Sino ba ako ?

0 8
Avatar for Zhamia
Written by
3 years ago

27 years old walang narating sa buhay, walang maipagmalaki, walang silbi sa pamilya, pero maswerte dahil may anak at responsableng asawa. Walang maitulong sa asawa pero kayang gumawa ng gawaing bahay at pag silbihan ang anak at asawa.
Kailan nga ba ako huling naging masaya at tumawa? Yung sitwasyon ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko maipagmalaki sarili ko sa ibang tao pati sa asawa ko. Ang hina ko, ni hindi ko man lang nagawan ng paraan yung mga dating dalaga pa ako. Wala din naman gumabay sa akin kundi sarili ko lang. Naging independent ako, minsan makasarili pero nasa tamang paraan naman. Sabi nila mahina daw akong umintindi, walang silbi naman sabi ng tatay ko . Wala man lang pampagandang mabili kahit anong skin care routine. Kung tutuusin gustong gusto ko ng mag trabaho, gusto ko nang mag aral ulit kaya lang huli na ang lahat, face the reality na hindi ko talaga maabot mga pangarap ko.

Minsan gusto ko nang sumuko kase wala akong ibang alam gawin, ang hirap para sakin na wala din naman makikinig ng kwento ko, lahat sila bc lahat sila puro gadget ang hawak at maglaro, samantalang ako, nag papaubaya nalang sa kanila kahit na ang hirap para sakin, yung hindi ko mailabas ung expression ko na nahihirapan na ako, pero gayunpaman pinipilit ko parin maging masaya. hindi ko talaga deserve lahat ng bagay na wala ako eh, siguro ganun nalng talaga harapin ko at pagsilbihan nalng sila sa paraan na alam ko at makakabuti para sa kanila, kahit na wala na yung mga bagay na gustong gusto ko, kase alam ko doon lang sila magiging masaya. Wala na din siguro akong karapatan sumaya..

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments