumapit na ang gabi. Kanya kanya kaming dala ng flashlight pero dati wala pang flashlight ang ginagamit namin ay yong dahong ng niyog.
Nakakamiss lang yong mga moment at bonding ng mga tropa mo na masaya sa panghuhuli ng bak-bak. Naisip ko lang kong kilan mauulit yong mga panahon na buo pa ang barkada. Daming kalokohan at mga biro na nakapagpapasaya at nagbabalik sa mga alaala na sana ay mangyari ulit.
Pagsisikap
Iba ang pakiramdam kong malayo sa pamilya.
Marami sa ating mga kababayan ang nagsusumikap na nagtrabaho sa malayong lugar para matugunan ang pang araw araw na pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya. Hindi iniinda ang pananabik na muling makapiling ang mga mahal sa buhay at nagtitiis labanan ang kalungkutan sa araw araw.
Bilang isang haligi ng tahanan isa ako sa marami nating kababayan ang nagsusumikap na nagtratrabaho sa malayong lugar para lang sa kapakanan ng ating pamilya. Ako man ay gabi gabi kong iniisip na sana balang araw ay magkakasama kami ulit para mabuo na ang aking pamilya.
Mahirap magtrabaho sa malayo lalo na't may iniinda kang karamdaman walang mag aasikaso at mag aalaga sayo. Pero pilit ko paring nilalaban ang lahat ng dagok at pagsubok na pinagdaanan ko. Ang aking dalawang anak at ang aking asawa sila ang nagpapatibay at nagpapalakas ng loob para di susuko sa hamon ng buhay.
Sa tuwing tinitignan ko mga larawan nito napapawi ang kalungkutan na aking nadarama.
Ito yong panganay ko at limang taon gulang na. Nakakamiss yong moment nyu at bonding mag ama non umuwi ako sa probinsya. Tuwaing magvivideochat kami laqi niyang sinsabi na kilan ba raw ako uuwi. Isang ngiti lang ang igaganti ko kasi alam kong medyo matagal tagal pa bago ako makauwi.
Ito naman ang bunso namin na si Samantha, magdadalawang taong ngayong darating na september. Sa tuwiing tumatawag ako laqi talaqa nyang kunin anq celpon nq mama niya para sya daw ang sasagot sa tawag ko. Hindi pa man masyado nakakpagsalita pero nakakaintindi na.
At ito naman ang mahal kong asawa na masungit minsan pag di ko nasasagot tawag nya..haha.. monthsarry pala namin nqayon. Sa 10 years naming naqsama diko pa talaga naiintindihan minsan ang ugali nito kasi sobrang matampuhin..hehe Pero love na love ko to..sobra.
Dinadalangin ko lang na sana matapos natong quarantine at makauwi na sa probinsya at doon nalang maghanap ng trabaho. Kahit maliit lang ang sahod atleast magkakasama kayo.
Yon lang po at maraming salamt!!!
abzero:)
Thanks #readcash
Good morning ! Kumusta po kayong lahat?
Covid 19 is still a threat in our daily life in the New Normal. Kaya it is safe for us to Stay at Home and Keep always safe.
[sponsor]
But our daily expenses won't stop. We need to find a income. So thank you so much #readcash for the opportunity to earn at the same time were safe.
abzero:)
Suroy
Usa na lugar akong gisuroy sa dihang nakabakasyon kos Bohol mao ang CAN-UMANTAD FALLS. Kining falls maoy pinakataas sa tibook probinsya sa Bohol, na makita kini sa Barangay Can-umantad na sakop sa lungsod sa Candijay.
Kong gikan ka sa Tagbilaran na maoy syudad aa Bohol mga 3-4 na oras ang byahion paingong sa maong falls.
Sa kadugay nakog puyo sa Bohol ni maka usa wala pa gyud ko kasuroy anang falls maong dako gyud kog hinamhinam na makaadto nianang lugara.
[sponsor]
Kuyog sa akong manghod ug duha na ig-agaw amo kanang giadto. Sakay lang mig motor kay lisod e byahe diraa kong 4 wheels ang qamiton. Tungod sa rough road ang kalsada og tungason pa gyud.
Kinina lungsod sa Candijay og amoang lungsod sa Guindulman gatapad lang ni na lungsod maong dali rami nakaabot sa maong falls. Gamit sa motor mokabat lang ug 1 ka oras ang byahi paingon sa maong lugar.
Ang intrance sa maong lugar kay 20 pesos matag usa ka tawo. Daghan kaayug mga turista sa maong falls. Naay mga foreigner na nagkalain lain na among nakita. Nawala among kakapoy sa byahi bisan paman sa kalisod sa dalan paingon sa lugar kay arang ka nindot kaayo na talan awon among nakita.
Ug galing makauli og makabakasyon napod kog balik sa akong yutang natawhan magbalik balik jud kog anhi aning dapita kay qawas sa kanindot sa falls arang kabugnaw pa gyud sa tubig. So kong kinsa tong mo aris Bohol ky magsuroy suroy ayaw ninyo kalimte og lakip ang Can- umantad falls dili og dili gyud mo magmahay og makaari mong dapit.