Isa sa pinakamahirap na trabaho na aking napatunayan sa aking buhay, ang pagiging sales lady sa isang Sm. Taong 2011 nang ako ay nag simulang mag apply at pumasok dito sa Harrison, hawak ang mga produktong Christmas lights kung saan ako ay seasonal lamang. Isang karanasan na hindi ko din makakalimutan sa akng buhay, isa din akong natuto sa pagbebenta ng mga ito.
Usapang pagbebenta ang aking puhunan rito at hindi ko ito kinakahiya sapagkat dito ako natuto makisalamuha pa sa maraming tao. Maging sa aking mga kasamahan. Ang sarap din sa pakiramdam na kahit nakatayo ng walong oras sa isang araw ay nakakabenta parin ako at kasiya siyang karanasan talaga.
Nag papasalamat ako sa ate ko dahil sya ang nag bigay sakin ng lakas ng loob para makapasok sa isang kumpanyang ito, ako ay kumukuha na din ng karanasan upang lumawak ang aking kaalaman. Hindi lang sa gusto ko magkasahod kundi ang gusto ko din ang aking ginagawa.
7
31
Naging sales lady narin ako. Alam ko kung gaano yan kahirap. Lalo sa mga kustomer na pihikan at bossy.