Isa sa hindi ko malilimutan ang mawalan ng isang anak, marahil bawat isa sa atin ay pinangarap ang magkaroon ng isang anak. Isang anghel ang dumating sa aming mag asawa taong 2015, ako ay nakunan ng anim na buwan noon. Sobrang pagdadalamhati ko sa aking anak na nawalay, pagkalugmok sa karimlan at hindi ko lubos maisip na mawawala nalang sya ng isang iglap.
Ako ay nag tatrabaho sa isang kumpanya ng tahian, pagod at hindi pwedeng umuwi basta basta sa trabaho para lang kumita para sa pamilya. Sa mga sandaling iyon ay hindi na namalayan ang pag hina ng aking nararamdaman ang aking baby sa loob ng tiyan ay napapagod din pala.
Inabuso ko ang tabaho, pinakamahirap sa lahat ay uuwi ako ng sobrang gutom at talagang walang ibang mag aasikaso, sobrang stress ko talaga noon, minsan nag aaway pa kami ng aking asawa dahil sa isang maliit na bagay lamang.
Ang hirap sa pakiramdam na mawalan ako ng isang anghel, kung saan bubuo na kami ng isang pamilya. Hindi ko akalain na mangyayare sa buhay ko ito, hindi ko din naisip na humingi ng tulong sa iba dahil sa nakakahiya. Nag bago ang takbo ng buhay ko, ang hirap pala mawalan ng anak.
1
26
Virtual hugs for you. Bilang ina, alam ko ang pagmamahal na binigay mo sa yung anghel. Kahit nasa sinapupunan pa natin sila, buo na ang pagmamahal na binibigay natin sa kanila. 🌻 for your little angel in heaven