Video

0 2
Avatar for ZoeMichico_24
3 years ago

Alas dos ng umaga noon habang nakahiga ako sa aking kama. Tulog na sina mama at mga kapatid ko.

Bago matulog ay nakagawian ko na ang manood ng mga ghost caught on cam videos sa YouTube. Ewan ko ba kahit natatakot ako eh gustong gusto ko pa rin manood bago matulog.

Habang nag-iiscroll ako ay may biglang lumabas na videos sa screen ko na may nakalagay na "Please don't watch it if you don't want to regret".

Nacurious ako sa video kaya kahit ganun ang nakalagay ay pinindot ko pa rin at pinanood. Wala naman akong nakitang kahit ano sa video bukod sa kulay itim nitong background ngunit walang kahit ano. Maya't maya pa ay may biglang sumigaw sa video na babae at umiiyak. Ansakit sa tenga dahil nakaearphone ako.

Bigla kong tinanggal ang earphone ko at pinatay ang video. Naisip ko na isa lamang itong mga prank na napapanood ko rin na may biglang uungol na babae.

Pinatay ko na ang cellphone ko at nilapag sa lamesa sa tabi ng kama ko. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang messenger ko. May nagchat sa akin ngunit di ko ito kilala, may mga sinend siyang picture sa akin. Antagal bago ko ito mabuksan. Nung mabuksan ko ang video ay laking gulat ko ng makitang ako ang nasa picture at ang picture ay habang nakahiga ako ng nong mga oras na iyon. Sunod sunod ang pagsend niya ng picture sa akin at parehong pareho ito sa posisyon ko sa kama sa oras na iyon. Bigla akong nakaramdam ng takot ng mga oras na iyon at nanlalamig ang katawan ko.

Pagkatapos magsend ng pictures ay nagsend naman ito ng video ko na habang tinitingnan ko ang pictures sa phone ko. Ang pagkuha ng video ay halos nasa tabi ko lang ang kumukuha. Mag-isa lang ako sa kwarto at wala akong ibang kasama.

Biglang may nag pop up na message

"Hi!"

"Di ka ba makatulog?"

"Pwede ba akong tumabi sayo?"

"Naiinitan na ako dito sa ilalim! "

Anlakas na ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon! Gusto ko ng sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa akin.

"Pwede bang tabi tayo sa higaan?"

"Andito ako sa ilalim ng kama mo!"

"SINO KA BA WAG MO AKO PAGTRIPAN!" Pagtatapang ko kunware.

"Silipin mo nalang ako kahit saglit!"

Takot na takot na ako ng oras na iyon ng may bigla akong narinig na tumawa sa ilalim ng kama ko. Nakakatakot ang tawa nito.

Nagtakip ako ng kumot habang nanginginig sa sobrang takot. Maya't maya pa ay may nagchat ulit.

"Lumingon ka sa tabi mo!"

Bigla akong naramdaman na may nakahiga sa tabi ko. Gusto ko na sumigaw ng oras na iyon ngunit wala pa rin akong boses. Iyak ako ng iyak di ko alam gagawin ko. Hinila nito ang kumot at humarap sa sa akin nakakatakot ang muka nito at halatang galit na galit.

"Gusto ko lang naman makipaglaro sayo" Sabay tawa ng malakas!

Nanigas buong katawan ko at di ako makapagsalita pero nararamdaman ko ang pag agos ng luha sa mata ko.

Maya't maya pa ay nakaramdam ako ng isang malakas na sampal mula kay mama. Nananaginip lang pala ako. Narinig daw nila mama na sumisigaw ako sa kwarto kaya nataranta sila at pinuntahan agad ako. Kanina pa raw nila ako ginigising pero di raw ako magising at umiiyak na rin daw ako.

Alas 3 na ng umaga yun at kinuwento ko sa kanila ang nangyari. Sabi ni mama ay ayun na raw ang resulta ng kakapanood ko ng nakakatakot bago matulog.

Sinamahan muna ako nila mama sa kwarto matulog baka raw ano nanaman mangyari.

Kinaumagahan paggising ko ay takot na takot pa rin ako habang naalala ang nangyari kagabi. Nangako ako sa sarili ko na di na ako manonood ng mga ganun bago matulog at sisiguraduhin ko magdasal palagi bago matulog.

-end.

1
$ 0.00
Avatar for ZoeMichico_24
3 years ago

Comments