Subukan mo

0 6
Avatar for Zhamia
Written by
3 years ago

Kung natatakot kang sumubok umakyat, paano mo makikita ang magandang tanawin. Natatakot kang mahulog? Hindi ka pa nga nakaka akyat, nag aalala ka nang mahulog? At kung sakaling nasa tuktok kana, bat ka magpapahulog eh pwede ka namang kumapit nang mahigpit, pero kung sa pagtanaw pa lang sa tuktok, takot ka nang sumubok, tanggapin mo na lang na habang buhay ka lang sa baba at araw-araw na tatanaw sa mga taong hindi naging duwag sa pagkuha ng kanilang mga pangarap. Kung ikaw nga mismo takot kang kunin ang mga pangarap mo, wag mong asahang itutulak kapa ng ibang tao para sa mithiin mo.

Pero ngayon pa lang sasabihin ko sau na wag kang matakot umakyat at abutin ang nasa taas, kasi hindi mo to gagawin ng mag isa, marami kaming iaangat ka at hahatakin ka pataas, dahil kung paano namin naakyat ang tuktok ay ituturo naman namin ang eksaktong daan upang maiwasan na ikay mahulog at maligaw. TIWALA LANG! MAY AWA ANG DIYOS!

1
$ 0.00

Comments