read.cash Log in
@Zzylith more from that month

i-separate ko pala dapat ang post ko 😅 210315. Isang taong nakalipas, isang taong nagdaan Ang buong Pilipinas ay sumailalim sa lockdown Mga tao'y nagpanic buying doon at dito Pero di kami makasabay dahil walang pondo 🤭 Nawalan ng trabaho, nakulong sa mga tahanan Naghalaman, nag-ayos at ang ila'y gumawa ng kapamaraanan Upang ang pamilya'y maiahon sa kahirapan At matugunan ang mga pangangailangan Sa aming pamilya, ako lang ang may trabaho Tatlong pamilya kailangan kong mairaos Halos masiraan ako ng ulo Pero eto ako ngayon at nagpapasalamat sa Diyos Isang taong nakalipas, isang taong nagdaan Ang Panginoon ay aking pinasasalamatan Dahil sa nakalipas na taon Kami pa rin ay buo at di tinamaan Ng Covid-19 virus ng buong mundo'y kinatatakutan. ayan hehe Thank You Lord sa buong taong nakalipas Ang biyaya mo'y sapat at walang kupas... Your grace is sufficient for us.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.