Alam natin na madami din sa atin ang nagkakamali, pero hindi naman talaga maiwasan ang pag aaway. Lahat ng bagay sa mundo ay mayu dahilan at kung kaya tayo ay naririto.
Ang sarap mag mahal ng taong mahal na mahal din tayo, ngunit sa kabila nito bakit nga nag kakahiwalay ang mag kasintahan ? Madaming dahilan kung bakit hindi ba ? Ito ay marahil na ibat-ibang kwento sa likod ng relasyon.
Hindi talaga maiiwasan ang mag kamali ng paulit ulit ngunit ito ay pag subok lang sa atin, wala naman talagang perpektong relasyon sa mundo. Sa aking palagay, nasubukan ako ng tadhana at madami din napagdaanan sa isang relasyon kung saan ay hindi maipaliwanag.
Ang pagbabago ko sa pakikitungo sa isang relasyon ay naayon sa aking karanasan. Ang hirap maging ako, pero natutu akong mag patawad sa kabila ng mga nangyare sa aking partner.
Kahit ganon ang nangyare talagang tadhana na ang nag uugnay sa amin at kahit alam kong mahirap ang pagsubok na iyon ay aking kinaya parin, bakit ? dahil sa isang pagkakamali natin ay doon tayo natututo.
Iba iba din ng kakayahan kung paano panghahawakan ang isang relasyon, dahil hindi naman laging masaya, hindi naman laging malungkot, pag bibigayan, paguunawaan at titiwala, at higit sa lahat dapat ay laging nasa sentro ang panginoon.
0
14